27 (Love Drunk)

1.5K 30 0
                                    

Rachel's POV

Isang buwan ng paiba-iba ng kilos si Jovs. Yung mga pinapakita niya sa akin, minsan ang sweet niya tapos minsan ang cold niya. Nakaka fall siya lalo kapag sobrang sweet siya kaso biglang magbabago.

Naisipan kong i-inom nalang itong problema ko kaya nandito ako sa bar.

"Isa pa nga..." sabi ko sa bartender. Inabot niya naman sa akin yung isang baso ng Wild Turkey American Honey.

Ininom ko yon habang pinagmamasdan yung paligid ko. May mga nagwawalwal sa isang sulok, yung iba nag e-emote, yung iba naman mga kabataan rin na nagkakatuwaan sa dance floor.

"Isa pa.." sabi ko ng maubos ulit yung isa pang baso.

"Ah, ma'am, wala na po kami nung Wild Turkey." Sabi nung bartender. Luh?!

"Ano pa bang meron kayo diyan? May Absinthe Lucid ba kayo or green fairy?" Tanong ko.

"Ah, meron pa po kami nung lucid." Sagot niya.

"Yun ang ibigay mo sa akin." Sagot ko.

"Sure po kayo?" Tanong niya.

"Mukha ba kong hindi sure?" Pagtataray ko. Sinunod niya naman agad yung utos ko at inilapag yung baso sa harap ko.

Ininom ko naman yun. Jusko! Napaka sarap with sarcasm yan ha. Nagpatuloy ako sa pag inom. Nilalagyan lang nung bartender yung baso ko.

Hindi ko na mabilang kung naka ilan ako.. isa, dalawa? Tatlo???

"Tara na. Uuwi na tayo." Sabi sa akin nung katabi ko. Nagdo-doble na yung paningin ko...

--**--
Jov's POV

Naka upo ako dito sa sofa sa dorm namin. Inaantay ko kasi si Rachel. Siyempre, captain duties.

*Riiiiing~*

Napatingin ako sa phone ko, nakita kong tumatawag si Rachel. Sinagot ko agad.

"Hello! Rachel! Anong oras na?! May curfew diba?!" Bungad ko.

"H-hello, ma'am? Ah, ako po yung bartender dito sa **** bar. Nandito po kasi yung may ari ng phone. Lasing na lasing na ho. (Skyy vodka pa nga!)" Sabi nung kausap ko sa phone ni Rachel. Narinig ko rin yung boses ni Chel.

"Ganon ba? Okay papunta na ako. Paki bantayan naman siya. Jovs nga pala. Wag mo papayagan si Rachel na sumama kahit kanino." Bilin ko. Um-oo naman siya. Inend ko na yung call at agad na nag drive papunta sa nasabing bar.

Pagdating ko doon, sumalubong agad sa akin yung mga nagyoyosi sa labas, pag pasok ko naman, mausok parin. Nakaka asar. Agad akong dumiretso sa bar counter para hanapin si Rachel.

"Tara na, uuwi na tayo." Sabi ko ng makita si Rachel.

"Ako pala si Eiman. Sino po kayo?" Sabi nung bartender.

"Jovs nga pala. Ako yung tinawagan mo kanina." Sagot ko. Tumango tango lang siya at inabot na sa akin yung phone ni Chel. Ibinulsa ko naman yung phone niya.

"Hanggang di---to ba nam--hik--man.. mhakhikhita khita! Lashing na nga shiguro akohh..." sabi ni Rachel habang nakatingala sa akin. Naka upo pa kasi siya. Pero bumabagsak na yung katawan niya.

"Iuuwi na kita..." sabi ko.

"Hoy, hanong hakala moh shakin eashy to get?! Shi Jovshh ka vahh..." sabi pa niya.

Iniakbay ko na yung braso niya sa balikat ko at hinawakan ko siya sa bewang tapos tinulungan siyang makalakad.

"Shaviii ng di akho eashy to get heee!!!" Sabi pa niya at nglupasay sa sahig. No choice ako kundi buhatin siya na parang sako.

"Ivava mo hakoooo!" Sigaw niya habang hinahampas yung pwet ko.

Nang makarating kami sa kotse ko ay isinakay ko agad siya sa shotgun seat at nilagyan ng seatbelt. Umikot naman ako at sumakay sa driver's seat.

Napansin ko na umiiyak siya. Bakit kaya.

"Jovshh... nashashaktan man ako... pero mahal talaga kita. Hindi ko alam kung bakit paiba-iba ka ng pinapakita sha akin.. minshan shweet ka taposh minshan parang ayaw mo sha akin... ano ba talaga ako shayooo... pashensha ka na kung iniwan kita noon at wala akong lakash ng loob na shabihin shayo kung bakit kita iniwan... pashensha na talaga... kung kaharap lang kita ngayon, shashabihin ko shayo... bashta pakinggan mo ako..." umiiyak na sabi niya.

"Shhhh tahan na." Sabi ko at pinunasan yung luha niya.

"Kamukha mo shi Jovsh pero hindi ikaw yun... kilala mo ba shi Jovsh? Hahahaha! Gago yun eh... shiguro gumaganti na sha shakin... gago rin naman kashi ako... iniwan ko sha ng biglaan." Sabi niya. Halata sakanya yung lungkot.

Nagdrive na ako at hinayaan lang siya na mag vent out ng rants niya about sa akin.

"Paano pala kita iuuwi sa dorm.. curfew na." Bulong ko sa sarili ko.

"Shorry Jovsh... shorry..." mahinang sabi ni Chel hanggang sa nawalan na siya ng malay dahil sa sobrang lasing.

Nagdrive ako papunta sa unit niya. Oo, tama. Dun nalang kami magpapalipas ng gabi.

Pagdating sa condo, nagpark muna ako at binuhat ko na siya papunta sa elevator. Medyo marami rami yung sumasakay sa elevator, buhat ko parin siya na parang sako.

Nang makarating kami sa 25th floor, lumakad ako papunta sa pinto ng unit niya. Itinype ko yung passcode sa pinto niya at bumukas yun. Dumiretso ako sa kwarto ng makapasok kami at isinara ko yung main door. Inihiga ko muna si Rachel sa kama niya. Kumuha ako ng pamalit niya sa closet. Naghanda rin ako ng basin na may tubig at towel para pamunas niya. Ang lagkit niya kasi at amoy alak na.

Pinatong ko sa side table yung basin at pinunasan yung mukha niya.

"Iinom inom ka kasi, di mo naman pala kaya..." sermon ko habang pinupunasan siya.

Sunod kong pinunasan yung braso niya.

"Tapos, iiyak iyak ka na parang bata na inagawan ng candy... buday talaga kahit kailan." Sermon ko na naman kahit di niya ako naririnig.

Sunod kong pinunasan yung katawan niya. Inalis ko yung suot niyang crop top at pinunasan yung dibdib niya tapos sinuotan ko siya ng maluwag na shirt.

Nang matapos ko siyang linisan, iniligpit ko na yung mga ginamit. Tapos bumalik ako sa pagkaka upo sa gilid niya. Hinaplos ko yung pisngi niya.

"Alam mo bang namiss kita? Sobrang saya ko nung bumalik ka... pero natatakot kasi akong mapalapit sayo tapos iiwan mo ko ulit..." sabi ko sakanya.

Nang matapos akong pagmasdan yung mukha niya, nahiga na ako sa tabi niya. Kailangan ko na rin kasing matulog.

----------------

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendWhere stories live. Discover now