Kabanata 9

34 10 16
                                    

Napanguso ako ng bahagya habang nakatingin pa rin sa wall clock ng office ko. Alas-10 na ng gabi pero nandito pa rin ako para mag-over time. Nago-over time ako ng walang dahilan. Wala akong gagawin sa condo at mas lalo na rito kaya napadesisyunan kong dumaan sa bahay ng nakakatanda kong kapatid. Siguro naman ay may pagkain sya matapos magdaan ang birthday nya last week. Hindi nga ako pumunta dahil may tampuhan kami ni Kuya at hindi ko alam kung ano ba 'yun. Badtrip hindi ba?

Kinuha ko ang phone ko sa tabi ko at dinial ang numero ng kapatid ko. Siguro ay dapat ko na syang tanungin kung ano bang problema dahil baka may kung anong nangyari sa bahay nya. May asawa na rin si Kuya pero hindi ko alam kung sino, pero sabi nya ay kilala ko daw, kilalang-kilala. Nakakapagtaka dahil apat lang naman ang mga kaibigan ko.

Nagr-ring ang phone ni Kuya at mabilis na may sumagot dito, at isa itong babae na kinabigla ko.

"Hello?"

Pamilyar ang boses ng babae. "Sino 'to? Jowa ba 'to ni Kuya Yuki?"

"Asawa beh. Sino 'to?"

"Kapatid nya. Teka, nabobosesan kita, ha?" Bulong ko bago inaalala kung saan ko ba narinig ang boses ng babaeng nasa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko na kung kanino nga ba 'yon. Okay, puta...

"TEKA SI DEMONICA BA 'TO? HALA BEH? SI DAINNA LOVES MO 'TO! BAKIT KA NAPATAWAG H--"

"Anong ginagawa mo sa bahay ni K-Kuya? Ikaw ba 'yung tinutukoy ni Kuya n-na asawa nya?" Gulat na tanong ko bago kinuha ang bag ko sa sofa at mabilis na lumabas ng pinto ng opisina ko. Damn, ewan ko pero bigla akong nataranta sa thought na si Dainna 'yung tinutukoy ni Kuya na asawa nya.

"Ano kasi--Sino 'yan?--Yuki? Ay wala! May tinawagan lang ako sa fone--Sino 'yan, Dainna?--Wala lang talaga. Sige bye frenny!--Akin na, kung hindi papalayasin kita dito."

Napahinto ako sa paglalakad noong nasa tapat na ako ng elevator dahil sa narinig ko ang boses ng Kuya ko. So ibig sabihin, magkasama talaga sila sa bahay? Hindi ko na kaya pang magtunganga lang dito sa harap ng elevator.

"Hello?"

Napalunok ako ng marinig ko ang boses ni Kuya sa kabilang linya na mukhang seryoso talaga sya sa buhay. Agad kong binaba ang tawag at tinago ang cellphone sa bag ko. Pumasok na ko sa elevator at tanging ako lang naroon kaya mabilis akong nakarating sa ground floor. Umalis agad ako ng building ng natataranta at hindi pinapansin ang bati sa akin ng mga trabahador ko na kinataka nila.

"Ma'am, ayos lang kayo?"

"Ma'am, may appointment pa po kayo mamaya! Saan po kayo pupunta?"

Hindi ko pinansin ang pag-aalala nila at dumiretso sa parking lot at pumasok agad sa kotse ko para iharurot patungo sa bahay ni Kuya. Ewan ko pero, gusto kong malaman kung paano naging sila ni Kuya at Dainna. Gusto kong malaman dahil walang nababanggit si Dainna na kilala nya ang Kuya ko dahil hindi ko sya pinakilala sakanya noon, unless kung nakita nya na talaga ang kuya ko dati pa.

"Realshet." Bulong ko bago nakita ang kotse ni Kuya sa labas ng bahay nya at ang kotse ni Dainna na nasa loob ng garahe nya. So, mukhang may koneksyon talaga sila ni Kuya? Malanding koneksyon, gano'n?

Mabilis akong bumaba ng kotse at pumasok ng gate ng bahay ni Kuya. Kumabog ang dibdib ko ng makita kong bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nag-aaway na dalawang tao na para bang wala nang bukas. Umiiyak si Dainna kaya mabilis akong gumalaw para pumunta sa kanila at hilain sa likod ko si Dainna, habang si Kuya ay gulat na gulat sa nakita nya.

"B-Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ni Dainna sa akin bago punasan ang mga luha nya.

"Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan, Dainna." Seryosong saad ko bago bumaling kay Kuya na ngayon ay nakatingin lang sa akin ng malamig. "Anong ginagawa mo sakanya, Kuya?"

Captivated by her, Demonica.Where stories live. Discover now