CHAPTER 7: Follow My Rules or Else

9.4K 227 11
                                    

CHAPTER
SEVEN

Follow My Rules or Else

"I nominate Mhealyn Valdez for president.." hindi ko na nilingon ang nag-nominate na 'yun Mhe. Siguradong si Jio 'yun, 'yung tarantadong may crush sa best friend ko. Basagulero naman.

Pagkaalis ni Mr.BRG ay dumating na ang adviser namin na si Mrs. Morales at homeroom daw namin ngayon kaya naman nagno-nominte na kami ngayon para sa aming officers.

Mukhang si Mhe pa ang magiging president. Sa totoo lang, ayoko talaga maging officer dahil sila ang gumagawa ng rules. Alangan namang hindi ko sundin ang sarili kong rules, 'di ba? Hindi magiging magandang ehemplo.

Nagbotohan na kaagad, at si Jason ay parang pumayag lang na ma-nominate para may masabi lang na may kalaban si Mhe. Si Mhe na nga ang naging president. Nagpatuloy na ang botohan, wala akong pakialam sa mga nanalo hangga't hindi ako nino-nominate.

At talagang mapapatay ko ang magno-nominate sa akin! Ha, akala nila.

"I nominate Patricia Sarmiento for muse," napatingin naman ako sa nakangising Patricia na 'yun. Proud na siya niyan? Feeling naman niya ay nanalo siya ng Miss Universe title. Kawawa naman ang batang 'to. Kumbaga, parang isang candy lang ay masaya na siya. Mababaw ang kaligayahan.

"I respectfully nominate Sofia Reyes for muse.." agad naman na nanlisik ang mata ko sa narinig ko.

Nagtama naman ang mga mata namin ni Mhe na nakangisi sa akin. Ang bwisit na ito ay ang lakas ng loob talaga. May nalalaman pang respectfully! Ala, hoy, nayurakan mo na ang dignidad ko!

Ano bang pinakamarahas na pagpatay? Torture? Ipa-rape ko kaya? O kaya i-blend ko siya? Hindi, kung balatan ko kaya ng buhay?

"I second the motion!" At nagsimula na ang botohan.

Hindi ako bumoto sa sarili ko at lahat ng kaklase ko ako ang binoto maliban sa dalawang alipores ni Patricia kaya tatlo sila. Gusto kong magngiting wagi kaso baka isipin nila ay gustong-gusto kong manalo. Well..

"Ah, ikaw, Sof? Sinong sa'yo?" Tanong ni Mhe kasi naman siya na ang president kaya nasa unahan na siya, nakatayo kasama ang amin vice.

"Ako? Ah, I vote for Patricia. I think she really needs my vote.." mapang-asar na sagot ko.

Tumayo naman si Patricia at pumunta sa harapan ko. Gusto kong matawa sa expression ng mukha niya, pero pinatili ko ang poker face ko. Gusto kong suntukin 'yung mukha niya, sige, kahit sampal na lang. Kawawa naman siya, eh! Wow.

"Are you insulting me?" Tanong niya kaya pilit kong pinigilan ang pagtawa ko. 'Yung kaninang Miss Universe title niya, naagaw. Ako si Miss Philippines tapos siya si Miss Colombia. Ha.

"What do you think? Isn't it obvious or what?" Talagang pinakalma ko ang sarili ko. Natutunan ko 'to kay Ronnel, eh, keep calm!

"Talagang kinakalaban mo ako, ha?" Ngumiti lang ako nang nakakaasar sa kanya. Lalo namang pumangit ang itsura niya. How priceless.

Nagsukatan kami ng tingin hanggang sinaway na kami ni Mhe.

"Hey, hey . . tigilan niyo na 'yan. Patricia, go back to your seat," saway niya sa amin kaya naman umalis na ang babaeng 'to sa harapan ko at bumalik sa kanyang upuan. Ngunit, bago 'yun ay nagawa pa niya irapan ako nang tagos hanggang buto ko.

So ayon nga, labag man sa aking kalooban. Yes, labag na labag talaga. Ako ang nanalo bilang muse at 'yung Alfred Enovejas ang escort, gwapo na rin. Mapagtyatyagaan na. Basta ang mahalaga sa akin ay natalo ko ang Patricia na 'yun.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon