Black Amethyst

6K 196 42
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

R e d

"Thanks for today... kahit na masama ang loob mong sa'kin ka pa napasama." Hindi ko siya tinignan dahil naaasar na naman ako ng walang dahilan. Ewan ko ba, siguro dahil alam kong ayaw niya sa'kin, at asar ako sa bagay na 'yun. Kung iisipin, bakit nga ba ayaw niya sakin? May limang bagay lang naman, eh.

A. She's not into girls.

Sinabi lang niya sa'kin noon na bisexual siya as an escape hole. Sabi ko na nga ba't tama ang kutob ko; ayaw lang niyang kainisan ko siya dahil ang totoo, jinudge niya ako. Sus, typical.

B. She's in love with some whoop-ass douchebag who's very good-looking. And rich, don't forget about that.

Too handsome that it takes away the itsy bitsy possibility that she will change teams. Oh my, broken na broken na naman ang heart ko. Kalmahan, 'di ka sure.

C. She's secretly married.

Well, I hope not. Mahihimatay ako kung totoo man 'yan. 'Di bale, pwede pa namang maghiwalay 'yan. Charot! Pero shit, sana naman mali ako, ano?

D. She's really a nun who's dressed in a sexy nurse outfit.

No comment. I don't want to say what's on my mind. Insert evil laugh here.

E. Did I mention she's not into girls?

Oh, for crying out loud, Erin. Give in already! Damn it.

As of now, the chances are poor. My chances. I can never have this girl and that's what hurts the most. Ang hirap talagang isipin ang bagay na alam mong walang pag-asa. Iniisip ko pa nga lang, nanlulumo na ako. Oh, well, makauwi na nga. Buti nga ako, ganito lang ang problema, samantalang ang mga tao dito, kinabukasan nila ang iniisip nila, ang mga nasirang kabuhayan, at ang pinakamasakit sa lahat, ang mga nawalang mga mahal nila sa buhay. Tapos ako, love-life lang, ganito na? This makes me think I'm still lucky despite all this. Maybe I'm just being dramatic. Ugh! I need a break.

"You're w-"

Itinaas ko ang aking kamay at napatigil siya. "Save it, Erin." Napayuko siya dahil sa ginawa ko. Ay, bakit sad? 'Di ba't ito ang gusto niya? Hay naku, Erin, my love, minsan hindi talaga kita getching, eh. "I'll be seeing you again tomorrow."

Umalis na ako sa tent kung saan naiwan pa siya kasama ang best friend niyang si Sabrina Sarmiento. Alam kong tinitignan pa rin niya ako. Huminga ako ng malalim habang naglalakad. Makalingon nga para sigurado. "Sabi ko na, eh." Kung 'di ako lumingon, sayang yung kilig. Ang tanong ko lang, ang dami ko namang tanong, anyway, bakit nga ba niya ako laging tinitignan Siguro dahil gustong-gusto niya akong nakikitang nahihirapan. She's so cruel. Well, what do you expect from the lady dragon? "Ililigo ko lang 'to," Sabi ko sa sarili ko. "...at kape."

Dumiretso na ako sa lugar kung saan kami matutulog ngayon. Sana nandun na si doktora Salazar, para may makausap ako. Siya daw ang kasama ko ngayon. And do you know what else I need? Sleep. A good night's sleep.

E r i n

"Ang sungit, 'di ba?" Tanong ko sa aking matalik na kaibigan. Nakita naman niya kung pa'no ako isnabin at sungitan ng magandang, teka, bakit ko siya pupurihin? Pati utak ko, in love sa kanya, ganun? Grabe na ituuu. Siya na talaga. "Wala naman akong ginagawa sa kanya!"

Lead Me Astray (Reverse Harem)Where stories live. Discover now