CHAPTER 43: Welcome Back

6.2K 141 0
                                    

CHAPTER
FORTY-THREE

Welcome Back

"Ms. Sofia, this is your passport.." ngumiti naman ako sa secretary ko at tinanggap ang passport ko.

"Thank you. You may leave.." tumango naman siya at umalis na nga.

Napatingin ako sa hawak kong passport, passport pabalik ng Pilipinas. How many years had been passed? Almost seven years.

Sa loob ng seven years, maraming nangyari. Marami nabago but one thing never changed.

Nadako ang tingin ko sa ceramic half-heart shaped na naka-display sa table ko. My feelings never changed. Sa pagpunta ko dito sa Amerika, I'd never contacted him but I really missed him.

Sana sa pagbalik ko, hindi pa niya ako nakakalimutan or maybe sana kinalimutan na lang niya ako.

Nandito na ako sa airport at hinihintay na lang ang time ko nang mag-ring ang phone ko. Si Mhe.

"Hindi pa ako nakakasakay-"

"Sofia! Si Ronnel," nagpa-panic ang boses niya. Kinabahan ako. Baka may masamang nangyari kay Ronnel. "Susundan ka niya!"

"Ano? Nasaan na siya?" Napapikit ako nang mariin.

Ronnel . . huwag na please.

"Ayon sa tantsa ko, nandyan na siya.."

"What? Mhealyn, why did you not stop him?" Lumingon ako sa paligid ko. Hindi ako pwedeng mapigilan ni Ronnel. Sayang 'yung ticket ko! Ang mahal-mahal no'n, eh!

"We tried, okay? We tried!"

"Sofia!"

In-end call ko agad ang tawag at dali-daling kinuha ang maleta ko at hinila 'yun. Ayokong makita siya. Baka hindi ako matuloy!

"Sofia!" Agad niyang nahawakan ang braso ko at pinaharap ako sa kanya.

Hindi ko rin siya matingnan sa mga mata niya. Kailangan kong makaiwas sa kanya.

"Sofia, why are you doing this?" Frustrated siyang napahawak sa buhok niya.

Tiningnan ko naman siya at nakita kong naluluha na siya. Parang sinasasaksak ang puso ko sa sakit. Was it normal? To bleed for someone else's pain.

"Don't do this, Sofia. Don't leave me , please.." lumuhod na siya sa harapan ko at niyakap ang tyan ko. Napalunok ako. Pilit kong pinipigilang mapaiyak o kahit maawa lang sa kanya. I was so scared he would notice the pain in my eyes.

Maraming nanonood sa amin kaya tumingala ako para hindi ako maiyak. Nakakahiya na ang ginagawa niya!

"Sabi mo mahal mo ako. Huwag mo 'tong gawin, please.." basag na ang boses niya pero hindi ako pwedeng magpaapekto.

"Paano kung sabihin ko sayong hindi 'yun totoo? Hindi naman talaga kita mahal o minahal," napaangat siya ng ulo at tiningnan ako sa mga mata.

Hindi ako umiwas ng tingin para lang ipakitang seryoso ako. Tumayo siya at niyakap ako.

"Fine! Umalis  ka kung gusto mo, pero huwag na huwag mong sabihing hindi mo ako minahal! Huwag kang magsinungaling nang ganito!" Napapikit ako nang mariin sa mga sinasabi niya.

"I'm sorry. Ronnel, hindi naman talaga —" I paused. "—kita minahal."

"Ssh. Don't say that. I love you.." hnalikan na niya ako and the next thing I knew, I was responding to his kisses.

Tumagal ng ilang minuto ang halikan namin. Hindi na kami nahiya kahit na maraming taong pinapanood kami. My cheeks were already wet. My troath was dry. My heart was painful.

"I'll give you . . your freedom pero sa pagbalik mo, wala ka ng babalikan na Ronnel Dela Vega," napatigil ako at bumuka ang bibig ko pero walang lumalabas na anumang salita.

Bakit niya ako pinapapili? Bakit niya ginagawa sa akin 'to?

"Mamili ka — aalis ka o dito ka lang?"

"Ako pa talaga ang pinapapili mo niyan Mr. Ronnel Dela Vega, ha?" Nakataas ang kilay ko habang nakangisi pero tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.

This was all bullshit.

"You know me, and I, Sofia Reyes, never want to obey your rules but this time, you're giving me choices ha? I think you'll regret this.." tumalikod na ako sa kanya at lalong bumuhos ang mga luha ko.

Naglakad na ako at tumigil muna sandali.

"Goodbye, my prince.."

Iyon ang huling pagkikita namin at sa pagbabalik ko hindi ko alam kung tototohanin ba ni Ronnel ang sinabi niya noon.

Babalik na ako. Babalikan na kita sa wakas.

"Hm.." nagmulat ako ng mga mata nang malamang bababa na pala kami.

Bumaba na nga ako ng eroplanong sinakyan ko at gusto kong magtatalon sa sobrang saya.

I was back!

Napatingin ako sa cell phone ko nang tumunog ito.

Marjorie's calling..

Ano ba naman kasi itong secretary ko sa Pinas, tawag agad. Kararating ko lang.

"Hello?" Itinago ko ang pagkairita ko. Kainis!

"Ms. Sofia, I'm really sorry for interrupting you.." hingi niya agad ng tawad. Napabuntong hininga na lamang ako. Ginagawa niya lamang ang kanyang trabaho.

"No, it's okay. May problema ba?"

Nagsimula na akong maglakad at nakita ko naman si Marjorie na nasa tapat ng tainga niya ang cellphone niya. Binaba ko na agad ang tawag at lumapit sa kanya.

"Marjorie.." tawag ko at agad naman siyang yumuko.

"Ms. Sofia, welcome back!" Ngumiti na lang ako at naglakad na kami palabas ng airport.

"Ano nga palang problema?" Tanong ko nang makasakay na kami sa kotse.

"Ms. Sofia, the owner of Norfos Industry had set a meeting with you at 10:00am," pagsasabi niya kaya gulat naman akong napalingon sa kanya.

"What? Oh my goodness! Wala ba siyang konsiderasyon? Anyway, nevermind. Sa company tayo.." sabi ko sa driver namin.

Makita ko lang talaga ang may-ari ng Norfos na yun, humanda siya. Kahit mata niya malalatayan ko. Pagod na pagod ako tapos bigla siyang may paganito. Sabagay, this was how work really worked.

Wala pang ilang sandali ay nakarating na kami. Bawat nadadaanan namin ay binabati ako. Natural may-ari, eh.

Ako ang may-ari ng SR Company, ang company namin ay iba-iba ang negosyo. Restaurants, resorts, condominiums, toys, clothes, accesories at marami pang iba.

Ang alam ko nga 'yung Norfos Industry ang kakumpetensya ng company namin kaya nagulat ako na gusto niyang mag-invest kami sa company niya at gano'n din siya sa company namin.

"This way Ms. Sofia," itinuro sa akin ni Marjorie ang room na pagmi-meeting-an namin.

"Okay, thanks.." sabi ko at iniwan na niya ako.

Pagpasok ko ay nakatalikod sa akin ang may-ari ng Norfos Industry. Pamisteryoso pa. Ibinaba ko ang mga folders na dala ko at umupo.

"I'm sorry, I'm late. Galing pa kasi ako sa Amerika kaya ngayon lang ako, Mr. — ?" Patanong na sabi ko. Kumunot ang noo ko nang ayaw pa rin niyang humarap hanggang narinig ko ang boses niya.

"Welcome back, Ms. Reyes.." natigilan ako.

My Bossy Rich BoyfriendWhere stories live. Discover now