CHAPTER 4: This Bossy Rich Guy

10.5K 229 3
                                    

CHAPTER
FOUR

This Bossy Rich Guy

Grabe talaga, kung nakakamatay ang tingin namin, siguro kanina pang naghihingalo ang isa sa aming dalawa. Ibang klase, pagkaakyat niya pa lang dyan sa lintik na stage na 'yan hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa akin.

Ano bang pinupunto ng lalaking 'to? Nanghahamon yata 'to, eh!

"At last, I would like to tell you that . . please follow the rules, especially mine. That's all, thank you.." sabi niya at bumaba na ng stage. Pinin-point pa niya yung salitang 'mine'.

Sus. Kung maka-that's all, thank you naman ang lalaking 'to, akala mo nasa pageant siya.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin sa wakas ang orientation ek-ek na 'yun. Nagsilabasan na kami ng auditorium nang may biglang bumulong sa bandang tainga ko kaya nagtaasan agad ang mga balahibo ko.

"You hate rules? So I hate you too.." maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.

Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking 'to na bumulong sa akin. Nasa unahan ko na siya ngayon.

Bakit ba ang babaw ng pinagtatalunan namin? Rules were just rules, it would be up to you if you won't follow them or what. Ang babaw na nga, bossy pa!

Magkaiba kami ng direksyon na pinuntahan, magkakahiwalay kasi ang junior high, senior high at college department.

Nagsasama lang sa cafeteria, library, garden, auditorium at field, syempre, pero kahit sino naman free ang paggala sa magkakaibang department, basta 'wag kang manggugulo ng klase.

"Sof, mukhang magkagalit kayo ni Mr. Dela Vega, ah?" Kumunot agad ang noo ko sa sinabi nitong si Mhe.

"Why do you keep on calling him Mr. Dela Vega?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko lang, masyado kasing formal. Nakakaurat lang.

"Narinig ko kasi sa mga fangirls slash fangays yata niya 'yun, wag mo siyang tawagin sa first name niya kasi hindi naman kayo close or else may punishment.." nagkibit balikat siya.

"So, dapat Mr. Dela Vega talaga?" Ang arte naman ng mga fans kuno niya!

"Hindi. My choices naman kasi Mr. Dela Vega or Prince Ronnel, so saan ka na lang?" Tanong niya.

Napanganga naman muna ako sa sinabi niya, ibang klase, ha! At may choice pa 'yung lagay na 'yun ha!

"Mr. Dela Vega na lang 'no!" Sagot ko na akala mo napilitan lang. "Pero teka, anong punishment?"

"Ewan. It's for you to find out.." nakangisi niyang sagot. Baliw! "Okay. Eh, 'di ano nga? Bakit nga kayo magkagalit ha?"

"Remember, siya 'yung kinuwento ko sa'yo, 'yung mayabang na tumulong sa akin sa CloudBar.." nag-isip muna siya bago sumagot, mukhang inalala pa niya.

"Ay, oo. Siya 'yun? Nag-thank you ka ba naman?" Sumama naman ang tingin ko sa babaeng 'to, kung magsalita parang ang sama ko ah!

"Oo naman 'no! Anong tingin mo sa akin?" Tumawa lang naman siya sa naging sagot ko.

Tumahimik na lang kami. Maya-maya ay nakarating na kami sa classroom namin. Maingay as usual kami kahit mga Grade 10 na, partida first section pa kami niyan ha? Parang laging may sari-sariling mundo ang mga tao dito. Bawat sulok, may kanya-kanyang diskusyon.

Umupo na ako sa pinakalikod sa tabi ng bintana, ito talaga ang pinakapaborito kong part. Ang hangin kasi.

"Excuse me, that's my seat.." nag-angat ako ng tingin ko sa nagsalita. Ngumiti ako nang peke dahil sa transfer student siya.

"I'm sorry pero ako ang nauna dito," sabi ko na lang at tumingin ulit sa bintana pero napansin kong hindi pa rin siya umaalis kaya nilingon ko ulit siya. "Meron pa namang vacant chairs di ba? Bakit hindi na lang do'n?"

"Because I like that seat.." pagrarason niya. Napatiim-bagang pa ako at ngumiti ulit nang peke. Takte 'tong transfer na 'to, ah!

"No. Ako dito.." pagmamatigas ko.

"Umalis ka dyan," utos niya kaya naman kumulo na talaga ang dugo ko at napatayo na rin.

"Inuutusan mo ba ako, ha?" Asar na tanong ko.

Ngumisi naman siya at uupo na sana sa upuan ko pero hinila ko ang braso niya at initsa na lang siya palayo. Hindi naman ako gano'n kalakas pero iyong atras niya ang OA. Parang dalang-dala siya.

"Huwag mo akong talikuran.." mariing sabi ko habang nagsusukatan kami ng tingin.

"Yes, inuutusan kita kaya pwede umalis ka na dyan kung ayaw mong mapatalsik ka sa school na 'to," namantig na talaga ang tainga ko sa kayabangan ng babaeng 'to.

"Sino ka ba, ha? Ang yabang mo, ah. Kung gusto mong mag-reyna-reynahan ay huwag dito sa school namin."

"Magreyna-reynahan? Well, ako lang naman ang-" naputol ang sasabihin niya nang may maunang magsalita sa kanya.

"What's happening here?" Napalingon kaming lahat sa lalaking nasa gilid na agad namin.

Grabe ha? Akala ko ba senior high siya? May lahi din yata 'tong ninja, eh. Ni hindi ko man lang napansin na dumating siya!

"Ronnel, what are you doing here? Visiting me, ha?" Malanding sabi ng babaeng 'to at ikinawit ang braso niya sa Mr. Dela Vega na ito!

Muntik naman akong mapahagalpak ng tawa nang sapilitan 'yung inalis ni Dela Vega sa kanya. 'Yung itsura ng transferee na 'to. Priceless!

"I repeat, what's happening here?" Tanong ulit ng lalaking 'to at nakatingin na siya sa akin.

Ewan ko ha? Bakit feeling ko pinagbibintangan niya ako? Grabe, pero baka feelingera lang ako.

Tiningnan ko naman itong transferee at mukhang bad trip pa siya kaya napahinga na lang ako ng malalim.

"Kasi-" bigla namang naputol ang dapat explanation ko nang magsalita agad 'tong si transferee.

"She bullied me.." nagpaawa pa siya ng boses kaya nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What? Bullied? Of course not! Grabe, ha," giit ko pero wala man lang pinagbago ang itsura nitong si Dela Vega, naka-poker face pa rin.

"She did.." nagpapaawa yata 'tong impaktang 'to eh!

"Goodness! Mukha ba akong bully? Look, Mr. Bossy Rich Guy, I'm not a kind of person that this girl is talking about!" Pinanlisikan ko pa ng mata 'tong babaeng 'to.

Pumagitna ang katahimikan sa loob ng room. Nagtitigan lang kami nitong si Mr. BRG, nakakalusaw ang tingin niya! Takte! Baka lusaw na ako kaya natahimik ang mga tao.

"I know.." napakurap naman ako ng ilang beses nang magsalita siya diretso walkout.

Pero bago pa siya makalayo at makalabas ng room ay nagsalita muna siya.

"Stop whatever you are doing Patricia," he warned the transferee kaya ngiting wagi ako.

Napatingin ako sa katabi ko na nakabusangot ngayon ang mukha, Patricia siguro ang pangalan niya.

Teka, he knew? He knew that I was not a bully? Or he knew that he was a bossy rich guy? 'Yun ba 'yun?

My Bossy Rich BoyfriendWhere stories live. Discover now