Ch. 40 - You're My Idea of Perfect

Start from the beginning
                                    

"Oh manang! Kanina pa kayo?" - nag-bless ako sa kanya

"Kadadating lang, hijo. Mamili na tayo."

"Ah eh sige ho."

Una, bumili kami ni Manang Lucy ng mga gulay. Andami ko ring nabili. Lahat ata ng nasa bahay kubo eh nabili ko na. HAHAHA, joke! ^^ Balak ko kasing ipagluto si Ysabel ng Sinigang na Baka eh. Kaya nagpatulong ako kay manang maghanap ng mga ilalagay na gulay don.

 "Asan bayong mo?" - tanong nya saken kasi hirap na hirap na ako sa pagdadala ng mga plastic nung pinamili kong gulay

 "Wala po. Kailangan ba non?"

"Malamang. Halika, bumili muna tayo." - nauna saking maglakad si Manang at dinala ako sa bilihan ng mga bayong at plastic. Bumili ako, pero yung katamtaman lang ang laki.

Patuloy kaming namili ni Manang. Last stop namin yung karnihan. And believe me, ayoko ng bumalik don sa tanang buhay ko. ANG BAHO, SHET! Tapos ang basa pa nung mga dinadaanan. Naaawa tuloy ako dun sa mga batang nagtitinda ng plastic dun sa karnihan. NAKAAPAK. Lilibre ko nga sila minsan ng foot spa. HAHAHA. :))

Dahil si Manang ang pumili nung baka ng isisinigang ko, natagalan pa kami. Alam nyo naman ang matatanda. Mabusisi. Habang ako todo-takip sa ilong kasi ang baho. :&

 "Manang, dun muna ko." - bulong ko

"Sige. Tatawagin nalang kita."

Lumayo ako at dun nag-stay sa mga nagtitinda ng mga luya at kalamansi, Pero tungunu, abot pa rin yung amoy. Tanaw ko pa rin naman si manang, pero kahit pa!!! ANG BAHO TALAGA. Nakakasuka. 

Nilabas ko yung cellphone ko sa bulsa ng shorts ko dahil nag-vibrate. Nagtext pala si Alyssa. AY, MAY GIRLFRIEND NGA PALA KO. NAKALIMUTAN KO. lol =))) Nagpaalam lang kasi uuwi sya ngayon sa parents nya. Mamayang gabi nalang daw sya babalik. OKAY.

Nagbusisi pa ko ng phone ko, kung ano ano lang kasi bored na ko.

"TABI DYAN. DADAAN." - sigaw ng isang lalaki

Hindi ko pinansin kasi akala ko hindi naman sa karnihan yung punta at nakatalikod ako.

"TABI TABI." - at hindi ko parin pinansin. Nakakatanga ha! Wala na ngang tatabihan, nagpapatabi pa. Okay lang kayo?

At laking gulat ko na may dumanggi saken.

"SHET!" - ang lakas ng pagkakasabi ko

Tinignan ko yung dalawang mama na may buhat na bagong katay na baboy ata yon. Pero hindi nila ko pinansin. Tang-inis! >.< Tinignan ko agad yung likod nung shirt ko. Naka-plain white lang kasi ako eh. At kapag minamalas nga naman... MAY DUGO NG BABOY YUNG LIKOD NG T-SHIRT KO. -_______- Pinabayaan ko nalang kasi wala na naman akong magagawa eh. Mamaya maya ay tinawag na rin ako ni Manang. SA WAKAS.

"Anong nangyari sa damit mo Jelo?" - tanong saken ni Manang habang hinahawakan yung likod ng tshirt ko

"Eh kasi manang. Nadanggi ako nung nagbubuhay nung mga karne. Nga pala manang. Nasa tambayan ba yung notebook nyo?"

Yung notebook na yon ay listahan ng mga recipe. Si Geoff kasi pinagluluto kami 'pag nasa tambayan. Nagpasulat sya kay manang ng iba-ibang recipe, at alam ko merong sinigang na baka don kasi napagluto na kami ni Geoff non.

"Oo. Andon yon. Hanapin mo sa kusina. Unang drawer." 

"Thanks manang!"

Pagkatapos ng aming palengke experience ay umuwi na rin ako. Malapit ng mag-9am kaya kailangan kong bilisang magluto.

**

YES! Sinilip ko si Ysabel at ang himbing pa rin ng tulog nya. Diretso na agad ako sa kusina para magluto. Nahanap ko rin na yung recipe notebook ni manang. Madali lang naman kaya sinundan ko lang yung mga nakasulat don.

My Sweet BlackmailerWhere stories live. Discover now