24 (Saw you...)

1.3K 33 0
                                    

Rachel's POV

Nandito kami sa dorm at masayang nagbibiruan ng team maliban kay Jovs, may pinuntahan kasi sila ni Cha. 2 weeks na nakaraan mula nung halikan ko siya. Hindi naman nagbago pakikitungo niya sa akin. Cold parin.

Bumukas yung pinto at pumasok si Jovs. Nakatingin sakanya lahat ng teammates namin.

"Ate Chel, ikaw naman mag knock knock. Dali na." Sabi ni Pons.

"Hmm... Jovs! Knock knock!" Sabi ko. Naghiyawan naman yung teammate namin. Napatingin si Jovs sa akin habang inaalis niya yung sapatos niya.

"Who's there?" Tanong niya at bumalik yung tingin niya sa sapatos niya.

"Saw you..." sagot ko.

"Saw you, who?" Tanong niya.

"Ehem ehem... saw you lang ako, saksi ang mundo~" kanta ko. Napakunot noo naman siya nung tumingin siya sa akin.

"Mag volleyball ka nalang." Pambabara niya sa akin.

"Ihhhh! Jovjov! Knock knock." Pangungulit ko pa.

"Hay! Who's there?" Tanong niya.

"Saw you.." sagot ko ulit.

"Saw you, who?" Tanong niya at bumuntong hininga.

"Saw you parin ako... saw you lang." Sagot ko. Nagtawanan naman yung teammates namin.

"Wag mo na ipilit." Pigil sa akin ni Tin.

Si Jovs naman, di na ako pinansin. Umakyat na siya sa kwarto nila. Ano ba yan. May mga naisip pa naman akong banat. Kaasar. Isinulat ko rin yon sa isang filler ko!

"Grabe! Kain na nga lang tayo!" Aya ko sakanila.

*knock*

Tumayo si Mumay at binuksan yung pinto.

"Ate Cheeeeel!" Sigaw nung mga tao sa pinto at patakbong lumapit sa akin.

"Aray koooo!" Sigaw ko nung kumandong sa akin si Denden at Ella! Grabe!

"Hoy kami naman!" Sabi ni Ara at Kim dun sa dalawa. Sila Aly at Gretta naman, pinagtatawanan lang ako.

"Tulungan niyo naman ako!" Sigaw ko sakanila.

Tinulungan naman ako nila Maica.

"Ate Chel, sorry ngayon lang tayo nakapagkita. Nagbakasyon kasi kami." Sabi ni Vic.

"Okay lang..." sagot ko naman.

"Si Ate Jovs?" Tanong ni Ella.

"Sa kwarto niya." Sagot ko. Nagtakbuhan naman sila papunta sa kwarto ni Jovs. Alam nila kung saang kwarto?

"Bakit alam nila yung kwarto ni Jovs?" Tanong ko.

"Ah, kasi yun talaga room ni Jovs noong nag 2nd year." Sagot ni Mumay.

Napatango tango nalang ako. Mabuti naman pala at dinadalaw nila Si Jovs dito sa dorm.

"Jovjov! Wag ka na matulog! Arte mo, magpapatangkad ka pa, matangkad ka naman na." Pangungulit nila kay Jovs habang bumababa.

"Heh! Nanggugulo na naman kayo..." sagot ni Jovs.

"Sus! Hindi mo ba kami namimiss? Yung pasalubong namin!" Pangungulit nila.

"Diba sinabi ko, kunin niyo kay Fille o kaya kay Cha. Yung mga Atenista, kunin niyo kay Fille, yung mga taga La Salle naman kay Cha niyo kunin. Kulit ah. Denden, kay Fille mo kunin pasalubong mo, di porket may jowa kang taga La Salle." Pang aasar ni Jovs.

"Joviiiii!" Saway ni Denden sakanya.

"Bakit? Totoo naman!" Natatawang sabi ni Jovs.

"Aly, magpa deliver ka nga ng pizza." Utos ko kay Ly.

"Hindi healthy!" Sigaw ni Ly.

"Aba, sinisigawan mo na ako!" Sagot ko.

"Sabi ko nga. Nagda-dial na oh! Pizza hut ba?" Sabi ni Aly.

"Oo! Bilisan ah!" Sagot ko.

Di niya na ako inimik at itinapat na sa tenga niya yung phone niya.

Buong araw lang kaming nag bonding ng team at nila Ly. Magkaka kilala na pala sila, bukod lang sa rookies.

----------------

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendWhere stories live. Discover now