Chapter 11: One-on-One Lessons

61.2K 3.1K 390
                                    

"You'll start immediately today after your last class," demanded our teacher.

"F-Final na po ba ang desisyon niyo, Ma'am?" I gulped.

"It's final."

"Wala nang second chance?" pilit ko.

"Wala nang second chance! Kapag hiniwalayan ka, 'wag mo nang balikan!" hugot niya bigla. "Hindi ako naniniwala sa second chance!"

Hindi ko alam kung saan galing 'yong hugot ni Ma'am. Grades lang naman ang pinag-uusapan pero dinadamay niya ang kaniyang sawing lovelife.

Napatingin naman ako kay Drey na tila natatawa sa'kin. "Tatawa-tawa ka riyan?" irap ko sa kaniya.

"Haha. Eh ang kulit mo kasi, eh. Sinabi na ngang final na 'yung decision ni Ma'am," nakangiti niyang paliwanag.

***

Nang pinayagan na kami ni Ma'am na umalis, dire-diretso ako sa canteen at hinanap ko agad si Jasmine. Nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga upuan roon.

"Jasmine!" iyak ko sabay yakap sa kaniya. "Pinapa-tutor ako ni Ma'am!"

Hinaplos niya ang buhok ko para patahinin ako. "Bakit, kumusta na ba ang grades mo?"

"Para raw spaghetti!" Panay ngawa ko sa uniporme niya.

"Ah! Pababa nang pababa!" Tuwang-tuwa siya dahil nakuha niya agad. Itong si Jasmine talaga—bagay silang magsama ni Ma'am!

"At alam mo ba kung sino'ng tutor ko?" Patuloy lang ako sa paghagulgol na parang nawawalang bata. "Si Drey!"

"OMG! You're so lucky, Rae! Ang hot niya kaya!" kinikilig na hirit ni Jasmine. "Hindi ka ba natutuwa?"

"Mukha ba 'kong natutuwa?" Ipinakita ko sa kaniya ang mukha kong pati sipon ay tumutulo na sa kakaiyak.

"Cheer up, sweetie. O, heto ice cream para 'di ka na umiyak!"

Isusubo ko na sana ang ice cream na hawak ni Jasmine nang bigla niya itong binawi.

"Oops! Saka ko lang naalala, magkikita nga pala kami ni Rex ngayon!"

Hindi ko pa natitikman 'yung ice cream ay tumayo na siya at umalis. "Bye, Raven! Good luck sa tutorial mo mamaya!"

Naiwan na lamang ako roon na nakanganga at may tumutulong sipon. Huhu 'yung ice cream ko...

***

Nagkita na kami ni Drey sa labas ng classroom at magkasama kaming naglalakad ngayon papunta sa library, kung saan magaganap ang special lessons.

"O? Bakit parang tense na tense ka yata?" puna niya nang mapansing hindi ako mapakali.

I didn't answer and just kept looking away.

"Saka bakit parang palayo ka nang palayo sa'kin?" tanong ni Drey. "Iniiwasan mo ba 'ko?"

"Hindi ah!" Maigi akong umiling.

"Kung gano'n..." Hinablot niya ang braso ko at hinatak ako palapit sa kaniya. Nagbanggaan ang mga tagiliran namin. "Bakit tila natataranta ka riyan?"

"Kasi isa kang halimaw!" I told him directly. "S-Saka sabi ni Train, iwasan daw kita."

"Raven," he sighed. "You don't have to worry."

Nagsalubong ang kilay ko sa kaniyang sinabi, ngunit ang kasunod nitong mga salita ang siyang talagang bumulabog sa utak ko.

"I also have my own master."

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now