Chapter 6:

4.5K 43 3
                                    

10 pm na... pero wala parin sya... -___- lumabas ako ng kwarto ko at paglabas ko naabutan ko si Harold na parang magnanakaw na pumapasok sa kwarto na -_- pero napatingin sya sakin, nagulat pa

"Lydia.. gising ka pa?" mahina nyang tanong, tumango lang ako tapos dahan dahang lumapit sa kanya.. madilim lang ngayon dito

"kauuwi mo lang?" tanong ko sa kanya

"oo... napahaba inuman e, nahihilo pa ko" sagot nya

"sige.. magpahinga ka na" malamig kong sagot

"ge.. goodnight" sagot nya at hinila ang ulo ko saka hinalikan sa noo.. pero after nun pumasok na sya ng kwarto nya.. iniwan nya lang ako dito sa labas.....

Badtrip na badtrip ako, tapos nakaasign pang maglinis sa library! nakakabwisit na araw to!

"Hoy Lydia! kanina mo pa nililinis yan wala ng alikabok jan! dito marami oh?!" bigla akong kinabig ni Marie >.< nakita ko yung shelf na pinapagpagan ko ng alikabok wala na nga, lumipat naman ako sa kabila..

"iniisip mo parin yung kahapon no?" tanong sakin ni Marie.. di ako kumikibo.. kahit ang lumingon >.<

"Hi Lydia" biglang may babaeng bumati sakin, napatingin ako sa kanya, O___O ito yung girlfriend ni Harold ah?! anong ginagawa nya dito?!

"Hi... nandito ka pala" sagot pa nya sakin.. tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, napansin siguro nya kaya napatingin sya sa sarili nya at ngumiti sakin

"diba ikaw nag kapatid ni Harold?" tanong nya sakin, tumango lang ako

"ako nga pala si Tiara (inaabot nya ang kamay nya)" pakilala nya.. tinignan ko ng masama ang kamay nya.. saka ako tumingin sa mukha nya at masamang masama ang loob na iabot ang kamay ko >.<

"nakita lang kita dito kaya dinaanan na kita.. kumuha lang kase ko ng books na kaylangan ni Harold sa research nya" sagot pa nya sakin at nun lang ako napatingin sa mga books na dala nya, puro science

"nasaan sya?" tanong ko sa kanya, unang beses na sumagot ako sa kanya

"nasa laboratory sya ngayon.. excuse kase sya sa lahat ng klase namin kaya doon sya ngayon maghapon.." sagot pa ni Tiara

"oh sige na.. mauuna na ko^___^ hinihintay kase ni Harold to.. bye" ngumiti sya sakin at tumalikod na

aakmang susundan ko na sya pero pinigilan bigla ako ni MArie

"huy san ka pupunta?!" gulat na tanong ni Marie

"kaylangan ko syang sundan" sagot ko sa kanya at bumitaw sa pagkakahawak nya pero hinawakan ulit nya ko

"sira! baka hanapin ka ni Ma'am at akalaing tumakas ka!" sagot nya sakin 

"hayaan mo na ko.. sabihin mo nag-CR o kung ano!" sagot ko sa kanya at mabilis na bumitaw sa kanya at sinundan si Tiara

"teka sasama ako!"

"Kia pahawak muna oh" narinig kong paalam ni Marie at tumakbo sya para sundan ako

nakita kongpumasok si Tiara sa laboratory at agad naman akong tumakbo papunta sa pinto at mula sa bintana nakita ko silang dalawa..

busy na busy si Harold sa pagtingin sa microscope, pero nung dumating si Tiara nagawa nyang tumingin kay Tiara at nakausap pa sya... halatang masaya si Harold, sa ngiti palang nya.. inakbayan nya si Tiara pagkaabot ng libro at si Tiara naman tumingin sa microscope...

napayuko nalang ako sa nakita ko... ang sikip sikip ng dibdib ko... hindi ako makahinga ng maayos.. naramdaman kong hinawakan ni Marie ang balikat ko.. pinipigilan kong umiyak pero ang hirap >.<

UnconditionalWhere stories live. Discover now