Nakita kong nangingilid ang mga luha sa kanyang mata kaya

naramdaman ko muli ang matigas na bagay na bumaon sa dibdib ko. I hate this feeling. 'Yung pakiramdam na makita ko si Dainna na umiiyak ng dahil sa akin ng paulit-ulit ay isang malaking kabobohan. Bakit ko sya pinaiiyak?

"Gusto mong lumayo para lumayo lalo ang gulo samin? Sakin? Are you nuts? Tanga ka ba para hindi mapansin na ako na mismo itong kumakapit sa'yo para lang mas lumapit sa akin ang gulo? Hindi mo ba nakikita na gusto kong magkasama tayong harapin ang lahat? Why can't you understand, Yuki?"

Napatikhim ako ng bahagya ng makita ko ang galit sa mga mata nya. She's right. But she can't handle the pain anymore, I can see it in her eyes. Masyadon nang masakit para sakanya na samahan ako sa mga kagaguhan ko. And that's an enough reason to stop this shit.

"You can't blame me, Dainna. I don't want you to get hurt anymore. I don't want you to get used to it. Ayokong masanay kang nasasaktan ng dahil sa akin. Nasasaktan ako sa ginagawa mo. Please.. stop." Bulong ko sakanya bago hinawakan ang kamay nya, pero nabigla ako ng hawiin nya iyon at tinignan ako sa mata.

"Yun na nga ang nakakainis, Yuki! I got hurt so much and all I can say is that I'm used to it! Hindi mo ba ko naiintindihan? Nasanay na ko, pero hindi ko sinabing ikaw ang nanakit sa akin! I chose this path dahil kasama kita, and to think na ikaw mismo ang nagtataboy sa akin, I think that's an enough reason to let go." Sigaw nya bago inihiga ang sarili nya at tinalikuran ako.

Napapikit ako ng maramdaman ko na naman ang sakit na naramdaman ko noong makita kong lumalayo sa akin ang mga taon. But this one is different. Tinataboy ko sya, but she's still here, sinasamahan ako para lang sa walang kwentang pagmamahal na pinaramdam nya sa akin.

Walang kwenta? Oh. Ako nga pala ang walang kwenta.

"I am done, Yuki." Napatingin agad ako sakanya ng makita ko ang singsing na inihagis nya palabas sa bintana na kinakabog ng dibdib ko.

Wedding ring naming dalawa. She threw it away. And I think, she really gave up already.

"I've wasted enough tears for someone who can't even realize my worth like how I realized his."

Tuluyan nang nadurog ang puso ko sa narinig ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naiintindihan ko na. Those words made me realize something na dapat ay na-realize ko na sa simula't-sapul palang ng kwento namin.

Tumayo ako at lumapit sakanya. Humiga ako sa tabi nya na kinabigla nya kaya ngumiti ako sakanya bago sya niyakap ng mahigpit na kinabigla nya. Ngunit hindi ako kumalas, subalit ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakayap ko sakanya.

"Anong ginagawa mo?" Bulong nya sa akin pero umiling lang ako bago humiwalay sakanya at hinalikan ang noo nya.

"I realized everything now, Dainna." Bulong ko pabalik bago tinitigan ang mga mata nya at ngumiti.

"Won't you stay with me again? Because you're all I need." Tanong ko sakanya, pero nabigla ako ng umiling sya at nginitian ako.

Gaya ng ngiti noong inalok nya ako ng manok sa lumang building kung kailan, nabago ang buong buhay ko.

"I won't. Sino bang nagsabing umalis ako sa buhay mo? Mamimiss mo yata ako ano!" Nakangiting pang-aasar nya bago ako hinalikan na kinabigla ko. "Kapag tinaboy mo ulit ako, hahalikan kita ng ilang beses, gusto mo ba 'yon ha?!"

"If that's the punishment then I would." Hinalikan rin sya pabalik na kinagulat nya ngunit nabalik ang ngiti nya na kinasaya ko.

So, this is love? Sacrificing everything for the one you love? How lame.

Captivated by her, Demonica.Where stories live. Discover now