Naiinis ako kay Harold... sobra! galit na galit ako sa kanya! bakit sya ganon?!
naramdaman kong biglang may naglakad sa bandang kaliwa ko,. hindi ko na nga nagawang tumingin dahil wala talaga akong lakas lumingon manlang...
naupo sya sa tabi ko.. si Marie pala.. nakatingin lang sya sakin habang ako tulala lang
"nag-away nanaman kayo?" tanong nya sakin
"pano mo nalamang nandito ako?"
"nakita kitang tumatakbo palabas sa building kanina.." sagot nya sakin..
hindi parin ako tumitingin sa kanya kase iniisip ko ang nangyayare sakin
"hindi ko na alam ang gagawin ko.. ginagawa ko naman ang lahat para mapansin manlang nya ko e, kaso tingin ko yung paglapit ko na yun sa kanya lalo pang naglalayo samin" nangingiyak tuloy ako >.< pero wala paring pagbabago sa mukha ko, naluluha lang mata ko TT___TT
"Lydia alam mo namang hindi pwede diba?" maamo nyang tanong sakin... ayun! tumulo na ang luha ko! ang sakit e!
"yun na nga eh... yun nga yung masakit sa lahat... yung kahit na anong isip ang gawin ko hindi parin pwede eh... kahit na anong pag eeffort ko para lang maging kami, para lang maging pwede, para maging posible! wala! wala akong magagawa dahil nga diba?! hindi pwede?! hanggang dun nalang yun!" TT_____TT
pinunasan ko nalang luha ko habang sya naman hinihimas ang likod ko
"Lydia kalimutan mo nalang si Harold, marami naman dyang nagkakagusto sayo e, hello?! ang ganda mo kaya, kaya imposibleng wala kang makikitang mas higit sa kanya" sagot sakin ni Marie
"hindi ko alam.... ulit ulit ko ng sinabi yan sa sarili ko no... inaaraw araw ko na nga e! kada umaga sinasabi ko na sa isip ko, hindi ko pupuntahan si Harold, hindi ako didikit sa kanya, hindi na ko magpapapansin... pero nagugulat nalang ako sa sarili ko kaharap ko na sya"
"hindi ko na tuloy alam sasabihin ko sayo e" sagot ni Marie, tinignan ko sya
"ang sakit kase eh, ang sakit isipin na nasasabi kong binabalewala nya ko kasi iniisip ko na mahalaga ako sa kanya e!! kahit hindi naman talaga!"
"Lydia! magdadramahan nalang ba tayo dito??" halata sa boses ni Marie na nag-aalala sya sakin
"tama ka, itigil na tong katangahan ko... this time, seryoso na talaga ako. ititigil ko na to, hindi na ko maghahabol para sa kanya, hindi ko na sya papansinin, ni tignan.. pero bakit habang sinasabi ko tong mga salitang to lumilitaw ang mukha ni Harold sa isip ko" TT___TT
"Lydia! wag ka na kaseng umiyaaaak TT___TT" nangingiyak na rin si Marie >.<
"eh hindi ko mapigilan eeeee TT__TT naiinis ako!!! gustong gusto ko na syang makalimutan!! ayoko na ng ganto!" sige punas lang ng luha kahit sunod sunod parin ang bagsak TT___TT
"kaya nga si Harold na ang gumagawa diba? sya na tong umiiwas Lydia, kahit hindi nya alam yang tungkol sa lihim mo siguro alam nya kung ano ang mas makakabuti sa inyo, yan ang dapat naman kase eh" sagot nya sakin
" pero kapag iniiwasan nya ko ang sakit e TT___TT feeling ko may bumabara sa dibdib ko.. hindi ko naman maalis dahil ewan koooo" T___T
"yan kase ang hirap e -_- nagkakasama kayo sa iisang bahay >.< ikaw naman kase! ayaw mo rin tulungan yang sarili mo para makalimutan sya e! manong kapag nagpaparamdam sya sa isip mo bigla mong ibahin yang iniisip mo? i mean.. pigilan mo sarili mong isipin sya, magfocus ka sa isang bagay na hindi sya makakasali! yung walang connect kay Harold" advice nya sakin..
naisip ko tuloy... kapag nasa bahay kami ako naman tong mula noon lapit na ng lapit sa kanya e, papansin na ng papansin sa kanya
"naalala ko lang Marie (kalmado na kong nakatulala nanaman habang umiiyak TT__TT) noon kase, kinausap nya ako, nagtampo pa sya kase hindi ko sya pinansin.. tapos ang ganda na ng mga usapan namin eh... kahit nga ako hindi ko alam bakit kami biglang nagkakaaway na ng ganto, oo na sige na TT___TT tanggap ko na, lumalayo na nga sya sakin" latang lata na ako :(
