CHAPTER 6: Frustrated

9.4K 225 3
                                    

CHAPTER
SIX

Frustrated

Mabilis lumipas ang oras ng afternoon classes namin. Sa totoo nga lang, eh, hindi ako pumasok sa first afternoon class namin dahil sa pagtatanggal ko ng lagkit sa mukha ko. Naka-attend naman ako, kaso kalahating oras lang ng last subject namin.

Maarte kasi akong tao. Ayoko iyong sticky feeling. Para bang nandidiri ako sa sarili ko. Plus, nag-retouch pa ako ng makeup ko. Hindi ako pala-makeup pero gusto ko laging presentable ang itsura ko kaya naman sobrang tagal kong mag-ayos.

Pauwi na ako ngayon at nag-taxi na ulit ako dahil sa badtrip pa rin ako. Gusto kong isipin na aksidente lang ang nangyari. Hindi niya sinasadyang mabugahan ako, gano'n, pero hindi pala iyon ganoon kadaling isiksik sa utak. Ang naaalala ko kasi ay 'yung pagtataas niya ng pride kanina at hindi man lang talaga siya nag-sorry.

Hindi ko napansin na nandito na pala agad ako sa building ng condo ko, malapit nga lang kasi. Maarte lang ako kaya nag-taxi pa ako.

Bumaba na ako matapos magbayad at pumasok na sa building na 'to. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang 9th floor.

Mag-isa lang ako sa loob ng elevator kaya nakakatamad talaga. Hindi naman ako takot mag-isa, eh. Inayos ko ang suot kong damit nang mapansin ang repleksyon ko sa salamin ng elevator.

Bumukas ang pinto sa 4th floor at muntik nang malaglag ang panga ko, samantalang natigilan naman siya sa pagpasok nang makita namin ang isa't isa. Pero pumasok pa rin siya.

Nananadya ba talaga tong lalaking 'to? Nakakainis kung saan ako mapunta, nando'n siya.

"Stop staring at me.." sabi niya kaya naman agad na napataas ang kilay ko at nakagat ang ilalim ng labi ko, pinipigilan ko talagang mainis sa kanya. Bakit kasi ako nakatitig sa kanya? Bwisit.

"Ang kapal rin naman talaga ng mukha mo, eh, ano?" Inis na sigaw ko sa kanya, nag-e-echo na nga ang boses ko, eh. "Huwag mong sabihin na sa'yo rin ang building na 'to dahil hindi! Kami ang may-ari nito kaya pwede huwag mo akong utusan sa lugar na 'to!"

Sakto ang pagbukas ng pinto ng elevator kaya lumabas na ako. Peste!

"So kayo pala ang may-ari nito," napaharap naman ako sa kanya nang sabihin niya 'yun.

"Sinusundan mo ba ako, ha?" Nakakaiyamot na ha! Badtrip na badtrip na ako sa kanya!

"Bakit naman kita susundan?"

"Aba, anong malay ko at stalker pala kita!"

"Wala namang ka-stalk-stalk sa'yo."

"Wow," hindi makapananiwalang sabi. Umabante ako papunta sa kanya, trying to intimidate him but with failed. "Iniinsulto mo ba ako?"

"Naiinsulto ka ba?"

Tumaas ang kilay ko. Kung pwede lang mapunta na 'yun sa kisame o sa outer space ay nangyari na. 'Yung pagkaimbyerna ko sa kanya parang bulkan na malapit na sumabog.

Tinalikuran ko siya inis.

"Nope, I'm just visiting my little sister here.." narinig kong sabi niya nang malapit na akong sa unit ko.

Huwag kang lilingon, Sofia. Kapag lumingon ka talaga, tangina lang.

Ewan ko ba at lalong kumukulo ang dugo ko sa kanya. Tapos, ang kalma niyang magsalita para bang nagme-meditate siya araw-araw tapos sinabihan siya na lumaklak ng isang dosenang tasa ng tsaa. Samantalang ako, heto, sasabog na sa inis sa knaya. Kulang na lang isumpa ang buong buhay niya.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon