Welcome back, Back to back

Začít od začátku
                                    

"Kuya!!"isa pa tong kapatid naming bunso. Sumisigaw talaga? Tumatakbo siya papalapit sakin. "Namiss kita kuya Billy! Soobrang miss na miss na miss!" bunganga talaga nito ang laki. Niyakap niya ako ng mahigpit. Parang tuko kung makakapit.haha

"Hoy! Pangit ang ingay mo. Alam kong namiss mo ko, kaya wag kang sumigaw diyan dahil hindi ako bingi.hahaha" pero hindi siya natinag sa sinabi ko, at idinaan niya pa ako sa pahalik halik niya.

"Oh bro! Musta? Long time no see tayo ha. Haha asan Sina mama at papa?" bati sakin ni kuya vhong. Hinahanap niya sina papa.

"Hi kuys! Musta?" Bati din sakin ni jhong. Kasama rin pala nila si kuya jhong. Pero jhong na lang or kuys dahil awkward. Si kuya nga hindi ko tinatawag na kuya, nasanay na kasi ako na vhong lang tawag ko sa kanya o kaya bro.

"Ayos naman bro. Ito ganon parin. Ahmm. May pinuntahan sila." sagot ko kay vhong. "Uy Kuys! Tagal nating di nagkita ha." tugon ko kay jhong.

"Where daw kuya?"tanong ni pangit. Este ni bunso.hahah

"Alam mo na. Nagkita ng bestfriend nila.hahaha. sunod nga daw tayo eh." sagot ko kay pangit at kinuha ko ang gamit niya.

"Hay nako! Si mama at papa talaga di man lang inuna yung pagsundo sa nga anak nila.hahah"pagtatampong sabi ni vhong.

"You know naman kuya sina mama pag magkasama sila ni tita ninang, hindi mo na yan mapag hihiwalay." tugon ni pangit na abalang nagpipicture.

"Sinabi mo pa!" pag sang ayon ko kay pangit.

"Tara na. Uy mga kuys, una na ako sa inyo ha. Kasi si mommy excited na akong makita. Bunso una na ako. Bye!" Nakikinig lang sa pinag uusapan namin pero walang pakiaalam. At nauna na nga siya.

"Sige kuys." Wika ko.

"Oh sige. Kitakits na lang kuys."tugon din ni vhong.

"Bye kuya jhong. Ingat."pero nagpipicture parin.

"Oh dahil may oras pa naman tayong umuwi, ihatid na muna natin tong mga gamit niyo sa bahay bago tayo sumunod sa kanila."tugon ko sa mga kapatid ko.

"Okay kuya. Gusto ko nga lang din talagang dumaan muna ng bahay dahil I missed the house and everything at Syempre ( sabay sampa sa Likod ko ) maliligo muna ako at magpapalit ng damit.hahaha di ba kuya taba." pang aasar niya sa akin. aba! Lokong pangit na to. Nagpapiggy back pa.

"Hoy! Pangit ang bigat mo na ha. Anong taba ka diyan. Nabawasan na kaya ang timbang ko no. Bumaba ka nga diyan sa likod ko. Kita mo ng buhat buhat ko tong gamit mo, dagdag ka pa sa bigat nito." Itong pangit na to ang bigat bigat na tapos nagpapakarga pa. Kulit talaga. Pero namiss ko siya. Sobra.

"Tama ka bro. Ang bigat bigat na niyan. Payatot pero ang bigat pang baboy." pag sang ayon naman sakin ni vhong at kinuha niya ang gamit na dala dala ko.

"Asus! Nagsalita yung hindi payat." Pagpaparinig ni pangit kay vhong pero nakasampa parin siya sakin. "For your info kuya, sexy lang po ako. As in S.E.X.Y, sexy." pagyayabang nito. Aba! Marunong na din sumagot.haha

"Oo nga naman bro, sexy nga daw siya. San ba banda diyan ha pangit?" pang aasar ko sa kanya.hahaha

"Kita mo na bunso wala kang ebidensiya.hahaha" dagdag pa ni vhong. At humalakhak siya ng malakas. Ganito talaga kaming tatlo pagmag kakasama. Laging pulutan si Anne. Alam niyo na dahil bunso siya at higit sa lahat nag iisa lang siyang babae.hahah Nagsalita ulit si bro. "Sakay na baka matraffic pa tayo." tugon niya samin.

"Oo na po, bababa na po. Ito na nga po." at bumaba na siya sakin Likod ko.

"Pangit pakisabay na nito sa loob." at iniabot ko ang bag niya.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Kde žijí příběhy. Začni objevovat