11 (For my Queen...)

1.7K 38 0
                                    

Rachel's POV

Bumisita dito sa dorm sila Aly, Gretch at Ella. 1 week na lumipas mula ng magkasakit si Jovs. Malakas na ulit siya. Lalo ngang naging mapang asar eh.

"Saan pala si Jovs?" Tanong ni Gretta.

"Aba, malay ko ba don. Kasama niya si Ate Bunag." Sagot ko naman. (A/N: isipin nalang natin na naabutan ni Chel sila Tina Salak. Tamad talaga ako mag google.)

"Ah, ganon ba. Chel... nga pala, tumawag si Tito." Sabi ni Aly.

"Tito???" Tanong ko.

"Daddy mo..." sabi naman ni Aly. Napaseryoso naman ako ng tingin.

"Oh, bakit daw?" Tanong ko.

"Bale, nung una nangamusta siya tapos sabi niya he'll be back here in the Philippines para dalhin ka sa Germany." Sagot ni Aly.

Napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya.

"Ano?! Hindi pwede." Sabi ko.

"Kayo kaya mag usap..." sabi naman ni Aly.

"Ly, hindi ako pwedeng umalis. Alam mo yan." Sagot ko naman.

"Oo, alam ko. Pero, daddy mo na mismo nagsabi." Sagot niya.

Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok sila Jovs kasama si Ate Joanne.

"Oh, tagal nating di nagkita ha." Bati ni Jovs dun sa tatlo.

"Oo nga eh. Busy kasi." Sagot naman ni Gretta.

Lumapit sakin si Jovs, si Ate Joanne naman, nag hi lang dun sa tatlo tapos nagpaalam na aakyat muna sa kwarto niya.

"Mukhang seryoso usapan niyo kanina ha." Sabi ni Jovs at naupo sa tabi ko. Hinalikan niya ko sa noo.

"Ah, parang ganon na nga." Sagot ni Gretta.

"Tungkol saan naman?" Tanong ni Jovs at isinandal yung ulo ko sa balikat niya.

"Ahhh. Ehhh..." -Aly

"Tungkol sa lovelife ni Ly. Nakita niya na kasi yung crush niya..." sabat ni Ella at pssimpleng nginitian si Aly.

"Ah oo, si Denden...." sagot naman ni Ly.

"Denden???" Nakangiting tanong ni Jovs.

"Oo... ano, uhm.. Denden. Dennise Lazaro. Oo, tama. Dennise Lazaro pangalan non." Natatarantang sabi ni Ly. Parang ewan to. Kalaban niya yun sa MSSA League. Taga CSA Makati. Nakwento niya nga dati na lagi siyang sinusungitan non eh.

"Ahhh. Di ko kilala. Pakita mo naman siya sakin next time." Sabi ni Jovs. Hinampas ko naman yung tiyan niya.

"Para ano? Aber!" Sagot ko at inirapan siya. Niyakap niya naman ako.

"Para makita ko kung maganda ba. Nauutal kasi si Ly eh." Sagot ni Jovs habang nakayakap parin sakin.

"Teka, aalis na pala kami. Baka maabutan pa ng curfeeeew. Babye!" Paalam ni Gretta at hinila na palabas yung dalawa.

Naiwan lang kaming dalawa ni Jovs dito sa sofa.

"Jovs..." tawag ko.

"Hmm?" Sagot naman niya, nakayakap parin siya.

"Jovs, gusto ko ikasal muna tayo bago mo ko angkinin ha." Sabi ko sakanya.

"Ha? Oo naman. Bakit mo naisip yan?" Tanong niya.

"Wala. Naisip ko lang na... darating yung araw, aakitin kita. Pero sana, pag dumating yung araw na yun, tandaan mo 'tong araw na 'to. Mangako ka na iintayin mo munang ikasal tayo." Sabi ko sakanya.

"H-ha? Oo, sige. Pangako." Sabi niya at ipinakita yung pinky finger niya. Nag pinky swear kami. Hinalikan niya yung naka entertwine na pinky finger namin.

"Sealed na yung usapan natin." Sabi niya at ngumiti. Inalis na namin yung pagkaka entertwine ng daliri namin.

"Hmm... pwede bang ganito nalang tayo?" Tanong ko at mas hinigpitan pa yung yakap ko sakanya.

"Pwede naman." Sagot naman niya.

"Saan nga pala kayo napadpad ni Ate Joanne?" Tanong ko habang nakayakap parin sakanya.

"Bumili kami nito..." sabi niya at ipinakita sakin yung crown ring.

"Jovs. Mukhang ang mahal nito. Paano ka nagkaroon ng pera? Wag mong sabihing nanguha nalang kayo basta basta ni Ate Joanne?! Jusko!" Sabi ko habang hawak yung singsing.

Pinitik niya naman yung noo ko at kinuha sa akin yung singsing.

"Youtuber ako, di ba? Kumikita ako ng pera don. Ang dami kayang nagview ng mga video ko." Sagot ni Jovs.

"Itinabi mo nalang sana yung pera mo..." sagot ko.

"Hello? Ang dami mo na kayang naibigay sakin. Kaya eto, magbibigay rin ako sayo ng bagay na laging magpapaalala sakin, sa'tin. Sa kung anong meron tayo, sa relasyon natin at higit sa lahat sa pagmamahal natin sa isa't isa. Gusto ko, lagi mo 'tong isuot ha. Kahit saan ka magpunta, wag mo 'tong aalisin. Para kahit malayo tayo sa isa't isa, maaalala mo ako, maaalala mo na mahal kita. Mahal na mahal, okay? I love you, Queen Tamaraw." Sabi niya. Isinuot niya sa ring finger ko yung ring at kasya siya. Hinalikan niya pa nga yung singsing na nasa daliri ko eh.

"Paano pag may training? Di ko rin pwedeng alisin 'to?" Pang aasar ko sakanya.

"Pwede, pero isusuot mo ulit pagtapos ng training ha. Ingatan mo 'to, ito palang ang kaya ko eh." Sabi niya sakin.

"Ay nako, ikaw talaga! Wag mo nga nila-lang yung bigay mo. Pag galing sayo, kahit saan mo pa nabili yun, iingatan ko yun at pahahalagahan ng sobra." Sagot ko sakanya. Hinalikan niya naman ako sa noo.

"May ibibigay din pala dapat ako sayo. Nakalimutan kong ibigay noong 1st month natin dito ka muna." Sabi ko at umakyat papuntang kwarto.

Kinuha ko yung box ng regalo ko at agad agad na bumaba at naupo sa tabi niya.

"Tadaaa!~" sabi ko at inabot sakanya yung box.

"What's this? Di mo naman kailangan na mag abala pa." Sabi niya sakin.

"Uhm. No, kailangan regaluhan kita. Okay? Tignan mo na kung ano laman niyan." Sabi ko.

Binuksan niya naman yung box. May pendant yun na

"Jovelyn..." binasa ni Jovs yung pendant. Cursive yung pagkakasulat non.

"Mahal kita, Jovs." Sabi ko.

"Mahal din kita, alam mo yan." Sagot naman niya.

"Isuot ko sayo, Dai. Dali." Sabi ko, inabot naman niya sa akin yung kwintas at tumalikod sa akin. Isinuot ko naman yun sakanya.

"Ayan! Kala mo ikaw lang merong ibibigay ha." Sabi ko at tumawa.

Buong araw kaming nagkulitan, asaran at lambingan ni Jovs. Wala namang training kasi nga weekends.

----------------

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendWhere stories live. Discover now