One Way or Another

7.5K 178 44
                                    

CHAPTER TWENTY

T h e  E x e s

"So, Red, sino'ng una mong ilalabas?"

"Pwede ba, Paige, 'wag kang ganyan kung magtanong? Akala mo naman kung prosti ang ilalabas ni Red," Saway ni Summer kay Paige na ngayon ay may masama na namang tingin sa kanilang lahat. Except kay Red, syempre. Mahal niya 'yan, eh. "Sino nga ba sa kanila, Red?" Hindi niya naisip na pati rin pala siya, ganun. Kahit ang gaganda ng mga 'to, may pagkaeng-eng talaga sila. Tsk, ganda lang. Ganda lang, 'te?

"Siguro si Thea na lang."

"Bakit si Thea?" Nagseselos na naman si Akiko. Ganunan na yung tono, eh. "Bakit nga ba, Red? Ano, ah, curious lang, gano'n."

"She plays the guitar, right?" Tanong ni Red pabalik kay Akiko. Tumango siya, pero tumingin siya palayo. "Siguro sa music lounge ko na lang siya dadalhin. I think she'll love that."

"Boring 'yun, Red," Wari ni Summer. "'Di kayo makakapag-usap do'n ng maayos."

"Bakit? Na-bore ka ba nung pumunta tayo sa ganun?" Tumaas ang kilay ni Red kay Summer. Oo nga naman, na-bore ba siya? Irap na naman ang inabot ni Summer sa kanilang tatlo. Pero yung kay Akiko, medyo-medyo lang. "Matagal naman na 'yun. Sabihin mo sa'kin ngayon ang totoong naramdaman mo noon."

"Kung ikaw, hinarana ng isang napakagandang babae sa harap ng maraming tao, hindi ka ba kikiligin, at makakalimutan mo ba 'yun? Pero kung dun nga ang punta niyo, 'wag kang maglalasing, ha?" Tumawa ng konti si Red. Akala din kasi niya, hindi 'yun na-appreciate ni Summer. "May ganun ba kayo... girls?" Bulong niya sa tatlo. "Easy. I was just kidding."

"Sa amusement park na lang, Red," Suhestiyon ni Ciara. "Dalhin mo na lang din siya kung saan tayo madalas mamasyal noon."

"Oo nga, 'no? It would be great. You think so, Ciara?"

"Yes, anywhere with you naman is special." Hindi na nagsalita pa si Red. Nginitian na lang niya si Ciara, sabay yuko. Nailang yata ito.

"Aba! Bumabanat." Patagong kinurot ni Paige ang tagiliran ni Ciara. "Gawin kitang special giniling, eh." Patago ring umaray si Ciara, para hindi sila mahalata ni Red. "Mabibisto tayo sa ginagawa mo."

"Sorry, ha?" Sarcastic na sumbat ni Ciara. "Hindi kasi ako kasing-talino mo." Hindi na lang sumagot si Paige, thank God, kaya wala nang rebuttal na naganap.

-

"Hi! Ikaw ba si Red?" Tanong ng isang babaeng halos kasing-tangkad lang niya. Matangos din ang ilong nito, at mapungay ang mata. "Oh, sorry. I must have mistaken." Hindi kasi sumasagot itong si Red. Nakasaksak na naman kasi ang AirPods sa tenga niya. "I thought you were somebody-" Bago pa siya nakaalis, napansin siya ni Red, kaya ito tumigil sa paglalakad.

"Oh, hey!"

"Hello. Ikaw ba si Red?"

"Ako nga," Sagot ni Red sa binibini. Inilabas niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa para makipagkamay. "Thea, right? Red nga pala."

"Ang ganda naman ng name mo."

"Actually, Crimson ang pangalan ko."

"Ang ganda naman... like you." Hindi na sumagot si Red, dahil nahihiya siya sa tuwing sinasabihan siya ng maganda. "Pero bakit nga ba Red ang palayaw mo?"

Lead Me Astray (Reverse Harem)Where stories live. Discover now