Kinagabihan lumabas ng kwarto si Harold para kumuha ng tubig.. at paglabas nya nakita nya si Lydia na nakaupong mag-isa sa balcony nila...
"Lydia bakit hindi ka pa natutulog?"
nagulat ako at napalingon mula sa likod ko nung may tumawag sakin >.<
si Harold? hmp! tumalikod agad ako nung nakita kong sya pala! hindi rin ako sumagot pero nararamdaman kong papalapit sya sakin.
Bigla nya kong kinalabit pero di ako lumilingon
"hoy.. gabi na oh... 11 na di ka parin tulog" sabi pa sakin ni Harold, pero hindi ko pinapansin
"Lydia para kang bata" sagot pa nya >.<
"bakit ganon.. (kunyare walang tao) may naririnig akong boses pero ako lang naman mag-isa.... haaaaay siguro may masamang hangin na dumaan!" parinig ko sa kanya at tinuloy ang paglalaro ng angry birds sa ipod >.<
"tsss.. galit ka no?" tanong ni Harold..
"pwede ba! dun ka na! dun ka sa Cheska mo!" sagot ko sa kanya na nakakunot pa noo sa inis >.<
"sus! ayan ka nanaman e diba napag-usapan na natin yan?" sagot nyang nanlalambing ang boses
"Harold... alam mo naman ayoko dun sa babaeng yon! tapos pinagalitan mo ko sa harap nya?! di mo na naisip yung mararamdaman ko!" sagot ko sa kanya nung nilingon ko sya at agad din akong tumalikod.. nakaupo lang kase ko tapos nasa likod ko sya nakatayo
"bakit ba kase galit na galit ka don?!" tanong pa nya
"ayko sa kanya!! di mo ba nakikita?! ang arte arte nya kala mong napakabaet pero halata naman na nagpapacute lang sayo!" sagot ko
"Lydia mabait naman yun ah?"
"sa paningin mo mabaet kase syempre! alangan naman pakita non totoong baho nya kung may gusto sya sayo... halatang halata kayang nagpapapansin lang yun sayo"
"pano mo naman nasabi?"
humarap ako sa kanya kahit nakaupo ako
"babae ako kaya alam ko mga paporma pormang ganyan.. kaya maniwala ka sakin.. may gusto yang Cheska na yan sayo at pustahan man! di magtatagal itatanong na nya kung gusto mo rin sya!" sagot ko at tumalikod na ko
"sus! si bunso! (bigla nya kong niyakap mula sa likod >.< ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa tenga ko =_=) hayaan mo na kase yun.. eh wala naman akong gusto dun kaya di mo magiging bayaw yun" pabirong sagot nya sakin
"sa susunod ha?! babatukan na kita pag ako pinahiya mo pa!" sagot ko at ibinitaw ko yung pagkakayakap nya at tumayo
"matutulog na ko" sagot ko sabay lakad pero pinigilan pa nya ko
