Kabanata 1

277 21 5
                                    

Hawak-hawak ko ang aking mga pinamili mula sa souvenir shop rito sa Costa Petit-Maitre. Naglalakad kasi ako patungo sa hotel kung nasaan naka-destino ang boyfriend kong si Sydd since umalis ako kanina at nagtungo sa ibang hotel para sana do'n matulog pero mas napili kong do'n nalang matulog sa unit ni Sydd.

Siguro ay nasa balcony na naman sya dahil sa mga oras na 'to ay mas pinipili nyang mapag-isa pero dahil nga may gusto akong ibigay sakanya kahit halos alas-onse na ng gabi, tuloy pa rin ako sa paglalakad patungo rito. Gusto ko sanang ibigay ang mga souvenirs na ito sakanya dahil nga ilang araw na lang ang natitira ko rito bago ako umalis at mag tungo sa kabilang isla. Siguro napamahal na rin sakin ang buong beach na 'to dahil sa halos 7 buwan na pags-stay namin dito. It wasn't that fun dahil nga wala ang mga iba kong kaibigan maliban sa boyfriend ko pero syempre, iba parin talaga 'yung saya kapag kasama mo 'yung taong mahal mo.

Nasa tapat na agad ako ng unit ni Sydd dahil sa siguro'y pagka-excite ko na naman. Let's say na, I want to see his smile again bago ako umalis dito sa isla. Mamimiss ko 'yon for sure.

"Sydd.. Matagal-tagal na rin tayong ganito. Are you sure you don't want your girlfriend to break up with you?"

Para akong naestatwa sa aking narinig ng mabuksan ko ang unit nya. Ang boses na 'yon. Boses ng isang pamilyar na babae. Ang boses na 'yon ay nanggagaling sa kwarto ng taong tanging pinagkakatiwalaan ko sa tana ng buhay ko.

"Can't we just not talk about that anymore? Nakakasawa na ang topic na 'yan, Daisee. Let's just enjoy this night na wala ang babaeng 'yon."

Napahawak ako sa aking bibig gamit ang dalawa kong kamay dahil sa sobrang gulat. Napakagat ako sa aking labi habang pilit na pinipigilan ang hapdi na aking nararamdaman ngayong mga oras na 'to. Gustong-gusto kong magwala at sugurin ang dalawa sa kwarto na tinutulugan ko at hambalusin sila ng todo, ngunit hindi.

Hindi ko kaya, dahil mahina ako.

Alam ko nang nangyayari ito sa simula't sapul pero pilit pa rin akong nagbibingi-bingihan at pilit na sinasabi sa sarili na mahal nya ako. Na hindi totoo ang mga nakikita ko dahil malabo ang mga mata ko. Na hindi totoo ang mga naririnig ko dahil sa may nakabara nang tutuli sa tenga ko. Na hindi ko maramdaman dahil alam kong manhid nako.

Ang sakit. Pero tangina nakakasawa 'yung magpanggap na ayos lang ako kahit ang sakit-sakit na.

Lumapit ako sa kwarto at agad na binuksan ito bago dinama ang sakit ng mas matinde pa ng makita ko kung ano ang posisyon nila ngayon sa mismong kama kung saan akala ko ay mahahanap ko ang kapayapaan. A peaceful life with this cruel world? Not bad. But impossible.

Nabigla sila sa aking presenya ngunit hindi pa rin sila gumalaw ng kahit isa manlang sentimentro na mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ko ngayon. Gusto ba talaga nila akong saktan ng ganito? Kasi sa aking palagay ay oo. Pero tangina lang, bakit ang sakit-sakit talaga?

"D-Demonica, I can explain.."

Bakit mas lalong lumalim ang aking kalungkutan sa aking narinig? Siguro dahil sa kadahilanang ang laki-laki nyang sinungaling. Huling-huli ko na sila, ngunit nagkakaila pa. Ang sakit lang do'n ay bakit kailangan nya pang magsinungaling sa isang bagay na ako mismo ang nakakakita at nakakaramdam sa simula't sapul palang?

Pinilit kong hindi umiyak sa harap nila at tumingin ng diretso sa mga mata ng lalaking hindi ko na talaga kilala sa mga oras na 'to bago binigyan ito ng malutong na sipa sa kanyang pag-aari na ikinabigla nilang dalawa. Ngumisi muna ako sa mga basura bago sila nginitian.

"You know me. Ayoko ng drama kaya masyado nang cliche kung sasampalin ko ang ahas," taas-noong saad ko. "Hindi naman malalandi 'tong jowa ko kung hindi sya magpapalandi, so why not try something new?"

Captivated by her, Demonica.Where stories live. Discover now