CHAPTER 16: Meet my Dad

7.6K 174 0
                                    

CHAPTER
SIXTEEN

Meet my Dad

Nang makarating kami sa harap ng unit ko ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti. Our first date was so memorable, na siguro kahit maging ulyanin na ako kapag tumanda na ako ay maaalala ko pa rin 'yun. Yes, may pagka-OA talaga. Magpapaalam na sana ako sa kanya para makapagpahinga na kami pareho, pero naisip ko na papasukin muna siya tutal hindi pa siya nakakapasok dito.

Binuksan ko na ang pinto. Nakangiti pa ako kay Ronnel nang biglang —

"Happy birthday, anak!" Masayang bati ni Dad habang naghahagis pa ng confetti sa tapat talaga ng mukha ko.

Natawa na lang ako. Si Dad talaga.

"Thanks, Dad," lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.

Nakita ko naman ang seryosong ekspresyon niya na nakatingin sa likod ko, kay Ronnel nga pala.

"Good evening po," bati niya dito na halatang kinakabahan. Mukha siyang constipated.

"Dad, si Ronnel Dela Vega-" pagpapakilala ko pero pinutol na agad ni Dad ang sinasabi ko.

"Boyfriend mo?" Tanong niya agad kaya tumango na lang ako. Walang deny-deny!

"Yes, Dad!" Masayang saad ko. Tumingin naman siya sa akin at kay Ronnel naman.

Inulit pa niya ng isang beses at nakita ko pa ang paglunok ni Ronnel. Nakakatakot naman kasi ang tingin ni Dad kay Ronnel pero ganyan lang talaga 'yan.

"Ikaw? Ikaw ang boyfriend ng anak ko?" Nakakatakot at seryosong tanong ni Dad. Napailing naman ako. Si Dad talaga!

"Opo, opo," takot na siya niyan? Bakit ang gwapo pa rin?

"Aba, kapogi mo namang bata!" Tumatawa pa si Dad habang nakaakbay kay Ronnel at ginugulo ang buhok nito.

Si Ronnel naman halatang nagulat pero sa huli ay nakahinga rin nang maluwag. Medyo may sayad lang talaga si Dad.

"Anak, sabi ko na mana ka sa Mom mo sa pagpili ng lalaki!" Ginugulo pa rin niya ang buhok ni Ronnel na napapatawa na lang.

"Tigilan mo na nga 'yan, Dad. By the way, anong ginagawa niyo dito? Bukod sa pagakakalat sa condo ko?" Tanong ko at sinimulang walisin ang mga confetti na ikinalat niya kanina.

"Bukod sa pag-surprise sa'yo, ipinaghanda kita!" Masayang sabi ni Dad. Napatitig naman ako sa kanya.

"Nagluto kayo?" Kung oo, buti at hindi pa sunog ang condo ko.

"No, kailan mo ba kinain ang luto ko?" Parang nagtatampo na sabi niya kaya nag-isip naman ako.

"Kailan nga ulit ako huling na-ospital?"

Ngumuso lang si Dad kaya't natawa ako. Paano ba naman na-ospital ako noong kainin ko ang luto ni Dad. Babaliw-baliw kasi. Allergic nga sa cheese, nilagyan pa din. Simula no'n, never na si Dad nagluto.

"Halika muna rito, hijo, at kumain ka muna.." yaya ni Dad kay Ronnel at hindi naman nakatanggi ang mokong dahil inakbayan siya ni Dad at isinabay sa paglakad.

Umupo na kami at ang dami naman ng in-order ni Dad, para namang mauubos namin 'to.

"Kain na!" Excited na sabi ni Dad.

Hindi siguro siya kumain para dito. Puro desserts lang ang kinuha ko, 'yung hindi mabigat sa tyan dahil nga kakakain ko lang.

"Kainin mo 'to, hijo, masarap 'yan. Heto pa. 'Yan pa," napatingin naman ako sa pinggan ni Ronnel at puno na ito.

My Bossy Rich BoyfriendWhere stories live. Discover now