Kabanata 2

137 18 14
                                    

After 6 years

"Ilang taon na ang nakalipas, bebe ko, oh! Are you really damn sure about not having a boyfie again?"

Napairap muli ako sa kawalan dahil sa tanong ni Xylie. Kanina pa sya tanong ng tanong sa akin at nangungulit dito sa opisina ko na talagang kinakukulo ng dugo ko. Ano pa nga bang inaasahan ko sa kaibigan kong 'to? Ang laki-laki pa naman ng bunganga nito.

"Tumahimik ka na lang, okay?"

At dahil nga sya si Xylie Montecillo, hindi pa rin sya tumigil. Ano nga bang aasahan rito sa babaeng 'to? Never kong naisip na tatahimik sya. Unless, kapag sinagot ko 'yung tanong nya. I'm sure naman, tatahimik na sya kapag nalaman nya na 'yung totoo, hindi ba?

"Teka naririnig mo ba 'yon?"

Kumunot ang noo nya kaya tumahimik sya ng bahagya at tinignan ang paligid na tila ba may pinakikinggan. "Ang alin? Nakakarinig ka ng ungol?!"

"The sound of me not giving any fucks."

Binatukan ako bigla ni Xylie ng malutong pa sa chicharon pero walang tigil pa rin ako sa pagtawa. Nakakatawa 'yung pagmumukha nya, okay? There's nothing in the world compare to my girl best friend, really. Hindi nila mapapalitan 'yung pagmumukha nyang gusto ko makita kapag naiiyak na ako sa sobrang daming paper works. I really do treasure her.

"Pero seryoso, hindi naman masamang mainlove muli hindi ba?"

Nagkibit-balikat ako sa sinabi nya bago mabilis na tumayo. Siguro hindi ko muna tatapusin ang mga 'to since hindi pa naman kailangan, e. Ako naman ang boss dito kaya walang papalag sa pagiging tamad ko kung minsan. Matyaga pa rin naman ako kahit pa-paano, ano!

"Xylie, let's just not talk about it anymore. I already answered your question, right? Siguro naman sapat na 'yon, hindi ba?"

Aniko habang inaayos ang gamit ko para sana lumabas ng building. Ayoko kasi talagang nagkukulong rito. Siguro sa condo ko nalang ulit gagawin ang mga naiwan kong trabaho rito. Mas maaliwalas ang condo ko kaysa sa office kaya mas bet ko kung do'n ko nalang tapusin lahat ng stress sa life ko ngayong mga oras na 'to.

"Alam mo, Demonica."

Napatingin ako agad sakanya ng bigla syang mag-seryoso habang nakatingin sa akin. Minsan lamang sya mag-seryoso kaya gusto kong masaksihan ang pangyayari ngayon. Nakakapagtaka lang dahil ang aura nya ay nag-iba ng ibuka nya muli ang bibig nya at nagsalita.

"Why don't you just get yourself a boyfriend na will do the right thing to do as one? Nagiging losyang ka na at tumatanda na but you're still the old hopeless romantic, Demonica. Nag-aalala lang ako sa'yo, friend. Baka nga mas mauna pang magka-syota 'yung anak ni Danillo at Jeacy kaysa sa'yo, e! Nakakaloka man 'tong sasabihin ko pero, beh.. Ang tanda mo na, maghanap ka na ng taong magmamahal sa'yo."

Natahimik ako sa sinabi ni Xylie at napalunok. Tama, tumatanda na ako. Next next next month ay magiging ganap na 30 na ko but still, I don't have a boyfriend. Sabihin na nating naapektuhan talaga ako ng nakaraan pero, siguro tama nga talaga si Xylie. I should get myself a boyfriend.

Lahat ng tropa namin ay may mga sarili nang pamilya habang si Xylie ay may dine-date na namang foreigner. Naghahanap ata talaga sya ng 'true love' na sinasabi nya tuwing pinag-uusapan namin ang mga lovelife namin. May mga anak na nga rin ang mga tropa ko habang ako, nagpapakalulong sa trabaho para malimutan kahit papaano ang tungkol sa 'love' na sinasabi ng mga repa ko. But hell, paano ako makakalimot kung puro lovelife ko ang topic nitong si Xylie? God, matinong tropa lang.

"Gayahin mo ko, ilang beses nang sumusugal pero hindi pa rin sumusuko! Gusto ko kasing ako mismo maghanap ng tamang—"

Pinutol ko ang sasabihin nya at umirap. "Ang sabihin mo, desperada ka na talagang magka-boyfriend dahil gusto mong pagselosin 'yung ex mo. Nako 'wag ako, Xylie. I'm your best friend, remember?"

Captivated by her, Demonica.Where stories live. Discover now