Chapter 30:

2.7K 26 5
                                    

dahil medyo naiinis ako. Go! HAHAHAHA

---------------------------------------------------------

"Do you a favor? Nababaliw ka na... wala akong ginagawang masama kaya hindi mo ko mabablack mail" matapang kong sagot at tumalikod na ko pero

"Hindi ba masama sa paningin mo ang pakikipagrelasyon sa kuya mo? Si Harold?"

O_____O agad akong napalingon sa kanya at iniharap nya sakin ang cellphone nya.. Kami nga ni Harold ang laman ng picture..

tinignan ko na sya derechahan sa mata nya.. sa totoo lang gusto ko nang lupaypayin sa palo itong mokong na to! wala lang akong magawa dahil may hawak syang ikakasira ko!

"Ano ba yang lintek na favor na yan?" nagngangalit ang ngipin ko sa inis! pero kaylangan kong magpigil para hindi ako maeskandalo dito sa school

"labas tayo  bukas.... ipapasyal kita" sagot nya sakin na parang may malaking bato na bumagsak sa ulo ko

Lalabas?! Nananakot sya para lang lumabas kami? Ano to? gaguhan lang? aningan??

"Lalabas?... Ano ako aso para ipasyal mo? Timang ka ba? Manbablackmail ka para lang makipagdate ako sayo? Tigang ka ba at ganyan ka?" Nakakainsulto man ang sinabi ko pero deserve nya yun!

"Buti nga iyun nalang ang binibigay ko sayong favor e... so mamili ka...." sagot nya sakin na parang nakakaloko lang talaga ang ichura.. This time hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis e -__-

"baliw ka na... may pasok bukas.. ibang araw nalang" sagot ko sa kanya

"aabsent.... madali lang naman yon diba?"

"Bahala ka sa buhay mo!" sagot ko sa kanya at tumalikod na ko

"Bukas.. 3pm sa harap ng Waltermart. hihintayin kita doon" sagot nya sakin at nang titignan ko na sya ay naglalakad na sya palayo sa akin...

~~

Grabe!! Mababaliw na ko kakaisip!!! 2:45 na nasa bahay pa ko! Ayokong tumayo dito sa upuan sa study table ni Harold... Hindi ako aalis dito!!! Nagpaalam naman ako kay mama na hindi ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko...

Pero ewan kooo..... naghihintay kaya yung ungas na yun?

Bakit ba naman ba kase kaylangan may makakita pa non!!!! Ang layo layo na nga may nakakuha pa ng picture!!! Leche!!!

Hindi ko na namalayan ang sarili ko na papalabas na pala ako ng bahay -__- nakapambahay lang ako halos, tokong na maong at long sleeves na plain white na damit. Di naman kami magdedate ng gusto ko kaya hindi ako mag-aayos

Kabadong kabado akong naglalakad papunta sa main entrance ng Mall... lintek.. san kaya banda yung gago na yun? Tinignan ko ang relo ko pero 3:25 na e... siguro hindi na nag-abang yun.. Makauwi na nga

Nang pagtalikod ko sya ang bumungad sa paningin ko.. papalapit sya sakin at derechong nakatingin sakin.. Lintek.. hindi ako nagagwapuhan sa kanya dahil mayabang sya at salbahe sya!

"akala ko hindi ka na darating.." sabi nya paglapit nya at sumusulyap pa sya sa paligid.. ako nakayuko lang

"Ano nang gagawin?... Siguraduhin mong buburahin mo ang picture pagkatapos nito.." malamig kong sagot sa kanya

"Tara pasok na tayo" sagot nya sakin at sumunod nalang ako...

Hindi ako mangiti ngiti kahit anong oras... hindi naman kami nag-uusap ng matino.. puro pambubuli at pintas lang naririnig ko sa lalaking to!

pandak, maliit ang boobs, tingting ang katawan sa payat, luwa ang mata.. Peste!! Pangit na pangit sya sa ichura ko!! Pero di ko na pinapansin dahil wala naman kwenta kung papansinin ko!

UnconditionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon