CHAPTER 3: Broken Promise

10.9K 214 0
                                    

CHAPTER
THREE

Broke Promise

Nagulantang ang buong pagkatao ko nang marinig ang isang malakas na ring. Halos mapabalikwas ako ng bangon pero nagbago ang isip ko at nanatiling nakahiga pa rin. Masasayang lang ang energy ko sa pagbalikwas ko, for sure. Kabwisit, eh. Ang aga-aga.

"Ah! Shut up!" Nakakainis! Kinuha ko ang unan ko at itinaklob sa dalawang tainga ko.

Hindi ito tumigil at tagos sa unan ko ang tunog. Bwisit! Hindi na ako nakatiis pa nang mas lumakas ang tunog nito at itinapon na kung saan ang lintik na alarm clock na 'yun! Isinubsob ko ulit ang mukha ko sa aking malambot na unan.

Napasinghap ako saka napamura nang ang cell phone ko naman ang magsimulang mag-ring. Wala na bang katahimikan sa lugar na ito?

Inis kong kinuha ito at sinagot ang bwisit na tumatawag! Hindi na ba talaga titigil ang mga nagri-ring, kainis!

"Sof, naistorbo ko ba ang tulog mo?" Nanlisik na ang mga mata ko nang marinig ang boses ng baliw kong best friend. Ang aga-aga, kapag ganitong boses ang maririnig mo ay talagang maiimbyerna ka.

"Anong naistorbo? Hindi! Bale gusto ko na ngang patayin ang may lakas ng loob na tumawag sa akin ng ganito kaaga, eh!" Puno ng sarkastiko na pahayag ko.

Nasa kalagitnaan na kaya ako ng climax ng panaginip ko! Mararating ko na ang Mars!

"Okay, I'm sorry.." tumawa siya kaya napairap ako. Pa-sorry-sorry pa. "I just want to make sure na hindi ka mali-late sa pagpasok."

"Pagpasok? What are you talking about, ha?" Ano bang pinagsasabi ng baliw na 'to? Ka-stress na ha. Anong pagpasok? Sa pinto, paano naman ako mali-late do'n?

"Sounds like you forgot about the first day of class," tumawa na naman siya kaya nanlaki naman ang mata ko at napabangon. Humagilap ako ng kalendaryo pero wala akong makita. Naalala kong may calendar application nga pala sa cell phone ko. Tiningnan ko iyon — crap! May pasok na pala!

Napasigaw ako sa inis.

"I hate you Mhealyn Valdez!" Sigaw ko sa kanya sa kabilang linya.

"Yeah. I love you too, Sofia Reyes. Bye!" Sagot lamang niya.

Itinapon ko na ang cellphone ko sa kama at dali-daling pumuntang banyo pero napatigil ako nang mapansin ang mga nakalagay sa sofa ko sa sala.

Enjoy the first day of Grade 10.

Nakasulat sa isang sticky note na nakadikit sa isa sa mga notebooks ko dito. May violet bag, notebooks, ball pens, pencils at iba pa.

Si Dad talaga! 'Di man lang pinaalala sa akin.

Nagtuloy na nga ako sa banyo. I did my morning rituals. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang oras pagkakain ko ng sandwich bago umalis.

Susko!

Nag-taxi pa ako kahit walking distance naman talaga ang university namin sa condo ko. Ang Don Fernando Dela Vega University, may high school at college department 'to kaya masaya, ay ang paaralan kung saan ako nag-aaral. Yeah, 'yung salitang paaralan talaga ang nagdala. Dito na ako nag-aral since I was in Grade 7 until now. Hindi lang ako sure kung pati sa senior high school ay dito pa rin ako.

"Sofia!" Lumingon ako sa tumitili ng pangalan ko.

Tiningnan ko na ang relong suot ko at hindi pa ako late, 7:00 pa lang at ang ceremony namin ay 7:30. Iba talaga kapag may kakayahan kang mag-teleport. Sarap sa feeling, kaso wala ako noon kaya saklap. Dapat talaga ako na lang ang Goblin's bride para pwede akong mag-teleport through the doors with Gong Yoo.

