(12) Bato

13 2 0
                                    

Ayii's POV

"Zayiin. Nandito na tayo!" Iminulat ko ang mata ko. Nakatulog pala ako.

Umunat unat ako at kinusot ko ang mata ko dahil blurred yung nakikita ko. "Saan?" Pakiramdam ko, malayo yung byahe namin. Oo bumyahe kami. Hinatak ako kanina ni Lee palabas. Expect ko pa naman na bawal ako pero nagulat ako nung naghigh five pa sila nung guard.

"Dito sa Laguna!" Napaubo ako sa narinig ko. Feeling ko nasamid ako.

"ANO!?" Sigaw ko. "Anong.... Peste naman oh!" Singhal ko at tumingin sa paligid. Ganito ba talaga pag may sasakyan? Kung san san nalang napapadpad?

"Hehe. Wala akong maisip na ibang pasyalan eh!"

*Clasp*

Tinanggal nya yung lock ng seat belt ko pati nung kanya saka sya lumabas. Syempre lumabas din ako at inopen yung pinto pero....

Blag

"Aray!" Nataranta akong lumabas at tiningnan si Lee na nakasandal sa puno habang hawak hawak yung likod nya.

"Ayos ka lang?" Nagaalalang sabi ko. Nasa pinto kasi sya ng kotse kaya nung binuksan ko, tumalsik sya. Kung bakit ba naman pumunta pa sya dun?

"Grabe ka magbukas! Haha---aray!" Binatukan ko nga. Nakuha pang tumawa! Bwisit to!

Sinara ko na yung pinto ng... Ehem.. BMW ni Lee saka ako tumingin sa paligid. Napakunot naman ang noo ko nang makitang sementeryo ito. Oh let me rephrase, sosyal na sementeryo!

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

Narinig kong iniopen nya yung pinto ng backseat at nakarinig ako ng kaluskos ng plastic. Pinakita nya sakin yun. "Magpipicnic!" Mga junk food and soda yun saka isang blanket.

Sumimangot naman ako. "Really Lee? Dito talaga?" Sarkastiko kong sabi.

Tumango sya. Hinatak nanaman nya ko kung saan at tumigil kami sa isang lapida. Isang makintab na makintab na lapida.

Lianne Lim Sebastian

Born: June 03 ****

Died: September 09 ****

May your soul have a rest and peace.

Yan ang nakalagay sa lapida. Nilatag ni Lee yung blanket sa tabi nun at inayos ang pagkain. Ako naman ay nakatingin lang sa lapida.

"So ayun, i have a little sister named Lianne Lim Sebastian. She's 10 years old. But she died 9 years ago."

Biglang pumasok sa utak ko yung kwento nya sakin kahapon. So she is?

"Upo ka, Zayiin." Sabay pagpag nya sa tabi nya. Tinanggal ko naman yung sapatos ko at umupo doon. Pinatong ko yung bag ko sa lap ko para di ako masilipan.

"Hi Sis!" Napalingon ako kay Lee pero nagtaka ako dahil sa lapida sya nakatingin. Kinakausap nya yung lapida? "Sorry kung natagalan sa pagbalik si kuya ha?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Kinakausap nya yung kapatid nya. Akala ko yung lapida na! (-__-)

"May kasama pala ako." Sabay lingon nya sakin. "Sya si Zayiin sungit!" Naalarma ako sa pagpapakilala nya sakin.

Magha hi bako? Hala! Di ako kumakausap ng patay!

"Oh diba masungit sya? Hahaha!" Hinampas ko ang braso nya. "Aray! Multuhin mo nga to  mamaya Anne. Haha!" Napairap nalang ako. Sa palaka lang ako takot!

"Ano ba kasi dapat sabihin?" Naiinis na bulong ko. Para akong may taong kaharap na diko kilala at diko alam kung pano i approach. Pero sa totoo lang, isang lapida lang ito! Mababaliw ako neto. Tsk!

My StealerWhere stories live. Discover now