41 (Hard to find)

1.3K 33 0
                                    

Rachel's POV

Naka stay parin sa unit ko sila Daddy. Nga pala, 1 week na akong naghahanap kay Jovs sa mga posible niyang lugar na pagtaguan dito sa Maynila. Ngayon, papunta ako kay Cha. Meron pa akong ibang pupuntahan. Si Cha lang talaga ang inuna ko.

"Oh, bakit?" Bungad niya sa akin.

Nandito kasi ako sa loob ng bahay nila. Pinapasok ako ng maid nila.

"Baka lang kasi alam mo kung saan nagpunta si Jovs or kung saan siya naka stay?" Tanong ko.

"Hay nako, Rachel. Wala akong alam. Kahit si Aly itinatanong yan sa akin. Wala na kaming contact ni Jovs, mula nung pumasok siya sa military." Sagot ni Cha.

"Wala ka bang alam na pwede niyang puntahan?" Tanong ko.

"Hmm... may barkada siya dito. Yung Kiefer ba yun. Atenista. Siguro alam niya kung nasaan." Sagot ni Cha.

"Oh, okay. Salamat, pasensya na sa abala." Paalam ko at tumayo na.

"Pag nagkita na kayo, wag na wag mo na siyang hahayaan na mawala pa ulit, tignan mo, hanap ka tuloy ng hanap ngayon." Sabi niya sa akin.

"Oo, salamat ha." Sabi ko at lumabas na ng bahay nila.

Sumkay ako ng kotse at nagdrive papunta sa Ateneo.

----

Pagkarating ko ng Ateneo, nag park na agad ako sa tapat ng BEG at pumasok sa gym. Training hours kasi ngayon. Oo, nakwento sa akin nila Aly dati yung mga oras ng training dito.

Pagpasok ko ng gym, nakatingin sila sa akin.

"Ate Cheeeeel!" Rinig kong sigaw ni Denden. Kilala ko boses niya.

"Grabe ate! Anong ginagawa mo dito? Sinong hanap mo?" Sunod sunod na tanong ni Denden nung makalapit siya sa akin, nakasunod naman sakanya sila Ella.

"Nasaan si Kiefer?" Tanong ko.

"Hoy! Kiefer!" Sigaw ni Aly.

Lumapit naman sa amin si Kiefer.

"Yes, Aly?" Tanong ni Kief.

"Hanap ka ni Rachel, anong ginawa mo?" Maangas na tanong ni Aly.

"Hindi, ah. Itatanong ko lang sana kung may nabanggit ba sayo si Jovs." Sabi ko.

"Ah. Kasi ano. Wala." Nakayukong sabi niya.

Hinawakan naman ni Gretta at Aly yung magkabilaang braso ni Kiefer.

"Sabihin mo naman na oh." Pagmamakaawa ko.

"Hmm. Okay. Ang sabi niya lang naman sa akin. Nasa lugar siya na never mo pang napuntahan pero gustong gusto mo daw puntahan." Sagot ni Kiefer.

"Sige. Salamat." Sagot ko.

Binitawan naman na nung dalawa si Kiefer at hinayaan ng bumalik sa training.

"Alam mo na ba kung saan?" Tanong ni Aly.

"Hindi parin.." sagot ko.

"Anong lugar ba yung gusto mong puntahan kahit noon pa?" Tanong ni Ella.

"Hmm. Sa... sa.... sa bahay nila sa Iloilo." Sagot ko naman.

"Nakapunta ka na ba don?"' Tanong ni Gretta.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Teka, oh nasa Iloilo nga daw si Jovs, nakita siya ng isang fan noong isang araw pa 'tong post." Sabi naman ni Denden habang nakatingin sa phone niya.

"Oh, ano pang iniintay mo? Alis na. Mag book ka na ng flight mo." Sabi ni Aly.

"Hindi na kailangan, natext ko na yung secretary ni Dad na i-book yung flight ni Rachel. Ang kailangan niya nalang gawin ay mag asikaso ng mga dadalhin niyang gamit at bukas ang flight mo. Ihahatid ko nalang mamaya yung flight details at ticket." Sagot ni Gretchen.

"Salamat!" Sagot ko at nagtatakbo na papunta sa kotse ko.

Nagdrive ako pabalik ng unit ko. Sumalubong sa akin sila Dad.

'Oh, parang ang saya ng bunso namin ha." Sabi ni Dad.

"Kasi po, pupuntahan ko bukas sa Iloilo si Jovs." Sagot ko.

"H-ha? Alam mo na ba yung balita?" Tanong ni Dad.

Napatingin ako sakanya na parang nagtatanong.

"Kasi anak, lumubog yung bangka na sinasakyan ni Jovs noong pabalik siya sa kanila mula sa isla ng Guimaras." Sagot ni Dad.

Nanghina naman akong bigla. Sobrang saya ko na eh, bakit bigla namang nawala na naman?

"D-dad? Sabihin mo nagj-joke ka lang." Sabi ko.

"Hindi anak, kakabalita lang. Kasama siya sa mga taong dinala sa ospital." Sagot ni Dad.

Umiyak na ako ng umiyak. Hindi naman pwedeng malunod si Jovs dahil marunong siyang lumangoy. Hindi totoo yon. Hindi totoong nalunod siya.

"Breaking news: volleyball star Jovelyn Gonzaga, idineklara ng mga doctor na dead on arrival." Sabi nung nasa news.

Marami pang sinabi sa news. Pero di ko na naintindihan dahil nga sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

"Anak... sige i-iyak mo lang hanggang gumaan yang nararamdaman mo." Sabi ni Dad.

Niyakap naman ako ni Mommy. Lalo lang bumuhos yung luha ko.

"Mommy, bakit... sana pala d-di ko nalang siya p-pinakawalan noon." Umiiyak na sabi ko.

"Anak, hindi mo naman alam na ito yung mangyayari eh..." pagpapatahan sa akin ni Mommy.

Di ko namalayan na naka tulog na pala ako kakaiyak.

----------------
A/N: Oh, wag niyo muna akong awayin. Magtiwala kayo sa akin hahahaha! Patapos na 'to. Wag kayong mag alala.

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendWhere stories live. Discover now