Surprise! Just for tonight

Mulai dari awal
                                    

Hindi pa man ako nakakapagtype ng irereply ko sa kanya dahil sa pag eemote ko ay may biglang dumating ulit na text. Kaso hindi ko agad nabasa dahil may sumingit na epal.

"Sir." wika nito.

I think Filipino siya dahil sa itsura niya pa lang.

"Epal naman to eh! Bakit?" inis kong tanong sa kanya.

"May naghahanap po sa inyo." tugon niya sa akin habang yakap yakap niya yung menu.

"Sino daw? Ay teka lang. Naghahanap? Wala naman akong kakilala dito ha."Nagtataka kong tanong sa kanya. Sira ulo din tong waitress na to. Pinagtitripan ata ako.

"Girlfriend mo daw po." mukhang kinikilig pa siya. Sabunutan ko kaya ng matauhan. Sa kabaklaan kong to, may girlfriend. Adik din to eh.

"Ano!? Wala akong girlfriend no! Etchuserang to!" nang gigil din ako sa isang ito eh. Nakainom pa naman ako nang kape. Baka magdilim paningin ko, di ko mapigilan ang sarili ko.

"Sabi niya po sir eh. Maganda po siya. Para nga pong pamilyar siya sakin." tugon nito sakin, na hindi parin ako tinatantanan.

"Weh? Sabunutan ko yan eh. Baka baliw, wag mo nang pansinin." pigilan niyo ko. Pigilan niyo ko. Assumera din siya ha. Girlfriend ko daw. Patingin na siya sa doctor.

"Sir."wika ulit ng waitress.

"Ano ba? May binabasa ako wait." sagot ko sa makulit na waitress. Nang gagalaiti na ako pero pinipigilan ko lang.

From baby girl

"Kaya nagpaalam ako sa kanila na kung pwede bang puntahan ko yung taong yun kasi baka hindi na kami ulit magkita. Kaya ayon."

"Sir nga po." Nagsalita ulit siya. Matindi din to eh no.

"Kuliiiit!" Galit kong sabi. Isa pa tatamaan na talaga to sakin.

"Tumingin daw po kayo dun oh." sabay turo niya sa labas. Bago pa man ako makalingon sa labas ay nagtext ulit si Anne. Kaya binasa ko ito agad.

From baby girl

"Tingin ka sa labas. Surprise!😁🙋"

Nagulat ako sa text niya. Halos kumakabog ng todo ang dibdib ko. Di ako mapakali. Dali dali akong tumingin sa labas. At laking gulat ko nang makita ko si Anne na kumakaway sakin na parang bata. Gusto kong lumundag sa tuwa. I want to wave back kaso nanlalambot ang mga kamay ko. Kaya nginitian ko na lang siya.

"Sabi ko sayo sir eh. Ayaw mong maniwala. Ang ganda po ng girlfriend niyo." tugon  sakin ng makulit na waitress.

"Bakit hindi mo agad sakin sinabi! Kaloka ka naman." sa sobrang gigil ko ay niyuyogyog ko ang waitress. "Of course! Sobrang ganda talaga niyan no." pagmamalaki ko.

"Kanina ko pa po sayo sinasabi. Di ba po. Isa isang sikat na modelo po? Oh my god! Oo nga siya nga yun." Masaya niyang pagkakasabi ngunit ngayon niya lang napagtanto kung sino ang nakita niya. Sikat na modelo?

"Anong sikat na modelo? Mukhang modelo talaga yan pero hindi sikat na modelo." tugon ko sa kanya.

"Sikat po siya sir. Maaaring iilan lang po ang makakapansin sa kanya dito pero kapag nasa Pilipinas ka po siguradong dudumugin siya ng mga tao. See, ako nga po nakilala ko eh. The one and only " Anne Marie Martinez " isang sikat na modelo, magaling na doctor at higit sa lahat nag iisang anak na babae ng isang napakayamang negosyante sa Pilipinas. Isang mabait , matulungin at down to earth na tao." tugon nito sa akin. Aba! Ang daming alam nito ha.

"Ay wow! Alam na alam? Bat hindi ko alam, hindi na talaga ako updated sa mga nangyayari sa mundo."sagot ko sa kanya.

"Eh kasi sir kaibigan siya ng boss namin. Naichika lang samin ng boss namin. Pumunta kasi dito dati si miss Anne, pinagkaguluhan siya,  kaya hindi ko na siya nakita. Halos likod na lang. Ngayon po alam mo na sir. Napakaswerte niyo naman po. May boyfriend na pala siya. Hindi man lang naibabalita ha. Makapagpapicture nga."pagpapaliwanag niya sa akin. At dali dali niyang kinuha ang phone niya para magpapicture.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang