Kabanata 8

30 14 0
                                    

"Oh my gash!"

Tinakpan ko ang tenga ko bago pinanlakihan ng mata si Xylie na kanina pa tumitili sa sobrang tuwa dahil sa kwento ko sakanya, tungkol sa nangyari kagabi sa garden, saming dalawa ni Cloud.

"Tell me, naramdaman mo na ba 'yung pagbilis ng tibok ng puso mo habang hinahalikan ka nya? Mareba!" Tell me.

"Hindi."

Hinampas nya ko sa sagot ko bago pinanlakihan ng mata na kinakunot noo ko. "Ano na naman?!"

"Beh naman, alam kong heartbroken ka parin kay Sydd pero, pwede bang buksan mo rin ang puso mo sa mga taong kumakatok dyan? Kukutusan talaga kita kapag hindi ka kinasal!" Inambahan nya ako ng kamao nya kaya tinarayan ko sya. Aba, ano bang pakeilam ko sa pagiging loner sa buhay? Atsaka isa pa, wala naman talaga ako naramdamang paru-paro sa tyan dahil sa ginawa ni Cloud kagabi. Asa!

"Xylie, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko sila kailangan? Sakit lang sila sa ulo!" Angil ko sakanya bago tumayo sa couch ng condo ko at dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain. Hindi ako pumasok sa opisina dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nahihilo ako kakaisip kagabi kung bakit ginawa ni Cloud na halikan ako. Ewan ko ba pero, sa totoo lang kinabahan ako sa ginawa nya kagabi. Bumaliktad ang sikmura ko habang hinahalikan nya ako. Malay ko bang gagawin nya 'yun?

Ang oa talaga ng isang 'yun kahit kailan.

Naramdaman ko na sumunod si Xylie patungo sa kusina kaya napasimangot na naman ako. Hindi na naman nya ako titigilan.

"Hindi masaya ang mag-isa sa buhay, Nica. Do you really think lagi akong nasa tabi mo? Gusto ko ring ikasal ano! Kaya sinasabi ko talaga sa'yo, kapag hindi ako naging ninang ng magiging anak nyo ni Clo--Aray! Sinasabi ko lang naman 'yung totoo e!" Usal nya ng batuhin ko sya ng pat holder sa mukha. Oo at alam ko naman ang lahat ng 'yun. Pero hindi ba sya titigil sa kakasabi ng pangalan ni Cloud? Atsaka isa pa, hinalikan nya lang ako kagabi at iniwan ng mag-isa na parang walang nangyari. Sa tingin nya mabubuntis ako dahil do'n?

"Beh naman! Hindi mo ba talaga gusto si Cloud? Kasi ako gusto ko sya para sa'yo!" Nakanguso nyang saad kaya napasandal ako sa table na nasa likuran ko bago bumuga ng malalim na hininga.

"Unless kung mahal mo pa 'yung ex mo."

Sumeryoso ang mukha ko at tinignan ko sya ng diretso sa mga mata nyang nakakunot pa rin ang noo.

"I don't want to die again, Xylie. We cannot be sure about him staying by my side. Pare-pareho lang silang mga lalaki! Those flowery words? Pang sungkit lang nila ng babae 'yun para i-kwarto! Hindi mo ko maintindihan palibhasa ikaw 'yung nagloko at nanakit kay Johanne, kaya pwede ba? Tumigil ka na sa pangingielam sa mga plano ko sa buhay kasi labas ka na do'n."

Napakagat ako ng labi ng makita kong sumeryoso ang mga mata nya at nawala ang masasayang emosyon nya dahil sa huling sinabi ko. Napasobra ata ako sa mga nabanggit ko, pero hindi ako nagsalita pa at iniwan sya do'n. Alam kong nasaktan ko sya sa sinabi ko pero damn, nawala ako sa wisyo, sapat na para lumabas 'yung tunay na ugali ko. Ayoko ng may nangingielam sa buhay ko kaya nagkaganito.

"Bahala ka, pinagsasabihan lang kita. Uuwi na ko."

Rinig kong sigaw nya mula sa labas ang alam kong umiiyak sya kaya napapikit ako at napasabunot sa ulo ko.

"Hindi ka kasi nag-iingat, Demonica!"

Tumalon ako sa kama ko bago tumingin sa frame na nakababa sa side table ko. Kinuha ko 'yon at tinignan ang larawan na nakapaloob dito.

Isang masayang larawan na sinira ng kalandian.

"Tangina kasi bakit ang landi mo? Edi sana tayo parin gaya ng gusto mo

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

"Tangina kasi bakit ang landi mo? Edi sana tayo parin gaya ng gusto mo." Bulong ko bago niyakap ang larawan at pumikit.

Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko ng alalahanin ko ang mga nangyari 6 years ago. Ewan ko ba pero sadyang mahal ko parin ang gagong 'yon kahit anong dumaang bagyo sa pilipinas. Sana nga't tinangay ng mga 'to ang nararamdaman ko sakanya, ngunit hindi.

Galit at pagmamahal.

Ewan ko ba, pero gusto ko ulit umiyak at ubusin lahat ng 'yon dahil sawang-sawa na akong umiyak sa gabi at magpanggap sa umaga. Ang hirap kaya mag multi-tasking!

Naramdam ko na rin ang bigat ng dibdib at ng mga mata ko kaya tuluyan na akong nakatulog sa sobrang pagod.



"Pre, anong problema?"

Bungad ng binatang nagngangalang Kleion sa kaibigan nyang kanina pa nakatingin sa baso ng alak sa harapan nya, at wala na ata talagang balak na inumin. Kanina pa ganito ang binata at nagiging balisa simula ng umuwi ito kagabi sa bahay nilang dalawa.

Umupo sya sa tabi nito at tinignan ng nakangiwi ang labi. "Babae ano?"

Napatingin si Cloud kay Kleion dahil sa tanong nito kaya agad na napapitik ni Kleion ang daliri habang nakangiti. "Nadali ko ba? Tama ba ko? Ha? Isang babae? Ang galing ko!"

Nakatingin lang si Cloud sa kaibigan ng seryoso kaya natahimik ito at agad na nag-form ng thin line ang bibig nito. Mukhang suko na rin sya sa kakatanong ng binatang si Kleion kaya tumango nalang sya.

"Bakit? Sabihin mo nga sakin pre kung ano ba talagang problema mo sa babaeng tinutukoy mo." Saad nito bago tinaasan ito ng kilay. Magsasalita pa ulit sana si Kleion ng biglang bumukas ang pinto at nakita ang isang lalaking pamilyar sakanila.

"Yuki tanda! Saan ka galing?" Bungad ni Kleion sa kaibigan pero dumiretso lamang si Yuki kay Cloud at mabilis na hinila ito sa isang kwarto kung saan walang tao. Hindi nagulat si Cloud kung hindi si Kleion na naiwan sa labas ng kwarto. Hindi nila pinansin ang lalaki at nakatingin lang sila sa isa't-isa na para bang hinuhulaan kubg sino ang unang magsasalita.

"Ayos ka naman noong wala ang babaeng 'yon ah?" Angil ni Yuki bago hinawakan ang kwelyo ng binatang si Cloud at sinigawan ulit. "Hindi mo ginagawa 'yung totoong deal! Gusto mo bang mapahawak 'yung kapatid ko sa ginagawa mo? Alam mo kung ano ka and you shouldn't be attached on someone, they might die before you knew. Natatakot ako para sa'yo, at lalong-lalo na sa kapatid ko. Do your job, and I would do mine."

"I'll protect my sister no matter what, bago mahuli ang lahat. Do the real deal, and kill that bastard, naiintindihan mo ba ko?"

Napaupo si Cloud dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Yuki sakanya sa sahig pero agad syang naka-recover dahil sa sinabi ni Yuki sakanya.

"Yuki, hindi mo ko naiintindihan." Seryosong saad ni Cloud bago lumapit kay Yuki na nakatingin sakanya ng malumanay. "Ayos ako noong wala pa sya pero ngayon? Hindi ko na alam kung ano ba talaga ibig sabihin ng ayos kapag wala sya. I've been watching her since my college days and this time is my opportunity to get her. Ayokong sayangin ang lahat ng 'yon para lang pumatay ng isang tao para sa kapatid mo. Selfish na kung selfish, nagmamahal ako Yuki. Kung mahal mo rin ang ate ko, then leave your job and be with her. You're just wasting your time! We cannot be sure na maliligtas tayong lahat matapos ko patayin ang Sydd na 'yon! We're all hopeless!"

Nag-iba ang awra ni Yuki dahil sa sinabi ni Cloud kaya napatahimik ang binatang si Cloud habang nakatingin sa kaibigan nyang mukhang nag-aapoy na sa galit.

"Hindi madali sa akin 'to, Cloud. Hindi madali para sa amin 'to ni Dainna. At kung gusto mo talagang mabalik sa wisyo, sasabihin ko sa'yo kung sino ang kapatid ko." He fired back bago tumalikod.

"Demonica Alvarez is my sister, but you always have a choice," nabigla ang binatang si Cloud sa narinig.

"Die for her, or she'll die because of you."

Captivated by her, Demonica.Место, где живут истории. Откройте их для себя