Kabanata 3

82 16 18
                                    

"Seryoso ka talaga, Monic? Kasi be, hindi ko talaga bet maniwala sa'yo simula no'ng banggitin mo pangalan ni Fafa Cloud. Stop hallucinating na, be!"

Nandito ako sa bahay ng tropa kong si Xylie, at nandito rin ang iba kong tropa na mukhang ngayon lang talaga nagka-time magusap-usap. Actually nasa kwarto kami ni Xylie dahil sa gusto nya daw malaman 'yung nangyari sa dinner namin na naging double-date. Ewan ko ba pero, grabe talaga lakas ng tama ng lalaking ulap na 'yon! Wife? Asa!

"Akala ko ba maniniwala ka sa akin kahit gaano pa ka-imposible ang mga sinasabi ko? Aba, Xy! Alam mong hindi ako marunong magsinungaling kahit noong bata pa ako, 'no!" Aniko.

Napatikom ako ng aking bibig ng makita ko kung paano tumalim ang tingin sa akin ni Xylie at nagsalita na para bang isang matandang ermitanyo na nagle-leksyon sa akin na ikinatawa ko, sa isip ko syempre. I still treasure my life 'no!

"No'ng sinabi mong ayos ka lang, hindi ba't pagsisinungaling ang tawag do'n, bebe ko?"

Eto na naman tayo. Talaga bang 'di kami matatapos sa kakaganito ng babaeng 'to sa akin? Hindi ko pa nga natapos 'yung kwento ko kanina tungkol sa dinner na naging double datesaster para sa akin, e! Sumama pa kasi 'yung ahas na 'yon, pero buti nalang talaga may kasama rin ako kung wala, siguradong lalanggamin ako sa sobrang tamis ng landian nilang dalawa sa table namin. At 'yon ang nakakapagtaka.

"Sa tingin mo, Xylie," Natigil sya sa pagtuturo sa akin ng leksyon ng magsalita ako. "Sinasadya kaya ni Sydd na makita ko silang maglandian kagabi?"

Napaisip muli ako sa aking conlusion. Siguro ay tama ako, dahil kung alam nilang ako lamang mag-isa ang darating at silang dalawa lamang ang naroon, siguro nga tama talaga ako. Buti na nga lang nakita ko ang Cloud na 'yun do'n kung hindi, malamang diring-diri na ako sakanila. Ano kayang trip ng mga tao ngayon? Nakakapagtaka nga 'rin ang biglang pag-approach sa akin ni Cloud do'n dahil sa pagkakaalam ko, hindi ko sya close noon dahil maraming babaeng nakapalibot sakanya. At isa pa, broken ako noong mga araw na 'yon kaya hindi ko sya gano'n pinapansin. Nakilala ko lang naman sya dahil sa tsismosa kong mga tropa, e.

"So you're saying na pinagseselos ka ni Sydd? 'Yon ba 'yon bebe ko?"

Napangiwi ako sa naisip nya na hindi manlang pumasok sa isip ko. Pagselosin ako? Gosh, give me a break! Mas gugustuhin kong makaramdam ng panibagong pag-ibig kaysa magselos muli sa taong parausan lang ng mga lalaki. Atsaka, as if I care about them. Wala na akong nararamdaman pang-kakaiba ng makita ko ang gagong si Sydd kaya I'm pretty sure na wala na talaga akong nararamadaman pa para sakanya. And that's a good news.

"Ah, basta! Naiinis ako sa nangyari kagabi!"

•••

"Wife? Tinawag mo s'yang wife?"

Gulat na gulat na tanong ni Sydd habang nakatingin sa gwapong nilalang nakasama ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Cloud pero naramdaman ko muli ang pagkurot nya sa aking kamay kaya napatango nalang ako ng wala sa oras bago biglang ngumiti ng pilit sakanila.

"Y-Yeah." Kung makatanong naman 'tong gagong 'to akala mo obligadong malaman nya.

Tinitigan pa kami ng dalawa na para bang hindi pa rin sila makapaniwala nag-magkasama kami ngayon but hell, upong-upo na ako. Hindi ko lang talaga magawang umupo dahil sa sobrang higpit ng hawak sa akin ni Cloud na para bang hindi nya na ako pakakawalan.

Sinabi ko bang hindi nya na ako pakakawalan?

"Can we now sit? Nakakangalay, e."

Mabilis pa sa pagmo-move on ni Luis Manzano ang pag-upo ko na nakagawa ng ingay sa buong lugar. Napatingin sa akin ang ibang mga taong nagtataka at mukhang hinuhusgahan na ako sa mga isip nila. Hindi ko sila masisisi, mukha talagang asal aso ang ginawa ko kanina. Pero syempre, maganda pa rin naman ako so, I don't give a damn.

Captivated by her, Demonica.Where stories live. Discover now