23

1.2K 34 0
                                    

Rachel's POV

Nag umpisa na ang training namin. Hindi na si Coach Kid yung coach namin. Si Coach George na. Assistant coach talaga si Coach Kid. Pero dahil nga nag leave si Coach George noon rookie kami, si Coach Kid muna nag asikaso sa amin.

"Jovs! Ano ba! Bakit mo hinayaang lumapag yung bola ng wala kang ginagawa!" Bulyaw ko sakanya. Paano ba naman, nasa pagitan namin bumagsak yung bola. Nasa backline pa kami.

"Bakit ako ang sinisisi mo?! Ikaw ba may ginawa ka?! Wala naman diba? Pinabayaan mo lang! Ano 'to? Ako lahat may kasalanan?! May pagkakamali ka rin!" Sigaw niya sa akin at nagmadaling kinuha yung gamit niya tapos lumabas ng gym.

Nabigla kaming lahat sa nangyari, wala ngang nakapag react agad eh.

Namalayan ko nalang yung sarili ko na hinahabol siya. Ang bilis niyang maglakad.

"Jovs! Sandali lang naman!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan pa kami ng mga tao dito.

"Jovs! Ano ba! Saglit lang! Hinihingal na ako!" Sabi ko habang hinahabol siya. Di ko parin siya maabutan.

"Sinabi ko bang habulin mo ko?!" Sigaw niya pabalik habang naglalakad parin.

Huminto ako at inalis yung isang rubber shoes ko at binato sakanya. Tinamaan siya sa ulo. Napahinto naman siya at lumingon. Agad akong tumakbo palapit sakanya at pinulot yung sapatos.

"Makinig ka kasi muna sa akin. Jovs naman!" Sabi ko habang nagsusuot ng sapatos.

"Ano gusto mong pakinggan ko? Kulang pa ba yung paninisi mo sakin kanina sa loob ng gym, Rachel?!" Kunot noong tanong niya.

"Jovs, pasensya ka na. Nadala lang talaga ako ng pagod. Sorry na. Please, bumalik na tayo sa gym." Sabi ko at tinry na hawakan yung kanang kamay niya.

"Please, Jovs." Suyo ko at hinalik-halikan yung kamay niya na hawak hawak ko.

"Chansing ka na ha." Sabi niya at inagaw yung kamay niya.

"Bumalik na kasi tayo. Hahalikan kita dito." Pagbabanta ko.

"As if namang kaya mo." Sagot niya.

Lumapit ako sakanya. Yung sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

"Hindi mo kaya." Sabi niya nang inilayo ko yung mukha ko sa mukha niya.

Tinalikuran niya na ako, mabilis ko namang hinila yung braso niya para mapaharap siya sa akin, agad ko siyang hinalikan sa labi at hinawakan yung batok niya para di siya makawala sa akin. Wala na talaga akong pakialam kung marami man ang nakaka kita sa amin.

Humiwalay na ako at hinila na siya pabalik ng gym para makapagtraining.

----------------
A/N: iba talaga si Da-Kiss. Hahahaha!

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendDär berättelser lever. Upptäck nu