Kabanata 12

51 10 6
                                    

Yuki

"Dainna! Dainna?! Nasan ka?!"

Napasinghap ako ng hangin ng mabilis na bumungad sa akin si Dainna nakasalampak sa sahig habang naliligo sa sarili nyang dugo.

"D-Dainna!" Mabilis akong tumungo sa tabi nya at tinignan kung humihinga pa sya, at napabuga ako ng malalim na hininga ng malaman
kong humihinga sya.

Tinignan ko ang mukha nya at mas lalo akong nanghina ng makita ko kung gaano ka-putla ang mukha nya. Hinawakan ko ang pisngi nya at nanginig ng maramdamam kong hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ng dugo nya mula sa hita nya.

Damn. This is all my fault.

"Yuki... Putangina mo." Alam ko na kung bakit sya nagmura.

Nakapikit ang mga mata nya habang payapang hindi iniinda ang tama nya sa kanyang hita. Gusto kong matuwa dahil alam kong kahit paano ay ayos lang sya, but I can't,

Tumayo ako dala-dala ang walang malay na mapapangasawa ko patungo sa kwarto ko. Hiniga ko sya ng dahan-dahan habang malakas paring kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako. Ayokong mangyari ulit 'yung dati.

"Hold on, Dainna. It will not end up like this." Bulong ko habang hinahanap ang mga gamit ko sa tuwing nasusugatan ako. Nang mahanap ko na ay agad akong nagtungo sakanya ay ginamot ang natamo nya sa pang-iiwan ko sakanila.

"I'm sorry, nasasaktan ka na naman ng dahil sakin."

Naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi ako umalis para siguraduhing ligtas si Cloud, hindi ba mangyayari ito? Kung hindi ba ko umalis, hindi muli masasaktan 'tong babaeng 'to?But I cannot change the fact; She don't deserve me.

Habang ginagamot ang tama nya ay nabigla ako ng maramdaman ko ang malamig na palad sa akin kaliwang kamay. Agad akong napatingin sakanya at I sighed in relief ng makita kong nakangiti sya, and at the same time, nagagalit.

Nawala ang ngiti nya ng makita nya kong nakatingin sakanya ng

malamig at nagtanong. "B-Bakit? A-Anong problema-"

"Bakit nagagawa mo parin ngumiti kahit alam mong nasasaktan ka na, Dainna?" I interrupted na kinabigla, but my expression didn't changed.

Tinapos ko ang pagbebenda sa hita nya at lumapit sakanya.

Nakatingin sya sa akin, gaya ng tingin nya noong unang pagkikita namin. Tinignan ko sya ng seryoso bago sinabi ang dapat sinabi ko na nood pa.

"Dainna, ayoko na." Inaasahan kong magagalit sya, ngunit hindi

kaya nagpatuloy ako. "I really can't take this anymore. Hindi ko na kayang makita kayo na nasasaktan dahil sa akin. Eto ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko nang bumitaw. Nasasaktan na kita!"

"Nasasaktan ko na 'yung taong mahal ko." Bulong ko bago yumuko.Inaasahan ko ang sunod-sunod na pagmamakaawa nya ngunit nabigla ako ng bigla nyang sinambit ang mga katagang hindi ko inaasahan mula sakanya.

"Ang duwag-duwag mo, Yuki."

Natahimik ako sa sinabi nya. Duwag? Not even my mother told me that I am one. Paano? I mean, paano ako naging duwag kung ilang beses na kong nakapatay ng mga taong dapat maitawag na duwag?

Tumingin ako sakanya ng seryoso at tatanungin na sana sya ng mabilis nyang dinugtungan 'yon.

"Ang duwag-duwag mo. You cannot understand what is this, what kind of feeling is this. Hindi mo ba ko naiintindihan, Yuki? I'm doing all of this for you! Kaya gusto kong protektahan ang lahat ng taong mahal mo dahil gusto kong malaman mo na nandirito pa rin ako." Singhal nya bago umupo ng maayos, hindi pa rin pinapansin ang nakabenda nyang hita. Naga-alala ako sa wala. She's damn tough.

Captivated by her, Demonica.Where stories live. Discover now