33

1.4K 31 0
                                    

Rachel's POV

Wala kaming klase ngayon ni Jovs, nag stay lang ako dito sa kwarto ko. Si Jovs? Ewan ko dun? Di naman kami nag uusap ng masinsinan. Kahit nung hinalikan niya ako nung kaharap si Chris, di namin napag usapan yun. Kakausapin niya lang ako kapag may itatanong siya about sa volleyball.

Naisipan kong lumabas ng kwarto at magpunta sa sala. Ang boring kaya sa kwarto.

"Oh? Nandito ka pala." Sabi ni Jovs, naka upo siya sa sofa. Naupo rin ako sa tabi niya pero malaki yung space namin.

"Ah, yeah. Bakit?" Tanong ko.

"May naghahanap kasi sayo kanina. Eh sinabi ko lumabas ka kasi di ko naman alam na nasa kwarto ka lang pala." Sagot naman ni Jovs.

"Oh, yaan mo na. Wala akong balak tumanggap ng bisita ngayon." Sagot ko.

"Okay." Sagot sa akin ni Jovs.

"Tayo parin ba?" Tanong ko out of nowhere.

"Ha? Saan?" Naguguluhang tanong niya.

"Yung relasyon natin? Tayo parin ba?" Tanong ko.

"Lifetime yung binayaran mo. Pero, choice mo naman kung ayaw mo na." Sabi niya.

"Okay." Yun lang ang nasagot ko.

"Sige na. Aalis na ako." Paalam ni Jovs at lumabas na.

Naiwan na naman ho akong mag isa dito.

--**--
Aly's POV

Kasama ko ngayon sila Jovs, Gretchen at A.

"Bakit nga ba magkakasama tayo?" Tanong ni A.

"Lagi naman tayong magkakasama ha?" Sagot ni Gretchen.

"Sa dorm, oo. Tayong tatlo. Pero bakit ngayon? I mean? Naiba ba yung sched ng bonding natin? Tsaka bakit wala yung dalawang kumag?" -A

"Si Jovs kasi." Sagot ko.

"Oh, ano meron sayo Jovs?" Tanong ni A.

"So, ayun nga..." ikinwento ni Jovs sa amin yung naging usapan nila ni Rachel sa dorm kanina.

"Para kang ano! Babagal bagal! Kala ko ba gusto mo parin siya?" Tanong ko.

"Paano kung isang araw umalis na naman siya ng walang paalam?" Tanong ni Jovs.

Oo, gusto niya parin si Rachel. Pero ewan ko dito kung bakit ayaw niya pa pormahan, bukod don sa reason niya na takot siyang maiwan ulit.

"Hay nako, Jovs. Ano, itatago mo nalang yang feelings mo?" Tanong ni A.

"Parang ganon na nga..." sagot naman ni Jovs.

"Grabe, Jovs. Yun lang masasabi ko." Hirit ni Marge. Napalingon kami sakanya.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ni Jovs.

"Oo ah! Kung di pa ako nagsalita, di niyo pa ako mapapansin." Sagot naman niya.

Marami pa kaming ibang napag usapan.

----------------

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendWhere stories live. Discover now