Chapter 33:

2.7K 28 14
                                    

"Halord!!! Bumalik ka dito!!!" Sigaw ni Mama pero parang hindi nakikinig si Harold.. sige lang sya sa pagkaladlad sakin palabas sa bahay

"Harold sandali! Ano bang ginagawa mo?! Si Mama!!" Baka mapaano si Mama sa ginagawa namin TT___TT

Biglang huminto si Harold nang makalagpas kami ng konti sa bahay...

"Lydia.. kung hihintayin pa natin na si Papa ang gumawa satin ng paraan para matigil to talagang wala na tayong magagawa... ano? Sasama ka ba o hindi?" matapang na sagot ni Harold sakin.. hindi ko alam ang isasagot.. paano na si Mama?!

"Si Mama..." 

"Wag ka mag-alala kay Mama.. nandyan sila Kuya... Ano? Sasama ka ba? Dalian mo na!"

"oo!! Eto na! sasama na!" sagot ko at hinila na nya ulit ako

Lakad lang kami ng lakad.. hawak hawak rin nya ang phone nya. ewan ko kung san kami pupunta pero huminto kami sa tapat ng puregold at ayun... gagamit pala sya ng ATM...

"Harold may ATM ka na?" Tanong ko sa kanya

"Oo... bigay nila Papa nung nasa Oxford ako" sagot nya sakin habang busy sa paggamit... Nag-aabang naman akong nakatayo dito sa likod nya.. nang lumingon ako nagulat ako sa nakita ko >.< ang dami nyang pera na nilabas

"Teka.. magkano yan?" tanong ko sa kanya

"Basta.. ako nang bahala... natext ko na sila Kuya... nasa bahay na daw sila tinatanong kung ano nangyare pero di ko na muna nireplyan.. tara aalis na tayo" sagot nya sakin at hinawakan nya ang kamay ko

"Harold"

Tumingin agad sya sakin

"sigurado ka na ba dito?" Tanong ko sa kanya at hindi sya sumasagot

"naiisip ko rin mali e... pero mas mali yung gagawin nila satin.. ano? ikaw ba? sigurado?" Sa bawat salita na binibitiwan ni Harold alam parang life and death ang pagitan... tumango ako at hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya...

Sumakay kami ng bus.. ewan ko kung saan papunta? basta kahit saan pa kami mapunta masaya na ko lalo pang ngayon.. si Harold na ang lumalaban para samin.. ipinaglalaban nya ko.. kaya hindi ako bibitaw sa kanya at lalaban kami pareho....

Nakatayo lang kami dito sa bus.. inaantok na rin ako dahil nga maghapon na akong umiiyak.. Sya nakahawak sa kapitan sa taas tas yung isang kamay nya sa upuan at dun ako kumakapit sa braso nya xD

"Ano nga pala nangyare dun sa picture? Bakit nga pala may ganun?" Tanong ni Harold sakin at tiningala ko sya para makita ko ang mukha nya

"Binlack mail ako ng ugak na yun.." Nakanguso ko pangsumbong.

"Bakit? Ano ginawa nya?" Tanong nya sakin

"Kinunan kasi nya tayo ng picture.. tas sabi nya ikakalat daw nya sa school tas kay Reiven din.. tas sabi nya lalabas lang daw kami tas okay na.. yun pala ginago lang ako ng hayop na yun" Pagkatapos kong magsumbong sa kanya tinakpan nya ng malakas ang bibig ko >.<

"Pananalita mo ha ayusin mo" sagot nya sakin tas inalis na nya yung pagtatakip sa bibig ko

"E nakakainis naman kase talaga e"

"Shhh tama na (hinila nya ang ulo ko pasandal sa dibdib nya) sa susunod wag ka magtitiwala basta basta.. mas mag-iingat ka dapat sa desisyon mo.. malaki ka na... pero wag mo nang isipin yun... tapos na rin naman" sagot nya sakin tas okay..xD nanahimik na ko

"Magiging okay rin kaya si Mama?" Tanong ko sa kanya

"Oo... matapang si Mama.. kilala ko yun" sagot nya sakin at nakinig nalang ako... naantok kase ko kaya di ko na magawa magsalita pa..xD Nag enjoy ako sa pagpatong ng ulo ko sa dibdib nya hanggang sa !@#@!$@%%&^*&^(^&T%$##$#^&*$#

UnconditionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon