Chapter 42:

2.3K 19 15
                                    

Sino ba ang nagsabi na madali lumimot?? Pakidala dito at mapatay!!!

Halos 5 years ang lumipas.... Ang tagal no? Pero oo.. Nakamove on naman ako pero di ganun kadali... Sa tagal ba naman ba nayon?! Oo 3 years di ako naging okay.. pero sabi nga lahat ng bagay nadadaan sa oras....

Pagbaba ko ng hagdanan naabutan ko si Mama na may kausap sa phone.. nakatayo lang sya sa sala... Umaga pa lang kasi kaya magkakape ako... Aalis pa ko mamaya para maghanap ng trabaho

-___-

Nafired kasi ako sa dati kong pinagtatrabahuhan dahil sa sobrang daming late..

Habang naglalakad ako di ko naiwasang marinig mga sinasabi ni Mama

"Talaga?! Oo anak pagbutihan mo lang! Siguraduhin mong isasama mo yan pag-uwi mo ha!... magpapawelcome party ako pag-uwi nyo next week" sagot ni MAma sa kausap nya at natigilan ako habang hawak yung pitchel ng tubig...

Alam ko na kung sino kausap ni Mama.. Sino pa ade si Kuya Harold...

hindi ko nalang pinansin at tinuloy ko na ibuhos ang tubig sa baso

"Osige nak.. ingat kayo dyan ni Papa ha!! Congratulations!! I love you!!.. osige sige.. see you next week" sagot ni Mama tas narinig kong humakbang na sya kaya napatingin ako sa kanya.. Napatingin rin sya sakin pagbaba nya ng phone call

"Oh Lydia.. Goodmorning" bati nya sakin at papalapit na sya

"Good morning rin ma... sino yun?" tanong ko sa kanya na kunyari di ko alam kung sino yun

"Ah.. kuya Harold mo.. Gumraduate na... may kuya ka nang doctor" Nakangiting sagot ni Mama... At kaylangan ko ulit magpanggat

Ngumiti ako ng bongga.. na talagang masayang masaya ang mukha ko

"Talaga ma?! Ade sosyal na si Kuya.... May anak ka nang doctor" Nakangiti kong sagot tas nangiti rin sya.. Biglang parang natauhan ulit si Mama

"May isa pa pala akong ibabalita" nakangiting sagot ni Mama

"Uuwi na sila sa isang araaaaw.. at!! Dala dala ang fiance nya" 

O____O

Para akong tangang nawala yung ngiti sa mukha ko... Pero pinilit kong matawa..

"Fiance??? Si Kuya magpapakasal na?" Sagot ko sa kanya habang unti unting dumidiin ang hawak ko sa baso

"Oo... buti nga at may nakilala na ang kuya mo.. classmate nya sa school... at ayun! Pareho pa silang doctor" kwento pa ni MAma

"Wel thats good for him!.. Good news nga talaga yan sa umaga" sagot ko sa kanya at tumalikod na ko para ibalik yung pitchel sa ref at nagtuloy palayo na ko

"Oh nak may lakad ka ba ngayon?" pigil ni Mama at napahinto ako bago umakyat ng hagdanan

"Yup! Hahanap ng work.. alam mo na" Nakangiti kong sagot sa kanya

"Okay sige sige... pag-igihan mo anak... Good luck" nakangiting sagot ni MAma sakin...

"Syempre! Thanks! I love you!" masaya ko ring sagot at umakyat na ko sa second floor

Bago ko buksan ang pinto ng kwarto ko... napahinto nanaman ako...

Naalala ko lang ang kwento sakin ni mama kaya napatingin ako sa kwarto ni Harold.. Wala naman akong hard feelings na nararamdaman pero wala ring emotion ang lumalabas sa mukha ko... per kusang pumigil ang sarili ko at napatingin sa pinto ng kwarto nya... ni Harold...

Alam ko naman na nakalock ang pintong yun... 5 years na na nakalock....

Simula kasi ng umuwi ako dun.. hindi na nabuksan ang kwartong yun...

UnconditionalWo Geschichten leben. Entdecke jetzt