(16) Circle of friends

6 0 0
                                    

Ayii's POV



3 weeks later~~



"Goodmorning El!" Masayang bati ni Kenji. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid.

"May assignment kaba? Huhu! Nakatulugan ko kagabi yung akin! Lagot ako neto." Kwento nya. Nilingon ko naman sya.

"Bilisan mo ang paglakad, tutulungan kita sa room."

Bawat nakakasalubong naming estudyante ay iba iba ang reaksyon. Yung iba nagbubulong bulungan, yung iba, tila hindi na apektado sa issue na kinaharap ko. Andyan parin yung pambubully pero hindi sing lala noon na tipong, kailangan ko pang magpalit ng uniform. Kadalasan, verbal lagi ang panama nila sakin. Walang kumikilos na Anya at Sofia either any of DDG. This is odd but still i go with the flow.

Pumasok na kami sa room at wala pang katao tao doon. Inilabas agad ni Kenji yung note nya at nagsimula na kaming magturuan. Sanay nako sa gantong senario tuwing umaga. Pagkaalis ni Ajii ay lalapit si Kenji para sabay na kami pumasok. Nauuna kami lagi dito kaya nakakapagkwentuhan kami which is nakatulong sakin na matutong makipagsocialize. Pero syempre, pili lang ang kinakausap ko. I'm still being choosy to give trust to anyone.

"Haayyss~! Buti nalang talaga blockmate kita! You're such a angel in disguise El!" Itinago na nya ang notes and ballpen nya. Kenji is like a little brother to me. Hindi naman sya childish, pero yung turing nya sakin ay parang kapatid nya lang. Kulang nalang ay "ate El" na ang itawag nya sakin.

Nagsipasukan na yung nga classmate namin. Including.... "Fatima! Lika dito!" Pagtawag ni Kenji at umalis sya sa tabi ko saka lumipat sa pangatlong seat. Umupo naman agad si Fatima sa tabi ko.

"Good morning El!" Bati nya. Ngumiti lang ako. Fatima Aliah Clarkson is her name. Secret crush ni Kenji. Nito lang sya naenroll at pumasok. Galing pa daw kasi syang US.

"Si El may good morning, ako wala?" Nakangusong sabi ni Kenji. At ayan na. Lumalabas na ang pagiging childish at kulit ni Ken. Ganyan sya pag nasa paligid si Fatima.

"Goodmorning Nik." Bati naman sa kanya ng babaeng mala anghel na katabi ko. Nik is short for Nikolo which is First name ni Ken.

Pumasok na ang prof kaya nanahimik na kami.

***

"Hai Dude!"

Napangiti ako ng makita ko si Vincent na nagaabang sa labas ng room. Nagfist bom sila ni Ken at saglit na nagbatian.

"Ate. Is he your boyfriend?" Biglang tanong sakin ni Fatima. Natawa naman ako.

"Nope."

"Ah! So his your best friend?"

"No." Naguluhan naman sya. "We're not best friend nor his my boyfriend. We're at the middle of it." Paliwanag ko.

"Eh?!" Naibulalas nalang nya.

"Hi girls!" Bati samin ni Vince. Ngumiti lang ako.

"Hi kuya Vince." Bati pabalik ni Fatima.

"Ken wants to invite you to lunch." Nakangiting sabi nito.

"Really? Okay! I'll go! And you should too! Hihi~! Its your time to get along together alone. Yieee~" natawa nalang kami ni Vincent.

Tinulak ko na sya papalapit kay Ken at tinanaw namin sila papalayo.

"Hungry?" Tanong ng kasama ko. Umiling lang ako.

"10 minutes nalang. Klase ko na." Sabi ko. Tumango naman sya at nagsimula na kaming maglakad.

My StealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon