"No dad. I took care of it already. Naawa lang ako doon sa mga designers sa opisina. Apat na beses ng inulit-ulit yun para sa kanya pero makulit pa rin. Kesyo nagbago daw ang isip ng asawa niya. Tapos sa susunod naman pinadagdagan pa ng kung anu-ano. Tapos kanina gusto daw nitong palitan ang buong slogan. Mauubusan na ng dugo ang team Miñoza sa kakapuyat para lang maipakita sa kanya the following day. Mabuti na lang at hindi pikon ang team leader nila. Kaya lang today mukhang napikon na yata." Naiiling niyang kwento sabay turo sa taas.

Sabay-sabay pa silang tumingala sa second floor ng bahay. Si Brielle ang tinutukoy ni Siege. Ito kasi ang CEO ng media advertising agency, ang kompanya na pag-aari ng mga magulang nito dati na ipinasa na ngayon kay Brielle.

"Sige na akyatin mo na at bago ipanganak yang kambal mo ng nakakanganga dahil kanina pa yata naghihintay yan ng pinabibili niya sa iyo." Sabi naman ng nakangiting ina sa kanya na ikantawa naman ng kanyang ama. Muntik ng mapaubo si Ethan sa kapilyuhang nakikita sa mukha ng ama. Eto na naman po sila sa kulitan nila. Sabi ng isip niya. Napailing na lang siya.

"Hon, naniniwala ka pa rin ba sa mga ganyan?" Natatawang tanong ng ama sa ina niya. Siniko ang asawa.

"Okay, Mom, Dad. I got to go upstairs bago pa ako bugahan ng apoy ng aking baby dragon." Napatawa ng malakas ang kanyang ama sa kanyang biro na bigla namang natahimik dahil siguro nasiko uli ng kanyang ina.

"Good night, anak. Kami na ng Daddy mo magla-lock ng pinto." Kumaway na lang siya patalikod at tuluyan ng pumaakyat.

May kadiliman na ang kwarto niya. Malamlam ang ilaw na nakalagay sa nightstand sa tabi ng kanilang higaan. Tinitigan niya ito. Wala pa ring pinagbago ang ganda ni Brielle. Mas lalong umangat ang ganda nito ngayong nagbubuntis. Nakakatuwa kasi hindi nito ikinahihiyang magmarcha sa kasal nila na may kalakihan na ang tiyan. Napangiti siya ng maalala ang simula nito.

Maloko din naman kasi itong girlfriend niya eh. Di pa naman sana ito magbubuntis pero dahil sa kakulitan nilang dalawa ay ayan, nauna pa ang honeymoon kesa sa kasal nila. Pero wala na ring nagawa ang mga magulang nila dahil naka-set na rin naman ang kanilang kasal matagal na. At nakikita naman ng mga ito na mahal na mahal nila ang isa't isa.

Isang linggo na lang at ikakasal na siya sa nag-iisang babaeng pinangarap niya. Biro mo, high school pa lang, sila na. Kahit na marami ang sumubok na sirain sila ni hindi sila natinag. Maraming lalaking sumubok na siraan si Brielle sa kanya sa akung anu-anong mga kalokohan nila na kesyo naikama na raw ito ng isang varsity player ng basketball team, kesyo hindi lang siya ang kaisa-isang boyfriend ni Brielle dahil marami pa.

Meron pang nagsasabi na may sugar daddy daw ito na naghahatid-sundo sa kanya kapag wala siya. At sa tuwing ganito ang mga nangyayari ay nagkakatinginan na lang sila dalawa at bigla na lang tatawa na mas lalong ikinainis ng iba, lalo na ng mga kababaihan.

Mas lalong ikinagagalit ng mga ito ang mga reaksyon nila kaya nahuhulog na lang sa wala ang mga paninira nila. Wala na rin naman silang magawa dahil hindi nila kayang tibagin ang tambalang Ethan at Brielle.

Ang hindi alam ng lahat, iba nakapag silang dalawa na lang ni Brielle. Nagbi-breakdown at iiyak ito ng iiyak. Bilang kasintahan, wala siyang magawa kundi magpapakatapang, magpapakatatag para sa kanilang dalawa at hayaang iiyak nito ang lahat ng galit at sama ng loob at siya nasa tabi lamang nito hanggang sa makatulog na si Brielle sa pag-iyak.

Maraming ding mga schoolmates nila ng mga babae ang gumawa ng ganun pero ang nakakatawa sa lahat may question and answer portion pa si Brielle na nakahanda. Kung hindi siya nagkakamali ay meron sigurong 40 questions o minsan higit pa. At lahat ng iyon ay walang tamang sagot, panghuli lang kung totoo talaga ang sinasabi ng mga ito, ganun din naman siya. Meron din ganun pero hindi kasing dami ng katulad ng kay Brielle. At sa bandang huli, iiiyak na lang Brielle uli yun sa kanya. Matapang si Brielle kung kailangan, pero iyakin din ito.

Since You've Been Goneحيث تعيش القصص. اكتشف الآن