KIDNAP NO RANSOM

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayan na naman yung lovers."pabulong na sabi ni Anne. At nagtawanan pa sila ni hon.

"Ano bunso?"

"Ah wala kuya. Sige doon muna kami ni ate k."sabay turo nito sa office. Ito talagang dalawang to pag magkasama, hindi mapaghiwalay hiwalay.

Haays! Ba't ba ang daming makulit sa pamilya namin. Naalala ko na naman tuloy yung kaninang umaga. Ito kasing si Anne at vice, isang linggo ng nananatili sa bahay. Kaya ayon tuloy mapagabi o umaga man napupuno nang ingay ang bahay namin. Kung umasta kasi tong mag asawang to, mga feeling bagets. Pati nga ako nadadamay e. At yung misis ko naman feeling nasa comedy bar, na nanonood nang live act ng pagpapatawa. Kung sa bagay okay na rin siguro iyon para laging nakangiti ang baby namin.

"Babe, naman e. Umagang umaga nang aasar ka na naman."turan ni Anne. Ito naman kasi si vice pinagtitripan na naman ang kapatid ko. Tignan mo yan naghahabulan pa at binilatan pa ang kapatid ko. Para talagang mga bata.

"Nauna ka kaya. Tama na babe. Ayoko na."hingal na hingal na saad ng kabayong bakla. Haha don't worry hindi naman ako naririnig e.

"Ewan ko sayo!"sabay walk out ng kapatid ko. Parang si hon lang, walk out Queen pagnapipikon. Pero ang saya nilang pagmasdan pagnag aasaran at kulitan. Alam ko naman kung gaano kamahal ni tol ang kapatid ko. Kahit lagi silang ganyan.

"Hoy babe. Halika nga dito. Ito naman asar talo talaga." Nang lalambing ba ito o nang aasar? Iba din to e. Kung sa bagay under ng kapatid ko yan. Haha nang maabutan na niya ito ay agad niya itong niyakap at hinalikan sa ulo. Ayan na naman po sila sa kasweetan. Alam na alam ko na kung anong magiging ending niyan e.

"Ikaw kasi e." Nakasubsob ang mukha ni Anne sa dibdib ni vice. Ang cheesy talaga. In one, two, three..

"Tara babe, doon tayo sa loob. Gawa tayo baby." Kitams. Pabulong bulong pa yan ha. Hinampas naman siya ng kapatid ko. As usual.

"Ikaw talaga babe. Ang aga aga. Tsaka wala tayo sa bahay no. Nakakahiya."pakipot pa e. Pero hindi siya pinakinggan ni vice. Binuhat siya nito na parang pang bagong kasal. Makawalk out na nga. Ay wait lang.

"Hoy! Tol ang aga ha? Kunwari wala akong nakita at narinig."sabay tawa at walk out ko. Gustong gusto na kasing magkababy ng dalawang yan. Kaso wala paring nabubuo. Pero sigurado naman akong magkakababy din sila. Sa araw araw ba naman nilang ginagawa, hindi pa makakabuo?hahaha ewan ko na lang. Mahina lang talaga to si tol e. Hindi yata ginagalingan. Haha mali yata ang posisyong ginagawa.hahaha

End of flashback...

Pauwi na kami. Nagpaalam na rin sa amin si bunso. May pupuntahan lang daw siya saglit. Saan naman kaya? Wala naman siyang pasok ngayon. Sabi niya tinext na niya rin daw si vice na wag na siyang sunduin. Babalik na rin kasi sila sa bahay nila. Buti naman dahil hindi ko na kinakaya ang kaharutan nilang dalawa lalo na yung kaninang umaga. Hehe

"Sige kuya, ate Karylle una na kami."ihahatid na daw kasi siya ni kuys Jhong sa kung saan man siya pupunta. Buti na lang napapayag siya ni kuys na magpahatid. Lagot kasi kami kay vice pag hinayaan naming mag isang umalis tong kapatid ko. Siguro dahil nasanay na rin kaming binibaby namin ang kapatid ko simula pa noong bata pa siya. Kaya hanggang ngayon ganon parin kami sa kanya. Kahit naman kasi naoperahan na yan at malaki na siya e, hindi ko parin maipagkakailang nag iisa lang naming kapatid na babae ni Billy ang makulit na yan. May kakaiba nga akong nararamdaman sa araw na ito e. Kinakabahan ako. Ewan ko ba. Kaya pinakiusapan ko na rin si Jhong na ihatid siya sa kung saan man siya pupunta. Hindi ko parin maalis ang pagiging kuya ko sa kanya kahit pa may asawa na siyang nag aalaga sa kanya. Madalas parin naming dinadalaw sa bahay nila. Sila mama at papa naman tuwing week end ay doon nakikitulog sa bahay nila Anne at vice. Syempre kasama si Billy boy, na walang ibang ginawa kundi, alam niyo na tulad ni vice. Mapang asar din yan sa kapatid ko ever since the world began. Simula pa noong bata kami hanggang ngayon, lagi niyang inaasar ang bunso naming kapatid. Number one nga yan sa nang aasar sa kapatid namin e. Syempre, hindi mawawala si Insan teddy na laging nakadikit sa pamilya namin. Doon na nga yan nakatira sa bahay e. Buti na lang okay lang kila tito at tita. Sa magulang niya. At natutuwa naman si Billy boy kasi atleast daw may pumalit samin ni Anne doon sa bahay simula ng magkaroon kami ng sariling pamilya.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon