Lady Boner

9.7K 215 10
                                    

CHAPTER TWELVE

T h e E x e s

"Is she gone?" Tanong ni Summer kay Akiko. Ayaw na kasi nilang magtanong kay Paige. Bukod kasi sa mababara na sila't mapapahiya, mabibwiset lang sila. Ayaw daw kasi nilang humarap kay Red na mukhang Haggardo Versoza. "Talk, bitches."

"I don't know," Sagot ni Akiko. "Tsaka, singular lang po dapat, at hindi sa plural form ang last word mo." Awtomatiko namang naramdaman ni Paige na siya ang tinutukoy rito. Guilty si ateng mataray.

"Can we open our eyes now?" Kanina pa kasi sila parang tanga na nakahilata sa damuhan sa gilid ng bahay ni Red. Yung ulo ni Ciara, nasa tiyan ni Paige. Yung ulo naman Paige, nasa may paanan ni Akiko. Nahigaan naman ni Akiko yung braso ni Summer. Habang yung ulo naman ni Summer, nasa may pwetan ni Paige. "Don't you ever think about farting, Paige?" See how close they can get? They're so cute.

"You just gave me an idea, Summer."

"Ugh, you're so gross."

"Don't open your eyes yet," Bulong ni Akiko. "Mahirap na. Baka kasi mahalata niya tayo. Kung sakali mang nakita niya tayo, yung pagiging lasing ang magiging number one excuse natin, alright?" Subalit ilang segundo lamang ang natapos mula nang magsalita si Akiko, may naghagis sa kanila bigla ng isang pulang lobo na may lamang tubig. "Jesus!"

Lahat sila napatingin sa gawi kung saan nanggaling yung ibinato sa kanila. "Ayun, o! Pilyong bata 'yan." At dahil nga dun, bumangon na sila. 'Yun siguro ang idea nung bata about sa Valentines. Pebrero na nga pala ngayon. "Hey, kid! What's your deal, huh?!"

"Punyeta kang bata ka!" Babatuhin sana ni Paige pabalik yung batang babae, gamit ang isang medyo maliit na bato, pero pinigilan ito ni Ciara. "Lagot ka sa'kin!"

"She's just a kid... Paige."

"She's mean!"

"Don't talk like you aren't like her."

"Then, what are we supposed to say to Red, huh? Na nandito tayo para makiligo? I had a three-hour-shower for this, tapos pagkaharap ko na siya, dugyot na ako? My God! Isang malaking no, no, no!"

"Stop whining, Paige." Mag-aaway na naman sana sina Summer at Paige nang makita nilang may biglang dumungaw sa bintana. "Si Red ba 'yun?"

"Oo."

"Are you sure?"

"Yes! Tago, tago, dali!" Hindi pa rin sila nakita nito, dahil nagtago sila sa ilalim ng bubong. "Nakita kaya niya tayo?" Sabing hindi, eh. Nasa taas nga ang ex nila, ang kulit.

"Eh, ikaw ba Akiko, kung yung mga ex mo, nasa labas ng bahay mo, at magkakasama pa sila, hindi ka ba magtataka? Hindi mo ba sila tatawagin?" Hindi naman pointless ang point ni Paige. Tama nga naman. Sabi kasing hindi. "Silipin mo nga siya ulit sa bintana, Ciara."

"Tapos ano'ng gagawin ko 'pag nakita niya ako?"

"Kawayan mo siya, tapos sabihin mong nandito ka para humiram ng damit," Sagot ni Summer. Isa pang gaga 'to, eh. "Apat kamo." Inirapan naman siya ng konti ni Ciara, pero 'di gaya ni Paige, niyakap niya ang bago niyang kaibigan para malaman niyang binibiro lang niya ito. "Joke lang. Masyado kasi kayong kabado."

Lead Me Astray (Reverse Harem)Where stories live. Discover now