CHAPTER 41: Which?

5.1K 121 1
                                    

CHAPTER
FORTY-ONE

Which?

Napadilat ako nang maramdaman ang pagsakit ng bandang likuran ko. Takte! Parang nabalian lang ako ng buto tapos nasagasaan ng sampung tricycle. Naiinis akong umupo dito sa couch na tinulugan ko kagabi at tinanaw mula rito ang mahimbing na natutulog kong boyfriend.

Napatingin ako sa relo. Malapit nang mag-ten ng umaga. Kailangan ko pang makausap si Dad.

Tumayo na ako at pumuntang kusina. Punagluto ko siya ng almusal at inilagay 'yun sa kwarto niya.

"Good morning.." saad ko at hinalikan siya sa noo.

Tahimik lang akong lumabas ng kwarto niya at gano'n na rin sa condo niya dahil baka magising pa siya.

Wala pa ngang ilang minuto ay nakarating na ako sa restaurant namin para ma-meet ko na si Dad. May kailangan kasi kaming pag-usapan na importante.

"Hey, sweetie.." bati agad ni Dad nang makita niya ako saka niyakap ako nang sobrang higpit.

Ilang sandali lang ay naupo na kami. Kape lang ang order ko dahil maaga pa naman. Parang hindi ko pa bet ngumuya agad.

"Did you already tell to him?" Natigil ako sa tanong niya. I knew what was Dad talking about.

"Not yet," iniwas ko ang tingin ko. Ayoko sanang pag-usapan muna ang tungkol doon pero alam kong hindi ko na iyon maiiwasan dahil parang iyon din ang ipinunta ko dito.

"Huwag mo itong gawing mahirap para sa inyong dalawa," napatungo ako sa sinabi ni Dad.

Tama ba siya? Was I really making this worse for us? I was just doing what I think was right.

"Am I too selfish Dad?" Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagbuntong hininga niya.

Gano'n na ba talaga ako? Eh, anong magagawa ko? Ito lang ang alam kong paraan para kahit paano ay mapatagal ang kung ano mang maaaring dumating para sa'ming dalawa.

"Dad, do I really need to do that?" Pagbabakasakali ko. Baka naman pwedeng hindi na lang.

"Sweetie, I know it's really hard for you but you really need to do it," malungkot na hinawakan ni Dad ang kamay ko na nakapatong sa table.

"May choice ba ako?" Puno ng sarkastiko na pahayag ko.

"Yes — "' napalingon agad ako kay Dad. May choice ako? "— stay here with Ronnel or go to America for our company's sake."

Kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko'y hindi naman talaga niya ako binibigyan ng choice kundi kinukunsensya lang ako. Kung ako ang masusunod, pipiliin kong dito na lang pero habang iniisip ko ang tungkol sa kumpanya namin ay nakikita-kita ko na ang magiging buhay ng pamilya namin kung sakali.

Oo, matagal na naming napag-usapan ni Dad ang tungkol sa bagay na ito pero hindi pa rin ako kumbinsido sa desisyon ko.

My first decision was to stay here with Ronnel. Mahal ko siya. Iyon ang sigurado ko pero nang isipin kong mabuti ay hindi dapat ganoon ang desisyon. Hindi lang dapat si Ronnel at ako ang isipin ko. May Dad din ako at kumpanyang dapat suportahan.

Kaya napagdesisyunan ko sa huli na umalis at mag-train sa ibang bansa para sa pagpapatakbo ng kumpanya namin.

"Okay, aalis ako,"' nakita ko ang saya na nabuo sa mukha ni Dad.

"Thanks, Sofia.."

"Mag-book po kayo ng flight exactly sa graduation day.."

"Are you sure? Ayaw mo bang magpaalam muna sa kanila?" Tanong agad ni Dad.

Ngumiti naman ako nang mapait. I really needed to do this.

"Hindi na po, bago pa magbago ang isip ko. Ayoko din um-attend ng ceremony para alam kong busy sila at hindi nila ako mahahabol.." nakangiting paliwanag ko. Tumayo na ko at isinuot ang sling bag ko.
"Dad, I need to go.."

Humalik ako sa pisngi niya bago umalis ng Sophie's. Paglabas ko ay kinuha ko agad ang cellphone ko at dinial ang number ni Mhe.

"Mhe.." bungad ko nang sagutin niya.

"Oh, yes, my Sofia? Tuloy pa ba ang alis mo?" Tanong niya agad.

Yes, alam niya. Of course, she was my best friend.

"Yes, magkita tayo sa dati pa rin."

"Okay, see you!" Masayang tugon niya. Hyper talaga kahit kailan.

I ended the call and continued walking. He didn't need to know this.

Sa una, mahihirapan siya pero sa huli masasanay din siya. Masasanay din siya na wala ako sa tabi niya hanggang sa hindi na niya ako maalala. Kahit kailan.

Saka kung kami talaga, kami talaga!

My Bossy Rich BoyfriendWhere stories live. Discover now