"Because her heart is weak. I want to show her that I'am his other half. I will always be there for her." Tugon naman ni Jaden na abala pa rin sa kanyang ginagawa.


Ang seryoso naman ng sagot nya!


"Ikaw Francis, may kapatid ka ba??" tanong ko naman dito


Napansin kong natigilan si Francis sa naging tanong ko.. Ehh? Bakit kaya??


"W-wala.. Only child ako." Tugon nya


Bakit ganun yung reaksyon nya??


"Pareho tayo! Ang boring maging only child. Wala akong kaagaw sa mga laruan noong bata ako, pero nakakalungkot dahil wala din akong kalaro! Madalas tuloy akong makalikha ng mga imaginary friends! Hanggang ngayon tuloy inaasar pa rin ako ni Flay tungkol dun hahaha.." Saad ko naman para pagaanin ang atmosphere.


"Speaking of Flay, ang husay ng ipinakita nila ng mga kaibigan nya during the Game of Storms." Saad ni Francis


"Tama ka.. Lalong-lalo na ni Charmaine. Hindi ko akalain na nakakatakot ang magic na meron sya!" pag-sang –ayon ko at nakitang natigilan si Jaden.


"Hindi ko pa sila nababati ng personal hanggang ngayon. Mabuti sigurong yayain natin silang lumabas sa weekend para mag-celebrate.." saad ni Francis


"Magandang ideya yan! Hindi pa nakikilala ni Jaden yung mga bagong kaibigan ng kakambal nya. Lalo na si Charmaine." Saad ko


"Charmaine?? Sya ba yung mag-isang tumalo sa grupo nina Nero??" tanong ni Jaden at nagtaka ako kung bakit mukang interesado sya bigla sa topic.


"Sya nga yun." Sagot ko


"Kung ganun yung anghel na nakabungguan ko noon ay isa palang mage." Narinig kong bulong nya sa sarili


Ano daw??? Minsan nawe-weirduhan na ko sa sarili kong mga kaibigan.. Hahaha


"Jaden something's fishy. . Kilala mo ba si Charmaine??" tanong ko


Inosente itong umiling..


"Guys! May ibabalita ako sainyo!!" humahangos na saad ng isa naming kaklase at agad itong pumasok sa loob ng lab.. Iilan lamang kami dito dahil yung iba ay hindi pa sinisipag magsimula sa activity..


"Dude relax ka lang. Ano bang meron??" saad ko para pakalmahin sya


"Suspended daw ng tatlong araw si Nero!" malakas nyang announce


"Si Nero ng DCM???" tanong ni Francis


"Oo!! Si Nero! Yung prinsepe ng Gorgona Kingdom!!" sagot nito


"Bakit sya na-suspend??" tanong ng isa naming kaklase


"Hindi pa malinaw ang kwento pero ayon sa mga narinig ko, may pitong estudyante daw ang palihim na tumakas ng school! At si Nero ang tumulong sa kanila para gawin yun!!" saad nung tsismoso naming kaklase


"Sandali lang. Anong kasalanan ni Nero?? Paanong tulong ang ginawa nya?? Dahil unang-una wala naman talagang guard ang school kaya maaring maglabas-pasok ang mga estudyante." Tanong ko


May restrictive spell na bumabalot sa school na pumo-protekta mula sa mga outsiders. Pero hindi naaapektuhan ng spell na yun ang mga estudyante kaya maari silang lumabas ng school ano mang oras. Ipinagbabawal ng paaralan ang paglabas sa school during school days pero hindi nila pinaghihigpitan ang mga estudyante dahil gusto ng school na ipairal ang disiplina sa sarili.. Ginawa ito ni Headmaster Fridd para i-promote ang moralidad ng mga mag-aaral.


"Hindi ko din alam. Basta ang sabi lang tumulong ito dun sa mga tumakas na estudyante." Sagot nung tsismoso naming kaklase.


"Sino daw ba yung mga tumakas ng estudyante??" tanong ng isa pa naming kaklase


"Kilala nyo ba yung mga freshmen na witch na nanalo sa Game of Storms?? Sila yung nabalitaan kong tumakas ng school." Sagot nung tsismoso naming kaklase


Muntikan ko nang mabitawan yung hawak kong chemical.


Tama ba ako ng nadinig??? Freshmen na witch na nanalo sa Game of Storms??


Sina Flay???


Agad kaming nagkatinginan ni Francis.


Anong gulo nanaman ba ang pinasok ng kaibigan kong yun??


"Sandali lang. Sabi mo pito yung tumakas. Sino yung dalawa pa??" tanong ng isa pa naming kaklase


"Ang balita ko mga taga School of Martial Arts and Weaponry yung dalawa pa.." Sagot nung tsismoso naming kaklase


"Sino???" tanong ni Francis


"Sina Ashley Sylver Youngblood y Vanderwood at si Cobalt Lockwood." Sagot nung tsismoso naming kaklase.


Huh??


~~~~~~~~~~~

WitchcraftWhere stories live. Discover now