grabe! ang tagal nyang magising!! -_______-
tinignan ko ang piligid ng bahay... ang laki talaga.. pero halos naman walang pagbabago... Ano na nga kaya ichura ng taniman? Kamusta na nga kaya sila Michelle dito??
"Sir Joseph! Sir!!"
O___O nagulat ako at agad napatingin sa likuran namin at may pumasok na babae.. hala! teka sino nga ulit sya?! >.< Sya yung nagpasok sa kin sa trabaho dito na taga dala ng gulay dati
Nanlaki ang mata nya nang makita ako
"Pamilyar ka sakin iha" sabi nya sakin at napatayo ako at si Joseph naman ay nagalaw kaya nagising at napatingin sakin na nagtataka kung ano nangyayare.. napalingon na rin sya sa likod at nagkatinginan sila nung babae
"Sir?" gulat na tanong nung babae... hala? Anu kaya iniisip nito >.<
"Manang Yendang" napatayo agad si Joseph at hinarap ng maayos si Manang Yendang nga pala! Napalingon sya saglit sakin na nakatayo sa likod nya at muling tumingin kay Manang Yendang na papalapit samin
"Teka.. sino nga ulit sya? pamilyar e" pilit iniisip ni Manang Yendang kung sino ako at napatignin sakin si Joseph
"Si Lydia Manang.. yung dating dayo dito" sagot ni Joseph at aprang may umilaw sa utak ni Manang yendang..xD
"Ah!! E asan na yung boyfriend mo? Sino nga ulit yon? Harley ba?" tanong pa ni Manang Yendang at nasimangot naman ako pero di ko pinahahalata -___-
"ah.. di ko na po sya boyfriend... si Harold" sagot ko nalang sa kanya at napatingin naman sakin si Manang Yendang at Joseph
"Ano? normal lang naman yun" sagot ko sa kanila at di nalang sumagot sakin si manang Yendang at kinausap na si Jospeh
"Sir anjan na yung lechon para sa lunch mamaya.. " sabi ni Manang Yendang.
"Oh good.. sige na iset up nyo na para ready nalahat mamaya. siguraduhin mo lahat pupunta" bilin naman ni Joseph at umalis na si Manang Yerndang
"Anong meron?" tanong ko sa kanya
"Pakaen sa mga trabahador..welcome party.. para sakin" mayabang nyang sagot sakin na nangingiti pa at natawa naman ako
"So ibig sabihin umalis ka dito?" tanong ko naman
"Yup... im a doctor now"
O_____O
natameme ako sa sinabi nya... naalala ko kase si Harold.. doctor na rin kasi yun
"Oo nga pala... ano nang balak mo?"
"ha? saan?" napatrignin ako sa kanya
"Sayo.. wala na si Nanay Inez.. wala ng nakatira dun sa bahay... pero yung susi non nakay Aling Lydia.. gusto mo parin tumira don?" tanong nya sakin
"Pwede kaya?"
"Sige... kukunin natin yung susi... kaso hindi ka pa makakalipat don ngayon dahil wala pang supply ng koryente yun.. ipapaayos ko muna para sayo" sagot nya sakin at biglang talikod pero teka. bakit nya naman gagawin yun para sakin?! >.<
"Hoy teka" pigil ko sa kanya at napahinto sya at lingon sakin
"ano ka ba.. problema ko na yung koryente sa bahay na yun... wala akong tutulugan kung hindi pa ko lilipat dun" sagot ko sa kanya
"e anong ginagawa ng malaking bahay na to? Dito ka muna.. wag kang aalis"
O___O
ewan? Di ko alam mararamdaman ko pero naguguluhan ako >.<