"Hindi ka yata na-late, ah?" Pang-aasar niya habang naglalakad na kami papuntang auditorium kung saan gaganapin ang orientation ng lahat ng estudyante dito.

"Hindi pa ako nali-late, remember?" Proud talaga ako dahil totoo naman, hindi pa ako nali-late kahit kailan.

"Okay fine! Anyway, ang wawafu ng mga senior high school at college ngayon!" Kilig na kilig siya kaya naman kinurot ko na ang tagiliran niya.

Lumalandi na naman, eh. Hindi nga ako sure kung maniniwala ako sa kanya na gwapo ang mga lalaki ngayong taon dahil lahat na lang gwapo sa babaeng 'to.

"Senior high school at college? F-Y-I ha,  Grade 10 ka lang 'no?" Paalala ko sa kanya dahil baka nakakalimutan na niya.

"I know right, kaso ang shoshonget naman kasi ng mga Grade 10, sawa na ako sa mga peys nila. Mga latak na, eh!" Sabi niya at saka ngumuso.

Natawa na lang ako dahil sa cute na panlalait niya sa mga batchmates namin.

"We meet again.." agad akong napalingon upang makita ang may-ari ng pamilyar na boses na 'yun at hindi naman ako nagkamali.

Takte!

"What are you doing here, ha?" Halos sumigaw ako.

Napansin ko naman ang suot niya at Grade 11 siya tulad ng inaasahan.

Hell. Malas talaga.

"I will be studying here from now on," he coolly informed me.

Tumaas naman ang kilay ko. Bakit ang galing niyang maging kalmado lang?

"What? At bakit dito pa?" Ikinalma ko na rin ang sarili ko dahil parang talo ako kapag ipinakita kong naaasar ako sa kanya.

"Yeah. Why not here? Is there any problem studying in my own school?" Walang kagatol-gatol na sagot niya.

Nanlaki na ulit ang mga mata ko. Paanong? Goodness! It couldn't be!

"Your own school?" Pagkukumpirma ko.

"Yes.." he quickly replied. Parang biglang gusto ko na lamang mahimatay.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Lahat ba ng pupuntahan kong lugar ay pagmamay-ari niya? Ganito ba talaga 'to kayaman? Pero ang alam ko may share kami sa school na ito.

"Whatever!" I just rolled my eyes dahil wala na akong masabi talaga.

Nakakahiya. Bakit gano'n? Nag-promise pa naman ako na hindi na kami magkikita tapos ngayon I broke my own promise. Broken Promise! Nakakaiyak. Bwisit!

"Mukhang speechless ka sa Mr. Dela Vega na 'yun, ah?" Singit nitong si Mhe sa gitna ng pag-iisip ko.

Minsan na nga lang ako mag-isip, may nasingit pa!

"I don't care.." maarteng sabi ko kahit totoo naman ang sinabi niya. Barado, eh!

Nakarating na nga kami sa loob ng auditorium at naupo. Buti na lang aircon dito dahil init na init na talaga ako, eh. Maya-maya ay nagsimula na nga ang orientation namin. Unang nagsalita ang emcee, syempre!

"Before we continue this orientation, please welcome the son of the owners of this university, Ronnel Dela Vega.." sabi ng baklang emcee na ito at nagkagulo na nga ang mga tao dito sa loob ng auditorium especially girls at feeling girls.

Umakyat na siya sa stage at nagtagpo agad ang mga mata namin, kaya naman tinaasan ko na lang siya ng kilay pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Nang nakita ko ang pag-smirk niya, kahit malayo ay gusto ko na agad lumipad papuntang stage at alisin ang bwisit na smirk na 'yun!

Sapakin ko siya dyan, eh. Bwisit ito!

My Bossy Rich BoyfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt