Chapter 44:

2.6K 33 16
                                        

No matter what i do... i always forget to forget you...

Ang tagal grabe.. 4 o'clock na ng hapon pero wala parin silang dalawa.. Nakapangalumbaba lang ako dito sa kusina at nakakailang tubig na ba talaga ako?

Biglang bumukas ang pinto at nagkatinginan kami ni Mama..

"Hi anak! Sorry kagabi di ako nakauwi.. ang Ninang Fe mo kasi nangulit kagabi.. o kamusta na ba dito sa bahay? Ala ka bang lakad?" tanong nya sakin

"Yeah.. wala.. di pa naman kasi tumatawag yung inapplyan ko." sagot ko sa kanya

"ang Kuya Earl mo nasan?" tanong nya pa

"Ewan ko... Pero MA"

"Oh?" Tumingin sya sakin

"Si Kuya Harold andito na... kasama na yung fiance nya" sagot ko kay MAma at ininom ko yung tubig..

"Talaga?! O asan sila??" tuwang tuwang sagot ni Mama kaya ngumiti rin ako ng parang masayang masaya para hindi sya mailang sakin..

"Nagpunta daw sa lola ni Andrea.." sagot ko sa kanya

"Lydia dali at tawagan mo lahat ng kakilala nya dito.. Magpapatawag rin ako ng magluluto at sorpresahin natin.. papawelcome party na tayo dali" utos sakin ni Mama at naging aligaga na sya sa kakatawag sa kung sino sino

Ang tanging kilala ko lang namang kakilala namin noon ay.... yung mga kakilala namin sa Probinsya.. tapos sa school? Classmates nya...

Nakakailang naman kung tatawagin ko pa yung mga nasa probinsya.. ngayong di naman kami nagkatuluyan.... -____-

"Ma.." tinawag ko si Mama at lumingon sya sakin habang may tinatawagan ata

"Wala akong ibang kilala na pwedeng imbitahin para kay Kuya.. si Marie lang" sagot ko sa kanya 

"Osige ako na ang bahala..." nakangiting sagot ni MAma sakin at ngumiti rin ako at umakyat na sa kwarto ko...

Naupo nalang ako sa study table ko... Nag-iisip nanaman...

Ilang oras pa ang lumipas at nagdamihan na ang tao sa bahay.. syempre! tumutulong na rin ako sa pag-aayos ng pinggan.. 

"Lydia pakikuha muna to tas dalin mo sa labas" utos sakin ni MAma at kinuha ko ang malaking tray at nilabas...

Nandito na rin kasi yung mga classmates ni Kuya nung high school kami.. yun lang namna kasi ang malalapit.. e luka ba naman ba si Mama agad agad nagpaparty tuloy pano makakapunta yung mga nasa malalayo -___-

"Anak" napatingin nanaman ako kay Mama at kabababa lang nya ng phone

"Pauwi na raw sila malapit na" sabi pa ni Mama at tumango nalang ako.. Pagtalikod ko sa kanya napahinga ako ng malalim -____-

Nagsipasukan na kami sa loob ng bahay.... ang arte ni Mama may papatay patay pa ng ilaw.. ako naman nakikisali nalang sa kanila pero deep inside mamamatay ako... di maipinta ang mukha ko... Ayoko ng scene na to.. Na welcome na welcome si Andrea sa pamilya namin...

PERO AKO HINDI....

"Ma nakikita kaya kayo" sabi ni Harold pagpasok nila ng pinto at bukas naman ng ilaw at sigawan ang lahat ng welcome home..

Ako naman walang masabi.... kundi magfake smile lang sa kanila.. pero hindi ako nakikita ni Harold dahil busy sya sa pagyakap sa mga kakilala nya... Di namna kasi ako matinag sa kinatatayuan ko...

Tatalikod na sana ako para tumulong sa mga nasa kusina nang biglang

"Lydia!"

boses ni Mama... Nilingon ko sya at nakatingin sakin si Mama, Harold..

UnconditionalWhere stories live. Discover now