(23) The Talk

6 0 0
                                    

Lee's POV

"Magpa finals na. Maiintindihan naman nya yon."

"Hi mga dude!" Bati ko kila Khys at Vince na nandito sa may labas ng gymnassium.

Nilingon naman nila ako at nginitian. Hinatak agad ako ni Khys at inakbayan. "Etong lalaking to, tinuturuan ko ng leksyon. Abat nawawalan na ng time kay El? Ang rason eh yung finals." Paliwanag sakin ni Khys.

Ako naman ay tumingin kay Vince. Pero kung seryoso ako, sya naman mas seryoso kung makatingin sakin. "H-hindi nga tama yon." Komento ko.

"Oh sabi sayo eh." At marami pang sinabi si Khys. Pero hindi ko na pinakinggan yon kasi nakipagtitigan ako kay Vince. Parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ano yon at kung ano ang dahilan nun.

"Kaya magkaroon kana ng time rayt?" Bumalik ako sa ulirat ko at napatingin kay Khys na seryosong seryoso nag papayo kay Vince. Oo nga pala, boto ang tropa kay Vince para kay El. Ano nga lang ba ako? Best friend lang!

"Sige." Napalingon ako kay Vince na seryoso pading nakatingin sakin. "Hayaan nyo, I'll make her mine officially. Baka kasi maagawan pa ko ng iba." Para naman akong nabato ng salita nya. Parang pinariringgan lang ako. "Geh may klase pako."

Naramdaman ko nalang na nakaalis na siya. Binangga nya pa ko at alam kong sinadya nya iyon. Napapikit nalang ako dahil kinakabahan ako sa posibleng alam nya.

"Ayusin nyo yan." Nilingon ko si Khys na biglang nagsalita. "Ay mali, ikaw pala ang umayos. Wag kang panira bro. Bros before hoes." Paalala nya at iniwan nako mag isa.

Bumagsak ang balikat ko. Bakit bawal naba akong magkagusto? Diko naman kasalanan yon eh.

Ayii's POV

Habang naglalakad papasok ay pinguusapan na ng paligid ko ang tungkol sa laro bukas ng men's. Anim ang susuportahan ng tropa bukas. Kaya full force na kami. Napagusapan narin namin kung paano pumunta don.

Sinuportahan kami nung kami yung may laro, vice versa lang den.

"Santiago!" Lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Trina, tumatakbo papalapit sakin. Nung makarating sya ay huminga muna sya bago nagsalita.

"Practice mamaya." Paalala nya. "Lintek! Wala kabang cellphone? Para naman hindi nako mag effort na hanapin ka!" Inis na sabi nya.

"Meron." Inilabas naman nya yung mamahaling phone nya at ibinigay sakin.

"Itype mo dito." So i did. Nang matapos ay umalis din sya agad.

Naglakad muli ako. Pero napatigil din dahil natanaw ko si Lee na naglalakad. May atraso to sakin eh. Gusto kong malaman kung sya ba nagsabi kay Ajii na binubully ako. At kung sino ang kumuha ng pictures.

"Lee!" Nilingon naman nya ako. Ang inaasahan ko ay tatakbo nanaman sya papunta sakin at magsisimulang mangulit pero nagkamali ako. Nung makita nya ako ay nanlaki ang mata saka tumalikod at naglakad paalis. Kumunot naman ang noo ko.

So ako na tumakbo para maabutan sya. "Lee ano ba!" Sigaw ko. Pero hindi nya ko nilingon.

Hahawakan ko na sana yung polo nya pero bigla syang lumiko at hinatak yung isang babae at nagulat ako sa sumunod nyang ginawa.

Hinalikan nya yung babae.

"Y-yuck." Komento ko. Pero ang dibdib ko, hindi nakikisama. Parang may tumutusok. Pamilyar tong nararamdaman ko eh.

Tinalikuran ko na sila at naglakad palayo. Girlfriend nya ba yon? Bakit wala syang kinukwento sakin?

Nagpatuloy lang ako sa paglakad pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ni Lee.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 12, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

My StealerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora