CHAPTER 24: I Love You

7.4K 143 6
                                    

CHAPTER
TWENTY-FOUR

I Love You

Napatingin ako sa katabi ko ngayon, tiningnan niya din ako at tuluyan na ngang sumikat ang araw. Napakaganda noon. Hindi lang iyong feeling na kasama mo ang taong nagdadala sa'yo ng pag-asa kundi iyong bagong simula. Sabay namin iyong sinalubong na para bang itinapon namin ang dilim ng kahapon.

"Sige na, get inside, my princess. May pasok pa," sabi niya at hinawi ang buhok ko habang nakaakbay siya sa balikat ko.

"Yes, sir! Sige na, uwi ka na rin. Annyeong.." kiniss niya ulit ako sa noo at umalis na nga siya pagkatapos akong yakapin pa ulit nang mahigpit.

Ang sarap sa feeling ng yakap niya. Para bang ligtas na ligtas ako sa kanya. Parang ginawa rin iyong dibdib niya para sandalan ko at ang mga braso niya para iyakap sa akin.

Napatingin naman ako sa suot ko habang naglalakad pabalik sa loob ng condo unit ko. Nakapantulog pa nga pala ako.

Pagdating ko sa loob ng unit ko ay nagluto muna ako. Kumain bago maligo. Nakakagutom pala ang magpatawad. Pagkatapos ay naligo na ako at naghanda para sa pagpasok.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang tunog ng doorbell.

Sino 'yun?

Tiningnan ko ang relong suot ko, 6:30AM pa lang pala. Pumunta na ako sa pinto, dala na ang bag ko.

Binuksan ko na 'to at napangiti ako dahil si Ronnel pala 'yun. Mas lalo yata siyang gumagwapo sa paningin ko, ah?

"Aga natin, ah?" Mapang-asar na saad ko at isinarado na ang pinto.

Sabay na kaming maglakad papunta sa elevator. Kinuha niya rin ang bag ko kaya napangiti ako.

"Hindi naman, ah? On time kaya ako lagi," tumingin pa siya sa relong suot niya.

"Yes, I know. Hindi ka yata Filipino, eh?" Pagbibiro ko.

"Bakit?" Kumunot naman ang noo niya sa joke ko.

"Kasi ang mga Filipino, laging late. Ang slow mo naman, Ronnel! Nawaley tuloy 'yung joke ko!" Napamguso ako nang magkibit-balikat ako. Nasa loob na kami ng elevator ngayon.

"Ha? Ah, eh, joke pala 'yun? Sorry?" Lalo namang sumama ang tingin ko sa kanya. Ibang klase talaga 'tong lalakeng 'to.

Hinampas ko ang braso niya nang humagalpak na siya ng tawa. Siraulo 'to.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan, ha?" Asar na tanong ko, ibang klase talaga. Pinagtawanan pa ako!

"Sabi mo kasi joke, eh, kaya tumawa ako.." pagdadahilan niya at napakamot pa siya sa likod ng ulo niya.

Napangiti naman ako at pinisil na lang ang pisngi niya. Ang hirap ng slow ang boyfriend.

"Ang cute, cute, cute talaga ng boyfriend ko.." pinanggigilan ko pa ang pisngi niya.

Sarap pisilin! Ang chubby kasi!

"Shofia naman, anshaket naman. Aray!" Reklamo niya kaya binitawan ko na 'to. Tiningnan naman niya ako na akala mo bata na sinisisi ako habang hinihimas ang namumula niyang pisngi.

Bumukas na ang elevator kaya sabay na kaming naglakad papunta sa parking lot. Nakakatawa nga siya, dada kasi siya nang dada habang naglalakad kami at hindi ko naman siya pinapansin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako sa kanyang kotse. Gano'n din naman siya.

"Mag-aral ka pa nang mabuti, my princess.." napalingon naman ako sa kanya habang nagda-drive siya.

"Ano? Nag-aaral kaya ako!" Kung makapagsalita naman 'to, akala mo ang tamad ko.

"I know. Pero mas pa kasi alam mo na, graduating ka, 'di ba?"

"Okay. Whatever.." sagot ko na lang dahil kaya ko naman ang sinasabi niya. Mapupunta ba ako sa Class A kung wala lang naman pala ako, 'di ba?

Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa school. Pinagbuksan kami ng pinto at paglabas ko, sari-sari na naman ang bulong-bulungan.

"Sila na ulit?"

"Ay, akala ko, break na sila. Sayang!"

"Ay, sila na ulit? Kakilig naman sila."

"They're together again. Yehey!"

"Hindi talaga sila bagay.."

Hindi ko na lang pinapansin ang mga sinasabi nila. Bahala sila! May buhay silang kanila.

Inihatid na ako ni Ronnel sa classroom at nagpaalam na siya. Pumasok na ako at umupo sa upuan ko.

"Ayon naman! Bati na?" Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot ni Mhe sa tabi ko. As usual, kabute 'yan eh.

"Oo," maiksing sagot ko. Hindi ako magkukwento.

"Ayaw mo na namang magkwento, ha?" Nagtatampong sabi niya kaya nilingunan ko siya habang nakangiti nang nakakaloko. "Parang noong isang araw lang ay panay ang iyak mo. Parang nakaisang balde ka nga, eh!"

"Kumusta naman kayo ni Kyle, ha?" Tanong ko para ipasa sa kanya ang asar at kita ko agad ang pamumula niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"'Wag mo ngang ipasa sa akin ang pagkukwento!" Natawa na lang ako dahil nag-panic ang baliw. Sira talaga!

'Di ko na lang siya pinansin dahil dumating na ang teacher namin. Tulad ng sinabi sa akin ni Ronnel, mag-aaral na ako nang mas mabuti. Parang boplaks naman kasi sa school na ito, porke Grade 10 na, kaunti lang ang mga events namin. Nakaraan na rin kasi ang Sports Festival na parang hindi ko man lang na-enjoy.

Dumaan ang oras at okay naman ang mga nangyayari. Ang dami na namin agad projects. Ang hirap talagang maging estudyante.

Uwian na kaya kailangan ko na ring simulan ang mga projects ko dahil ang dami at kailangan talaga paghirapan. Hindi 'yung print na lang.

"Sofia!" Kumakaway pa si Ronnel sa akin habang palapit ako sa kanya kaya kumaway na lang din ako sa kanya.

"Oh, hi!" Pagod na bati ko sa kanya.

Nilapitan niya naman agad ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Kinapa niya rin ang noo at leeg ko.

"Are you okay?" Tanong niya na puno ng pag-aalala.

"Yes, I'm okay. Pagod lang ako.." sagot ko na lang. OA pa naman kasi 'to, eh.

"Ah, gano'n ba? Sige, tara na.." inalalayan niya ako at binuksan ang pinto ng kotse niya.

Pumasok na nga ako at gano'n rin naman siya. Nagsimula na siyang mag-drive at ako inihilig ang ulo ko sa bintana. Maya-maya ay nakarating na kami sa building ng condo ko. Pumasok na kami at sumakay sa elevator.

"Sleep well, my princess. Masyado mo naman yatang sineryoso ang sinabi ko na mas mag-aral ka nang mabuti eh.." natatawa-tawang pahayag niya habang magkadikit ang pisngi namin.

Ang kulit!

"Oo na," parang napilitan na sagot ko.

Naramdaman ko naman na mas humigpit ang yakap niya at isinubsob niya rin ang mukha niya sa balikat ko.

"I love you.." biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ang ibinulong niya. Hindi iyon ganoon kalakas pero dinig na dinig ko.

Napalunok ako.

"I love you, my princess, Sofia," napapikit ako sa sinabi niya. Ang sarap pakinggan. "Good night.."

Hindi ako nakasagot agad kaya naman hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko bago ko naramdaman ang mga labi niya sa aking noo.

"You don't need to answer I love you, too. Just always remember that I love you.."

Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin 'yun at ako, nakatulala pa rin sa kinatatayuan ko.

"I love you.."

Naririnig ko pa siya, love? Mahal ko na rin ba siya?

My Bossy Rich BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora