The Chamber of Miracle

83 18 18
                                    

Prologue
The Chosen One

Nagsimula ang lahat sa unang araw ng Disyembre panahon ng tag-lamig sa pinakatuktok ng bulubunduking Wingard.

Ang Mt. Wingard ay ang pinakamatandang bundok sa mundo. Kaakibat ng pangalan nito ang mga mahiwagang kwento na nakapaloob dito.

Pinaniniwalaan ng ibang tao na ang bundok ay minsang naging pintuan papuntang langit. Pintuan papunta sa kanlungan ng mga anghel—ang Chamber of Miracle.

Ayon sa kwento ang Chamber of Miracle ay nagsara sa di malamang dahilan.
Tatlong anghel ang unang nakatuklas sa biglaang pagsara nito.
Sinubukan ng tatlong anghel na buksan ang chamber gamit ang kanilang mga kapangyarihan pero hindi sila nagtagumpay.
Hanggang sa nagkaroon ng bagong propesiya.

For he is a mortal.

The dark one will vanguish through him.

The Chamber will open only for he who don't believe in miracle...

Ang chamber ay isinara gamit ang isang itim na mahika at ang makapagbubukas lamang nito ay ang "The Chosen One" na nakasaad sa propesiya.

Lumipad ang tatlo sa bawat sulok ng mundo para hanapin ang mortal na itinakdang makapagbubukas sa Chamber.

Ang tatlong anghel ay nahahanay sa Knight Angel at hindi sila pwedeng magtagal sa ibabaw ng mundo. Hindi sila tulad ng mga Guardian Angel na pwedeng maglagi ng mahabang panahon sa ibabaw ng mundo.
Ngunit determinado ang tatlong anghel sa paghahanap kaya di nila namalayan ang kanilang limitasyon.

Ang tatlong anghel ay nawalan ng pakpak kasama ng kanilang mga kapangyarihan. Lumipas ang panahon at namuhay ang tatlong anghel bilang mortal at sila ngayon ay may kanya kanya nang pamilya.

Ang tatlong anghel ay hindi na nagkita mula noon ngunit iisa parin ang mithiin ng kanilang mga puso—na isang araw mahanap nila ang "The Chosen One" na magbubukas sa
Chamber of Miracle.
Nananalaytay parin ang takot sa puso ng tatlong anghel pagkat kapag hindi mabubuksan ang Chamber maghahari ang Dark One at mahihirapan ang sinuman na pigilan ito pag nagkataon.

The Chamber will open only for he who don't believe in Miracle...

The Chamber of MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon