Chapter 54: Never/End

Start from the beginning
                                    

"wag ka na magsorry... kasalanan naman talaga namin yun ng barkada ko.. and naging mali kami sa parteng yun.. sorry Lydia" sagot nya sakin at nangiti naman ako...xD Natatawa kase ako dahil hindi ako sanay sa gantong dramahan

"basta okay na tayo ha.. sorry....." sabi ko sa kanya at napahawi ako ng bangs dahil ang lakas ng hangin..xD sakto namang dumating si Harold at sabay kaming napatingin sa kanya

"okay na kayo?" tanong ni Harold sakin at tumango si Michelle na nakangiti at ako napangiti lang..xD

"aalis na kami.." paalam naman ni Harold na bitbit ang bags namin

"Oo sige.. mag-ingat kayo ha! thank you sa pagbisita nyo ulet dito... babalik kayo ha!" natatawang sagot ni Michelle at kumaway na kami at naglakad paalis..

Ang sarap sa feeling na this time.. aalis kami sa lugar na to ng maayos.. Nang may malay ako sa nangyayare..xD

Siguro nga nangyare lang tong bagay na to, na sadyang napunta ulit kami dito para itama yung pagkakamali namin noon.... at sana pagdating rin namin sa Manila.. Tama na rin ang mangyari..

Kabadong kabado ako habang nakasakay kami ng Jeep >.<Malapit na kasi kaming bumaba sa tapat ng subdivision namin. Ang higpit lang ng kapit ko sa kamay ni Harold.. pero biglang hinigpitan rin nya ang hawak pero ginaanan ulit, Napatingin tuloy ako sa kanya

"wag kang kabahan sira" sabi nya sakin at lalo pa ko napahinga ng malalim -___-

"panong di ako kakabahan.. Ang laki ng kasalanan ko kay Mama... Di ko nga alam kung tatanggapin pa nya ko e" sagot ko habang nakaiwas ng tingin kase nakamataray look ako na ewan. Dahil siguro sa pagod

"sira ano ba tingin mo kay Mama?" tanong nya sakin at napatingin ako sa kanya

"alam ko natanong mo na sakin yan noon e... tapos ayun nga.. Ang tapang ni Mama na talagang natiis nya tayo" sagot ko sa kanya at natawa sya tuloy ginulo ang buhok ko gamit ang isa nyang kamay >.<

"wag ka kaseng ganyan mag-isip sa kanya.. Lumaki ka nga ng sobrang baet sayo ni Mama e" sagot nya sakin at nakonsensya tuloy ako sa mga pinag-iisip ko >.<

"malapit na tayong bumaba kaya maghanda ka na" sabi nya pa sakin at bumitaw sya sa kamay ko para bitbitin yung mga bag namin at ginawa ko nalang kung ano sinabi nya. Maghanda.

*DIIIIING DOOOOOONG*

"hooooh" napahinga ako ng malalim at narinig siguro ni Harold kaya napatingin sakin at hinawakan ang kamay ko

"ikaw parin ang baby ni Mama, sigurado ako" sabi nya sakin at feeling ko naiiyak na ko kaya kinagat ko nalang ang lower lip ko para mapigilan yun at binuksan na ni Harold ang gate at pumasok na kami..

Habang papalapit palang kami ng pinto ay bumukas na yun.. Kabado agad ako at wooo! Si Kuya Jayson ang lumabas at nanlaki ang mata nya nang makita kaming dalawa

"Eto na pala ang nagtanan" nangiti bigla ako nang ngumiti na si Kuya Jayson at nagmadaling lumapit sakin saka ako niyakap TT__TT iyak na agad ako ng iyak sa kanya palang

"atteeee" speechless talaga ako habang yakap nya ako pero bigla nya akong kinutusan >.<

"luka luka ka rin talaga no? kung kelan lumaki ka saka ka naging pasaway!!" pagalit nya pa sakin pero yumakap lang ako ng mahigpit sa  kanya at sinubsob ang mukha ko sa balikat nya..

napadilat ako at naabutan ko si Kuya Earl na nakatayo sa pinto at kausap na pala si Harold

napabitaw na ko sa pagkakayakap kay Kuya Jayson at napako ang tingin ko kay Kuya Earl.

"Kuyaaa" tawagko sa kanya at napatingin sya sakin.. naghalf smile sya na parang may ichurang nananakot pa TT__TT

"pasok ka sa loob.. kakausapin ka ni Mama" sabi nya sakin at mas kinabahan ako at iyak lalo ako.

UnconditionalWhere stories live. Discover now