Strawberry Bubblegum

7.3K 188 23
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

R e d

"I'm not saying that I like you though." Hindi naman ako naga-assume na gusto niya ako. Hmm, I'm a little intrigued with this girl; masyado siyang defensive. "I'm just saying na pareho lang tayo ng label, gender... or whatever you wanna call it. Basta, 'yun na 'yun."

"Right..."

At some point, bigla siyang ngumiti, tsaka siya tumingin palayo. "So, bakit ang aga niyo yata?" Agad naman siyang nagpalit ng topic. "Tsaka, bakit parang nakapantulog pa kayo... o pambahay?" Nakaputing t-shirt lang kasi ako, at shorts na maiksi. Ganito kasi talaga ang kasuotan ko 'pag natutulog.

"Masyado ka namang pormal, talk to me like I'm your friend na lang," Wow, 'rupok. Kanina, may pa-that's-doctor-marasigan-for-you pa akong nalalaman. "Teka, how old are you?" Curious kasi ako, eh. Feeling ko, medyo matanda na 'to, at baby face lang talaga siya. "If you don't mind me asking, miss... I mean, Erin pala." Ah, may nakalimutan nga pala akong sagutin sa mga tanong niya. "Dito ako natulog kagabi, they gave me a room kasi."

"Ooh," Reaksyon ni Erin. "Bakit parang trinatrato ka yatang prinsesa ng mga may-ari ng ospital?" 'Yun nga, halatang iba ang trato nila sa'kin dito at hindi ako sanay. Naiilang ako, promise. "Ah, twenty-nine na pala ako. Ikaw?"

"Age doesn't matter."

"Doc, tinatanong ko lang yung edad mo." Hindi naman pala siya super tanda. Akala ko kasi nasa early-thirties na siya. Para kasing ang dami na niyang pinagdaanan, at para siyang stressed na stressed parati. Sabagay, base sa narinig ko noon sa usapan nila ni nurse Maggie, siya yata ang bread-winner ng pamilya nila. "So, ito na ang magiging opisina niyo at kwarto? This is even bigger than the Doctors' quarters plus the locker room. Inalis nila yung isang research room para sa'yo."

"Oo nga daw. Niilinis ko na rin." Sinamahan ako ni bakla na maglinis, dahil wala rin naman siyang pasok ngayon. Si Ivory naman, kasama ni Dustin sa bahay namin. Dadalaw din sila dito, once na maayos na talaga ito. It's weird, I know, may room ako sa isang ospital. Binigyan ako ng kwarto ko dito, dahil pinili ko yung schedule kung saan super duper hectic. Ayoko na rin kasing nagi-stay sa bahay dahil nakakabagot at napakalayo. "About sa trato nila sa'kin dito, ako kasi ang nagligtas sa anak nung owner, nung inatake sa puso yung bata."

"Bata?"

"Oo, may problema sa puso yung anak nila."

"Ah."

"Napadaan kasi ako sa eskwelahan nila nun, nang makita kong natataranta na yung bumbero." Tutok na tutok si Erin sa'kin, at hindi siya nagsusungit. Madalang lang ito, dapat sulitin. Hindi ko na lang siya inalaska para hindi masira ang mood niya. "Pinasok ko mismo yung kamay ko sa loob ng kanyang dibdib, para i-massage ang kanyang puso. At dahil dun, nabuhay yung batang lalake. I cracked his chest."

"Cardio?"

"And a psychiatrist."

"Wow!"

"I hope that wow is a good thing."

"How old are you again?"

"Twenty-eight."

"What?!"

"Huh?"

Lead Me Astray (Reverse Harem)Where stories live. Discover now