Esperanza, Pilar, Sorsogon

Start from the beginning
                                    

"Wow!"wika niya pagkabukas bukas niya nang pintuan. "Hello mt mayon!!!"sigaw niya while spreading her arms at nag uunat unat pa nang katawan. Nakakagulat naman tong Asawa ko kung makahiyaw naman. Buti na lang ay walang mga bahay dito kundi baka may nagsaboy na samin dito ng ihi sa arinola.haha

"Close kayo ng Mayon babe?"pabiro kong sabi sa kanya. Nilingon niya ako at tinignan nang masama. Napatikom na lang ako ng bibig at pinigilan ang tawa ko sabay tingin sa Mayon.

"Babe?"wika niya. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Oo nga no. Ang ganda! Sobrang ganda! Nice meeting you mt Mayon. Tama nga ang asawa ko ang ganda mo." Pagpapatay malisya ko. Hehe ibinalik niya ulit ang kanyang tingin sa view. Kaya kinuha ko na ang chance para pumunta sa likuran niya sabay yakap ko sa kanya. "Ngunit wala nang mas gaganda pa sayo."bulong ko sa tenga niya. Ganto ang magandang moment.haha

"Bawing bawi ka diyan ha."sabay hawak niya sa mukha ko ngunit nakabackhug parin ako sa kanya. Alam kong nakangiti siya. "Tara na babe."pagyaya niya. Byahe na ulit.

Ilang oras din ang naging byahe namin. She insisted na siya na ang magmamaneho. Alam niyo naman lagi akong talo pagdating sa kanya. Dahil nabitawan ko na ang manibela nakaramdam na ako nang antok. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Anne's pov

Tulog na tulog ang asawa ko. Ilang kembot na lang ay malapit na kami. Dahil tulog pa siya nagdecide muna akong dumaan sa pamilihan ng Daraga. Namalengke na ako dahil siguradong hindi handa sila nanay flora sa pagdating naming mag asawa. For sure, masusurpresa sila dahil hindi ko sa kanila pinaalam na uuwi kami dito sa probinsya. Nagbilin na rin ako kila papa at mama na wag sabihin sa kanila. Nakiusap na rin ako pati kila kuya. 3 weeks. 3 weeks kaming magbabakasyon sa hacienda bago ang nalalapit kong operasyon. Oo operasyon. Sa wakas nakahanap na sila dad ng heart donor ko. Mararanasan ko na rin ang mabuhay ng normal, ng walang bawal. A dream come true. Ah not yet pa pala. But soon and I'm so excited about it. Sabi nila 50-50 ang chances na maging successful ang operasyon. But it's okay, I am willing to take the risk, no matter what happens. Lalaban ako para sa pamilya ko lalo na para kay vice. Simula nang makilala ko siya, I wanna live long. Gusto ko nang maranasan ang tumanda lalo na ang bumuo ng sariling pamilya.

"Nay, magkano po dito sa isda niyo?"tanong ko sa ale. Halos nasa akin ang atensyon ng mga tao. Tinginan at bulungan.

"Ang ganda ganda mo naman miss."wika ng katabi kong babae na namimili rin.

"Ay thank you po. Kayo din po."medyo nahihiya kong sagot sa kanya.

"Iyo nga. Kagayon mo nak."Pag sang ayon ng tindera. Sabi niya maganda raw ako." Arin digdi nak?"tanong niya sa akin. Salitang bicolano.

"Salamat nay. Hmm. Ito po nay. Magkano po rito?" Syempre marunong ako ng salitang bicolano. Madalas kasi kaming nagbabakasyon rito sa bicol. Dito kasi ipinanganak si papa at dito na rin siya lumaki at nangarap. Kaya nga wala siyang kaarte arte sa buhay.

"Mura lang miss at siguradong sariwang sariwa pa."pagmamalaki ng babae. Baka anak siya ng tindera.

"Ay sige po. Pagbilhan niyo nga po ako ng apat na kilo."oh nagtataka kayo no. Apat na kilo dahil kasama na pati mga farmers roon. Bumili na rin ako ng limang kilong karne. Daig pa ang fiesta sa mga ipinamili ko. Nga pala malapit na ang fiesta sa aming baryo. Yun din ang isa sa dahilan kung bakit kami umuwi.
Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami nila kuya. Ang daming ganap namin noon. Nakakatawa yung kabataan days namin. Wag kayo, kahit sila kuya ay nakaranas din nang natural circumcision. Yung hindi sa doctor, kundi sa ilog. Super tawa talaga ako noon kapag ikinikwento sakin ni papa. Hahah remember, I am a doctor, so it's okay na makarinig nang ganitong kwento. Yung hindi pa nga nasisimulan pero hinimatay na raw si kuya vhong at si kuya Billy naman ay iyak ng iyak, ganon din si kuya teddy. Hahahah. Tuwing pinagkakaisahan nila ako, iyon naman ang pang asar ko sa kanila. Bata pa lang kami kasa-kasama na namin si kuya teddy. Para na nga siyang anak nina papa. Mas close pa nga siya kila papa at mama kesa sa magulang niya, kila tito. Lagi siyang sumasama samin kahit saan man kami pumunta. Nalungkot nga siya noong nagdecide sila papa na sa U.S. muna kami manirahan nang dahil sa sakit ko at sobrang natuwa ng makabalik kami rito sa pinas. Although dumadalaw naman sila ni Liza sa U.S. kasama ang parents nila.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Where stories live. Discover now