Food Fight

13.7K 298 33
                                    

CHAPTER FOUR

R e d

Lumalalim na ang gabi nang biglang tumunog yung doorbell. "Are you expecting someone?" Tanong ni Ivory sa'kin. Sinabi kong wala, kasi wala naman talaga. Unless may biglaan na namang manliligaw. "Sino naman kaya 'to?"

"Hey," Boses lalake at pamilyar. "Ivory." Sinubukang isara ni Ivy yung pinto pero napigilan ito ni Vincent, ang ex-boyfriend niyang duwag. "Please... kausapin mo ako."

"Umalis ka dito!"

"Hindi ako aalis hangga't 'di mo ako kinakausap."

Nagsisigawan na sila sa labas. Lumabas na rin ako para kausapin si Vince, at para paalisin na rin siya. Iyak ng iyak si Ivory, pero bigla siyang napatigil nang makita niyang dumating si Dustin. Ang sarap ng ngiti ni Vince kasi akala niya yayakapin siya ni Ivory, pero nagkamali ito. "Thank God, you're here." Tumakbo pala si Ivory para hagkan si Dustin. Lalong uminit ang ulo ni Vince, halata sa paghinga nito ng malalim at pagkamot ng ulo.

"O, bakit?" Hinalikan ni Dustin yung noo ni Ivory. Ang sweet naman ng mga 'to. Nakakainggit. "Sino'ng nagpaiyak sa'yo?"

"At sino ka naman?" Maangas na tanong ni Vincent kay Dustin. "Teka, hindi ba't ikaw yung waiter sa resto dun sa kanto?" Hindi umimik si Dustin. Humalakhak naman si Vince habang naglalakad ng pabalik-balik. "Oo... ikaw nga."

"Vincent, umalis ka na dito," Tugon ko. "You are on my property and I get to tell you to leave." Ayaw pa rin niyang paawat. Iniinsulto niya si Dustin dahil sa kadahilanang isa lang siyang hamak na waiter. "Dustin, pumasok na kayo sa bahay ni Ivory."

"Hoy, Vincent, 'wag ka nang magiskandalo dito." Tinulungan na ako ni Terrence umawat dahil ipinagtutulakan na ni Ivory ito paalis. "Respeto naman." Tulad ko, masama rin kasi ang loob ni Ter dahil sa nangyari. Kaibigan namin ang iniwan, niloko at inagrabyado.

"Please lang, Ivy, let me explain!" Pinapasok na ni Dustin si Ivory sa loob ng bahay. Mahirap na, baka masaktan pa siya. Pero lumabas ulit si Dustin para awatin si Vincent. Nakakabulabog na kami ng mga kapitbahay. "Hoy, gago, 'di mo kilala ang kinakalaban mo." Nang magsimulang magtulakan ang dalawa, nariyan na rin ang hamunan ng suntukan.

"Ayoko ng gulo, pare."

At nasuntok na nga ni Vince si Dustin. "Ito ba ang ipinagpalit mo sa'kin... ha?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at gumanti rin ako ng suntok. Babawian sana ako ni Vincent pero hinarang ni Terrence ang katawan niya. "Hoy, bakla! 'Wag kang makialam dito!"

Tinawanan lang siya ni Terrence. Tinulungan ko naman si Dustin sa pagtayo. "Kung makapanlait ka ng bakla, akala mo lalakeng-lalake ka." Nanggagalaiti sa galit si Vince. He knows what he did. "Samantalang mas lalake pa ako sa'yo dahil sa pag-iwan mo kay Ivory noon." Hindi nakapagsalita ang dating nobyo ng aming kaibigan. "Oo, bakla ako, babae kung gumalaw, malandi, pero kung ikukumpara sa'yo, mas matapang pa rin ako. Mas lalake pa rin ako sa'yo, tandaan mo 'yan, gago."

Napahiya tuloy siya sa maraming tao. Ang kulit, ayaw pang sumibat, eh. Siguro, hindi na siya babalik dito. Wala na kasi siyang mukhang ihaharap. "Pagsisisihan mo 'to, Ivory! Magbabayad kayong lahat!" Umalis na siya, sa wakas. Babatuhin pa sana ni Terrence yung kotse niya pero pinigilan siya ni Dustin. Great guy.

Pagkaalis ni Vince, pumasok na rin kami. Show's over. "Sosyal ka 'te!" Hinampas ni Terrence yung likod ni Ivory. "Pinag-aagawan ka ng mga hombre!" Isa pang hampas. "Nakakainggit kang letse ka! Aba, ilang taon nang nanliligaw si Dusty, baka gusto mo na siyang sagutin, ineng?"

Lead Me Astray (Reverse Harem)Where stories live. Discover now