Chapter 54: Never/End

2.7K 50 22
                                    

"pagdating natin ng Manila..... Magpakasal na tayo"

Napabangon bigla ako tuloy yung baba nya nauntog sa braso ko..xD Nanggugulat kasi e!

naupo kaming dalawa na magkaharap sa higaan.. oh my God.. isip ako ng isip!! >.<

"p-pero pano tayo magpapakasal.. nakalagay sa papeles natin magkapatid tayo" nakasad face kong tanong sa kanya pero tiningala nya ko at hinarap sa mukha nya.. nakatitig sya sakin *__*

"wag mo na isipin yon.. ako na bahala dun.. basta uuwi  tayo ng Manila at aayusin ko kasal natin.. Para di ka na rin nagseselos, para di ka na natatakot" sagot nya sakin na nakangit.. napangiti tuloy ako..xD di ko alam kung ano ang isasagot ko grabe lalo na nang bigla nya akong hinalikan at naramdaman kong magiging maayos rin ang lahat bastat wala samin ang bibitaw...

Kinaumagahan bago kami tuluyang umalis sa lugar na yun.. dumaan muna ako sa bahay ni Joseph.. Di ko kasama si Harold dahil sa taniman naman sya dumerecho.. at pupuntahan ko nalang sya sa taniman pagkatapos ko magpaalam kay Joseph..

Pumasok na agad ako sa malaking pinto dahil wala namang tao sa labas e >.< 

ganito naman talaga lagi sa bahay na to.. bukas na bukas para sa lahat..

Nilig ko ang tingin ko para mahanap si Joseph pero di ko sya makita TT___TT nahihiya na tuloy akong pumasok pa ng husto sa bahay na to pero natigilan ako nang my narinig akong tunog ng sapatos na galing sa pinasukan kong pinto at pagtingin ko, si Joseph na

"Hi Joseph" bati ko sa kanya at naglakad sya papalapit sakin

"anong ginagawa mo dito?" kampanteng tanong nya sakin at ngumiti ako habang napatingin sa damit nyang puti... balik tingin sa mukha nya

"magpapaalam lang ako.. aalis na kasi ako. Pupunta na kaming Manila" sagot ko sa kanya at napaiwas lang sya ng tingin pero binalik rin agad nya

"okay.. sige. Mag-iingat kayo pag-alis... Next month pa ang alis ko dito e" sagot nya sakin at nagngitian kami..xD

"Thank you talaga ha.. thank you sa pag-alaga sakin dito.. napakalaki ng utang na loob ko sayo" sagot ko sa kanya at kahit nagdadalawang isip akong gawin to.. ginawa ko na para maiexpress ko parin na talagang thankfull ako.. Kinuha ko ang kamay nya at marahang piniga...

"thank you" sabi ko sa kanya at dahan dahan ko nang binitawan ang kamay nya saka naglakad paatras at tuluyan na akong tumalikod....

Pagdating ko sa taniman ay naabutan kong nakatayo lang si Harold sa tapat ng kubo kasama ang mga barkada nya... Kahit na ayokong lumapit dahil medyo alangan talaga ako sa kanila.. wla akong choice no! kaylangan kong lumapit para ayain na syang umalis

Paglapit ko ay napatingin agad sila sakin.. Si Harold naman naalerto

"Ayan na pala.. aalis na kami" sabi ni Harold sa mga kasama at tumayo naman ako sa tabi nya. Napatingin sya sakin

"kukunin ko lang yung gamit sa loob" sabi nya. Ibig nyang sabihin ay nasa loob ng kubo ang gamit namin..xD tumango lang ako sa kanya at ngumiti, sabay naman ng pag-alis nya at naiwan ako dito at si Michelle ay nasa harap ko lang. di ko alam kung bakit di pa sya umalis kasabay ng mga kabarkada nya.. pero napaisip ako na oras na siguro para magkausap kami??

"Michelle" tinawag ko sya at napatingin naman sya sakin ng nakangiti pero saktong ngiti lang na pagbati

"ano yun?" tanong nya sakin at humakbang sya papalapit

"ano.... alam ko, masyadong awkward ang ginawa ko last na nagkita tayo.... pero ang unfair naman kung hindi ako magsosorry sayo bago manlang ako umalis.. Ikaw pa nagwelcome sakin nang pumunta ako dito" sabi ko sa kanya kahit may halong hiya, awkward parin, at  guilt. Di naman sa dahil natanggap ko sa sarili ko na wala syang kasalanan.. Ang sakin lang ay to clear my part.

UnconditionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon