Harold's POV
Kinapa ko ulit ang noo ni Lydia pero ang taas parin ng lagnat nya.. Halos 2am na ng umaga pero di parin ako nakakatulog
May naalala ako.. kya tumayo na agad ako at kinuha ko yung maliit na bag at binilang ko yung perang natitira don... malaki laki pa naman.. kasya na siguro yun pampaospital tsaka pamasahe.. Dadalin ko ng Manila si Lydia mamayang madaling araw.. Di kasi pwede ngayon dahil walang sasakyan..
"Nak mag-iingat kayo ha.. balitaan nyo kami sa mangyayari kay Lydia" sabi sakin ni Nanay bago kami umalis... Nasa loob na ng Van na inarkila namin si Lydia kasama yung kaybigan namin dito nasi Paulo
"Opo nay" sagot ko sa kanya.... Mabigat yung pakiramdam ko ngayon.. Ewan ko kung bakit pero ayokong umalis sa lugar na to kahit alam kong babalik pa naman kami...
Pagsakay ko ng Van katabi ni Lydia mahimbing parin ang tulog nya pero napakainit parin... Minsan umuubo pero hindi natitinag...
"Pare ayos na ba?" tanong sakin ni Paulo na kauupo lang sa tabi ng driver's seat.
"Oo.. tara" sagot ko sa kanya at pinaandar na ang Van...
~~~
Ilang minuto ring dinialisyst si Lydia.. at sa wakas bumukas rin ang pinto...
Tumingin saming lahat yung doctor pero nilapitan ko na sya
"Kamusta si Lydia?" tanong ko
"Nagpossitive sya sa dengue fever.. Naclassify namin yon dahil sa sobrang taas at pagbaba kamo ng lagnat nya.. may mga skin rushes din sya.. At delikado rin dahil malapit na tong madevelop into dengue hemorrhagic fever. Delikado yun dahil life-threatening na ang stage na yun... Ngayon ang kaylangan natin ay blood type na AB-... Pwede kang pumunta sa blood bank at tignan mo kung may stock pa sila ng blood type na yon"
Halos napahinga ako ng malalim.. Biglang di ko alam ang gagawin ko.. Alam ko kung anong klaseng blood type ang AB-.. Less 1% lang ng tao sa mundo ang meron nun.. pero bakit natapat lang si Lydia yun?!!
Tumingin ako sa doctor.... Di ko talaga alam kung ano ang isasagot sa kanya
"Sige doc... ano.... kayo na po bahala kay Lydia..... Hahanap ako ng ganung dugo" sagot ko sa kanya.. Blanko ang utak ko sa ngayon... Nabanggit palang nya yun sakin sigurado akong pera ang tataga samin...
"Kaylangan yon as soon as possible..." sagot nya at nagtanguan nalang kami at umalis na sya..
"Hoooo".... Ano bang iisipin ko? Teka.. Ano ba muna ang gagawin??
"Harold.. pre.. ano?" lumapit sakin si Paulo.. Di ko alam ang sasagot pero ang hirap huminga..
"Tol pwede bang samahan mo muna si Lydia dito? Hahanap lang ako ng dugo para sa kanya... kaylangan kasi e" sagot ko sa kanya at tumango sya
"Oo naman.. sige lang... ako ang bahala sa kanya.... Hanapin mo na yung hahanapin mo" sagot nya sakin.. At dahan dahan na kong naglakad..
Di ko maintindihan.. San ba ko kukuha ng pera? Pano ba nangyare samin to? -__-
hindi... Mali..
Bakit ba nangyayari samin to?
"Bakit walang laman.." nasabi ko nalang nang tignan ko ang card ko... Wala na.. -___-
Binilang ko naman ang perang hawak ko. 15 thousand? San makakarating to? Yung dugong AB- magkano? Yung bayad pa sa paggagamot kay Lydia sa ospital.. pambayad pa sa doctor at sa ospital?
napapikit nalang ako sa hirap sa kakaintindi -___-
Pinuntahan ko na yung blood bank... At Nakita ko yung isang babaeng nurse..
