SYBG 46

768 63 57
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Magtiwala"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"AAAAAAHHHHHHH!!!!!!" Sabay na sigaw nilang lahat. At pare-parehong napaupo sa kanilang Kinatatayuan. Bumagsak ni Miranda sa lupa, Isa pang putok ang yumanig ng gabing yun.

"AAAAAAHHHHHHH!!!!!!" Muli nilang sigawan. Nang manumbalik ang panadalian katahimikan, mga yabag ng paa naman ang narinig nila. Nagulat sila ng makita nilang bagsak na rin sa lupa si Go nang nakadapa. May tama ito sa likod. Habang si Imee ay nanginginig at umiiyak na nakaupo sa kalsada sa tabi ng halos walang buhay na Earl Go.

"Mom?!" Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. Si Luis. May hawak na baril. Ilang saglit lang ay nilapitan na ito ng pulis para pusasan din.

"Mamang pulis, wag!" Sigaw na nanggaling sa direksyon ng mga Scott. "Hindi siya kasali. Silang dalawa lang." Dugtong ni Aaron. Pinakawalan din naman agad siya ng pulis at iniwan. Mabilis na dinaluhan ni Luis si Imee.

"Mom? Are you okay?" Malambing na tanong ni Luis sa ina. Nanginginig man ito sa takot ay tumango pa rin ito. "It's over, Mom. It's over." Doon lang parang natauhan si Imee. Malaya niyang nailabas ang kanina pang pinipigil na pagpalahaw ng iyak. Malungkot man siya sa sinapit ng demonyong asawa ay nagpapasalamat na rin siya na natapos na rin sa wakas ang kalbaryo nila. Magiging malaya na siya.

"I'm sorry, Luis. Patawarin mo sana si Mommy. Hindi ko man lang nakayang ipagtanggol ka kahit minsan sa Tito mo." Sabi niya sa pagitan ng pag-iyak at paghikbi. Hindi na nagsalita si Luis at inakap na lang ang ina. May mapait na ngiting namutawi sa labi niya.We are finally free. Hinigpitan niya ang akap sa ina dahil yun lang ang meron siya sa ngayon.

"Sweet??" Napatda siya sa malambing na tinig na nagmula sa likuran niya. Gusto niyang lumingon pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay nablangko ang utak niya, nanigas ang buo niyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Quinn, let's go. You need to relax. You're shaking." Malambing na sabi ng isang boses na lalaki na hindi niya sigurado kung sino dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin kayang lingunin ito. Ang tanga lang di ba?. Nakaramdam siya ng panghihina. Baka nga meron ng iba ito.

"Kuya, I'm okay. Dito lang ako." Malamyos na sagot ni Quinn kay Siege.

"Quinn, at least umupo ka muna kahit sandali lang." Si Virgil naman ngayon.

"No. I'll just stay here. I need to speak to him kahit ngayon lang." Ramdam mo ang lungkot sa tinig nito.

"Nak, I think you and Crystal need to talk. It's time." Sabi ng lumuluhang ina. Tama na ang paghihirap ng anak. This must end tonight katulad ng pagtatapos ng gulong dala ng isang Earl Go sa buhay nila.

Mabilis ang kilos ng emergency responder na natawagan ng mga pulis. Naisakay na si Miranda sa isang ambulansya at mabilis na naisugod sa ospital, samantalang si Go ay nakadapa pa rin sa kalsada dahil inagawan ito ng buhay doon mismo. He was dead on spot.

Hindi nila alam kung paano silang nakarating sa loob ng bahay ng mga Scott. Basta ang alam nila ay naging maayos na ang kanilang mga paghinga. Naging panatag na ang kanilang mga dibdib. Naging normal na ang tibok ng kanilang mga puso. Meron pang kaba ngunit wala na ang takot na kanina lang ay bumalot sa kanilang lahat.

Since You've Been GoneDär berättelser lever. Upptäck nu